Chapter 84
Simapak ko siya pagkatapos niya akong pakawalan. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.
"Oh my baby is mad.." natatawang sabi niya sa akin. Alam kong biro lang 'yun pero naasar ako.
"Sino namang hindi magagalit 'dun?" naasar kong sabi at saka tinaasan ko siya ng kilay.
Tawa lang ang ginawa niya mukhang natutuwa pa siya sa ginawa niyang kalokohan. "I'm sorry, aight?" dahan dahan siyang lumapit sa akin. Hindi naman ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili lang ako at naghintay kong kelan siya tuluyang makalapit papunta sa'kin.
"Kumain na muna tayo.." aniya sa akin at walang sabing hinawakan ang kamay ko saka ako mabilis na hinila. Magpupumiglas na sana ako pero hindi ko nalang tinuloy at hinayaan nalang siya kong saan niya ako dadalhin. Medyo nagugutom na 'rin ako. "Gutom kana ba?" tanong niya sa akin, kalagitanaan ng katahimikan na namamagitan sa amin.
"Hmm, medyo gutom na 'rin ako.." sagot ko at naging tahimik na naman.
"Let's eat, ayaw kong malipasan ka. May pinahanda akong pagkain para sa atin." sambit niya.
Umangat ang kilay ko bago bumaling sa kanya. "Saan tayo kakain?" kuryuso kong tanong sa kanya.
"Upstairs, sa tambayan ko dito."
Bahagyang umaliwalas ang mukha ko at na-excite sa narinig ko. Kuryuso ako kong anong itsura 'dun at kung anong mga nandun. Gustong gusto ko makita, kanina pa lang.
Hindi na ako umimik pa at nagpatianod nalang sa hila niya.
"Ilang taon na ang kapatid mo?"
"Hmm..." hindi siya nakasagot agad tila nagiisip pa sa kung anong sasabihin niya. "17.." sagot nito sa nagaalangang boses.
Tumango naman ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa nag-imporma siyang malapit na daw kami sa sinasabing tambayan niya.
"We're here.." anunsyo niya. Napatingin naman ako sa isang malawak na tambayan sa aming harapan. May mga malalaking couch sa gitna. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Halos mapanganga ako sa nakita. May mga bookshelf na nakalagay sa bawat dingding. Curious ako kong anong mga klaseng libro ang nandun. May nahagip din akong malaking painting na nakadikit doon. Nakapagbigay atrasksyon ito sa mga taong bumibisita dito. Masasabi kong nakaka-amaze ang mga bagay na makikita sa bawat sulok dito. Maayos din ang pagkalagay sa mga libro kung paano pinagsama sama kung saan ito nabibilang. May nakita din akong kitchen sa kaliwang banda. At halos hindi ko na ma-steady 'yung paningin ko dahil palipat-lalipat na ito sa kahit saan. Hula kong mamahalin ang lahat na mga gamit na nandito. They all look expensive, sa tingin pa lang masasabi mong sobrang yaman ang nagmamay-ari sa lugar na ito.
Sino ba naman ang hindi mamangha sa ganitong klaseng lugar, parang hindi pangkaraniwan, opinyon ko lang. Pero sobrang ganda talaga dito! Tambayan pa ba ang tawag dito? Parang bahay na naman.
"Sinong pinapunta mo dito?" kuryuso kong tanong ulit sa kanya.
"Only my family.." mabilis niyang sagot.
Ngumiti ako. "Mga kaibigan mo?"
Pinaupo niya ako sa isang malapad na couch. Umupo naman ako kaagad dahil para akong bata na excited umupo dahil naiisip kong sobrang lambot kapag uupuan na ito. Malaki naman ang ngiti kong bumaling sa kanya.
"Nope, They didn't know that I have this kind of place.."
"You're so secretive.."
"I only want privacy, alam nilang may pagaari kaming ganitong klaseng lugar pero hindi nila alam kung saan. They know but not the exact place." sambit niya. Nasaksihan ko kung paano niya hinalikan ang likod ng kamay ko bago ito binitawan. Nakita kong tumayo siya. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Nandito pa rin ang gulat sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...