Chapter 36

158 15 3
                                    

(Authors Note: Naisipan ko lang maglagay ng kanta para feel, oa ko. Song Title: I Like Me Better —Dauv)





Chapter 36



"Sabi mo cafeteria Xiomara? Bakit nasa isang cafe tayo nga? Lumabas pa talaga tayo.." usal ko sabay tiningnan ang kabuuan ng cafe na pinuntahan namin ngayon.



Akala ko talaga na dederetso kami sa cafeteria ng university. Pero nalito ako dahil hinila niya ako sa ibang dereksyon at dito kami napadpad.




"Mas maganda dito..nasasawa na ako sa pagkain ng cafeteria.." kabit balikat niya.




Napahinga nalang ako ng malalim at umupo sa harapan niya. "Don't worry my treat.." Nakangiting sabi niya pero nasa labas ang paningin. Napatingin din tuloy ako sa tiningnan niya.




Kumunot ang noo ko sa nakita. Nakita ko si nerd na pinagtripan ng mga estudyante. Tatlo silang lahat. Tinulak tulak at pinagtatawanan nila siya. Sumama ang mukha ko sa nakita ko. Hindi man lang lumaban si nerd at hindi ko alam kong anong nasa isip ng mga walang hiyang mga estudyanteng to. Mas malaki pa naman yung katawan ni nerd kong ikokompara ko. Kainis naman!





"Look the nerd guy...you must rescue him.." nakangising sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. Normal lang ba kay Xiomara na makakita ng ganitong pangyayari?





"Why? We can help him..." nangangahulugan kong wika sa kanya.





She just laughed and shook her head. "You can help him alone..trust me.. it's worth it.." nakangising sabi naman niya. Napabuntong hininga nalang ako at hindi alam ang susunod na gagawin.





"I'll wait here..ako na mag-oorder para sa atin, sumabay na tayong kumain maghihintay ako..kaya mona yan..tingnan mo pasasalamatan mo rin ako balang araw.." then she winked at me.





Anong pinagsasabi ng babaeng to? Hahays hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Nililito lang nila yung utak ko.





"Wala kabang balak tulungan siya? kawawa naman, saka hindi ko kayang labanan ang mga lalaking yun' kita mo namang tatlo sila tapos ako magisa lang babae pa, wala atang balak lumaban ang nerd na yun." pagpupumilit ko sa kanya baka sakaling magbago ang isip niya.





Sana naman magbago ang isip niya at tutulungan namin si nerd dalawa. Baka kong papatagalin pa namin to baka ano pang masama sa nerd nayun. Hindi kaya ng konsensya ko.




"Please na Xiomara... let's help him..baka anong gagawin ng mga lalaking yung sa kanya..." pagmamakaawa ko pa sa kanya. Natatakot ako sa maaaring mangyayari.




Napanguso si Xiomara sa sinabi ko at halatang nagpipigil ng ngiti.



Sumandal siya sa likod ng upuan niya habang pinag-krus ang dalawang braso at nangingiting tumingin sa akin. Mataman niya akong tiningnan. Tinagilid niya pa yung ulo niya at niliitian ng mata. Para bang may nakapagpukaw ng interest niya. At parang may nakikita siyang nakaka interest.




"You worried about that nerd guy huh?" panunuya niya.



Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong sasabihin niya talaga ang salitang iyon. Gusto kong aminin ang totoo na nagaalala talaga ako. Pero nahihiya akong umamin.



"Umamin kana, nagalala ka sa kanya no?" natatawang pangaasar niya sakin.




Tumingin ako sa kanya ng masama. "Bakit hindi kaba nagaalala sa kanya?" balik kong tanong sa kanya dahil parang kalma lang niya sa nangyayari. Habang ako dito ay hindi mapakali.




The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon