Chapter 58

93 12 0
                                    

Chapter 58


"Hindi pa ako nakapagpaalam kay Tita, Xio. Ayaw kong pagaalahanin si iyom. Tsaka baka mahuli kayo at masumbong tingnan mo naman nanatili parin kayong nakasuot ng uniporme natin." napalungbaba ako habang nagsalita. Nakaupo ako ngayun sa kama ko habang katabi ko si Xiomara na namimili ng mga damit na nakalatag sa kama. Naghanap siya sa kung anong pwedeng isuot sa akin para sa lakad kahit ayos lang naman sa akin ang simpleng pormahan. Ngumuso siya at seryosong seryoso sa pamimili. Hindi siya nakinig sa akin.


Ang dalawa naman ay naghihintay lamang sa baba. Hinihintay kami dahil bawal naman sila dito sa loob ng kwarto ko. Ito ata iyong kauna-unahang pagbisita at pagpunta nila dito sa bahay. Nakalimutan ko. Ang  naalala ko lang kasi na hanggang sa labas lang sila at hindi na sumbok pang pumasok sa loob.

Mga ilang minuto narin ang nagdaan hindi parin kami nakalabas. Tumayo na ako at napakapamaywang na sa harapan niya. "Huwag mo nang estressen ang sarili mo dahil lang dyan, ayos lang sa akin ang simpleng ayos.." sabi ko para matigil na siya sa ginagawa ngunit parang siya ay walang narinig. Hindi niya ako binalingan o pinansin man lang. Masyado siyang seryoso sa ginagawa. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Sino ba pinapaayosan ko? Wala namang dapat.

Umupo nalang ako ulit. Tiningnan ko siya. "May sasabihin ako sayo.." sambit ko dahilan para makita ko ang mahinang pagalaw niya bago bumaling sa akin. Nasa akin agad ang atensyon niya. Dahil sa nasaksihan ay napasimangot nalang ako bago huminga ulit ng malalim. Umayos siya ng upo.

"Ano 'yun Sissy!?" ramdam ko ang pagkaexcite sa boses niya.

"Secret.." pagbibitin ko sa kanya at bahagyang natawa.

Sinamaan niya agad ako ng tingin. Tumawa ulit ako at sa pagkakataong iyon ay napahalakhak na ako ng tuluyan 'di inalintana ang sakit na nararamdaman.

"Don't laugh at me Sissy" napipikon na sambit naman niya. "Ano nga? Huwag ka namang pabitin dyan 'oh!"

May kaunting tawa parin ang lumalabas galing sa bibig ko bago ibinuka ang bibig para magsimula nang magsalita. "Nakakahiya kasi 'yun.."

"Paanong nakakahiya ba?"

"Yung tipong nakakahiya na nakakahiya.." napapikit ako. Balak ko sanang ikwento kay Xiomara tungkol sa nangyari sa amin ni nerd. Yung halikan pero kinakabahan ako.

"Bakit ano ba kasi 'yun?" pamimilit niya.

"W-wala lang y-yun..k-kalimutan mo'na.." sabi ko sabay iwas ng tingin sa mukha niyang nanunuri sa akin. Bago pa man ako makaiwas ay bahagya niya nang hinila ang braso ko para mapaharap ulit ang mukha ko sa kanya.

"Nah Sissy, huwag kang umiwas ng tingin, please tell me, ano nga 'yun?" sabi niya. "Hindi kita titigilan hanggat hindi mo sasabihin sa akin, mas mabuti pang sabihin mo nalang. Parang nakaka-excite iyang sasabihin mo!"

I pursed my lips while looking at her intently. Nalilito at nagdadalawang isip parin kong itutuloy ko bang sasabihin ang balak ko sanang ikwento sa kanya. She maked face when she noticed about my look I gave her. I looked a away before she could talk anything. Should I tell Xiomara about what happened yesterday or not? I'm a little bit scared. Baka magtampo siya kapag hindi ko sasabihin? Ugh, this must be so confusing.

Hinarap ko siya sa maharang paraan.

"Nahihiya kasi ako.." pag-amin ko at napatingin sa baba kung saan pinaglalaruan ko ang mga daliri ko.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon