Chapter 66

91 12 0
                                    

Chapter 66


Napagdesyunan kona lang na pumasok nalang sa classroom kahit alam kong wala rin naman akong gagawin doon kundi ang pagtingin tingin lang kong saan o iba pa na nakasanayan ko nang gawin.

Nilagay ko ang bag ko sa upuan at sinunod ang mga libro na dala dala ko. Nilagay ko iyon sa ilalalim ng aking lamesa. Ng mga ilang sandali bigla kong naisipang lumabas para pumunta ng library. Doon kona lang ata hihintayin si Xiomara kung magkita man kami roon.

Kinuha ko ang isang libro na hindi ko matapos tapos basahin dahil sa busy ako minsan o minsa'y makakalimutan kong basahin. Iyon na sana ang balak kong basahin kanina habang naroon ako sa student lounge. Payapa nasa sana ang pagbabasa ko kanina dahil wala pang gaanong tao. Makapagbasa ako ng maayos kung sakali man pero hindi rin natuloy dahil sa pagdating ng isang hindi inaasahang tao. Si Zaijian.

Bigla akong natawa habang inaalala ang mukha niya kanina dahil sa panunuya kong sinabi. Hindi na siya makapagsalita ng maayos pagkatapos kong sabihin na may gusto siya sa akin. Iyan lang pala, e!


"Good morning.."

Bahagya akong nagulat sa nagsalita. Pagangat ko ng tingin ay nakita ko si Nerd. Napakurap-kurap ako at hindi agad nakatugon dahil sa pagkatulala ko sa kanya. Nang makabalik ako sa huwisyo ay pilit akong tumawa.

"M-Magandang umaga rin.." bati ko sa kanya pabalik. Tinanguan niya ako. Kakarating lang niya ata. Sanaol fresh.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"U-Uhh..sa l-library lang.." sagot ko naman at iniwas ang kanyang tingin na hindi kailanman napapagod kakatitig sa akin. Yun ang napapansin ko sa kanya. Para bang hindi siya nagsasawang kakatitig sa akin. Gusto niya atang matunaw ako.

"Anong gagawin mo?" tanong niya ulit.

"Magbasa?" sabi ko sabay pakita ng libro na nakaipit sa aking braso. Napatingin siya doon dahilan para may pagkakataon akong titigan rin ang mukha niyang seryoso. Ang kinis ng mukha niya. Lumapit ang tingin ko sa labi niyang nakanguso na pala ngayon. Hindi ko napansin. Naalala kona naman iyong first kiss ko. Dahek!

Pumikit ako. Bakit naalala ko na naman 'yun? Kainis naman. Syempre hindi mo talaga makakalimutan yun Genevieve dahil iyon ang kauna-unahang halik na naransan mo sa buong buhay mo.

"Are you okay?" may halong pagaala sa boses niya kaya agad akong dumilat at inilingan siya.

"Ahh! Oo naman! Bakit naman hindi diba? Ha ha ha.." tumawa na naman ulit ako kahit alam napipilitan lang. "Nasa--" natigilan ako ng makita kong palapit siya sa akin. Halos mangatog ako sa ginawa niya. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Napahigpit rin ang pagkakahawak ko sa libro na nasa kamay ko na.

Pinaglandas niya gamit ang likod palad ng kanyang palad sa noo ko. Pati narin sa leeg ko. Halos hindi na ako makahinga sa ginawa niya. Syomay! Sobrang init na rin ng pisnge ko. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kanyang balat na naglapat din sa aking balat. Nakakapanghina. Naikagat ko rin ang labi ko.


Narinig kong huminga siya ng malalim. "Hindi kana naman mainit siguro ka bang maayos kana talaga? It looks like that you are not." sabi niya na siyang pagbalik ng ulirat ko. Nakakahiya!

"Oo naman..maayos na a-ako.." sambit ko pero sa nakikita ko sa mukha niya na mukhang hindi siya naniniwala sa akin.

"Sure?" ulit niya pa. "Hahalikan kita kapag nagsinungaling ka." aniya dahilan para manlaki na naman ang dalawang mata ko. Bahagya pa akong napalayo sa kanya dahil sa sinabi niya.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon