Chapter 19

176 22 2
                                    

Chapter 19


Pagkatapos kong kumain pinakilala kami ni tita sa mga kakilala niya. Kahit nahihiya ako ay pinilit kong makahalubilo sa mga taong nandun. Hindi na kami ulit nagusap ni Zion dahil sa napagusapan namin kanina. Hindi kami nagpansinan. Nahihiya ako sa mga naamin at nasabi ko sa kanya. Biglaan ang pangyayari. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang lahat nang iyon sa kanya nang harapan. Na walang naramdamanang pagaalangan. At ngayon hindi ko alam kong anong pumasok sa isipan niya ngayon tungkol sa naamin ko.


Kung iiwasan niya ako mas mabuti narin yun. Gusto kona ding lumayo sa kanya. Gusto kona din siyang iwasan. Simula ngayon. Sisimulan ko ng tatanggapin ang lahat.


Pagkatapos nang usapan ay nagpaalam ako kay tita para sana maunang lumabas at doon nalang maghintay sa kanila. Dahil hindi ko ata kakayanin yung presensya ni Zion sa loob. Hindi ako makagalaw ng maayos kasi nararamdaman ko yung titig niya kahit hindi ko man siya tingnan.


"Hey..."


Napahinto ako sa paglalakad dahil may boses akong narinig galing sa likod ko. Alam ko kong sino ito.



Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sakin. Masyadong pre-occupied yung utak ko. Saka bakit niya ba ako sinundan?



Napakagat ako ng labi at mariing napapikit bago nagpatuloy sa paglalakad. Inignora ko lang siya. Titiisin kong wag siyang pansinin at kausapin..



"Czari...." narinig kong tawag niya ulit gamit ang pangalawang pangalan ko. Medyo hindi ko inaasahan na tatawagin niya ako nang ganun. Sa mga nagdaang taon. Ngayon kopa ulit siyang narinig na tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko. Nakakabigla.


Sa mga bata pa kami he always called me by my second name. And I like it when he calls me that. I feel so special.


Pinahaba kopa yung pride ko, hindi ko parin siya nilingon. Bahala siya. Kung saan gusto ko nang lumayo dun pa siya mangungulit.



"Please pansinin mo ako hey.."


Kapal nang mukha mo ah! Bahala ka!


"Genevieve Czari.."



Wow, really huh? tinawag niya pa talaga ako sa dalawang pangalan ko para mapansin ko siya pwes matigas ako ngayon! At magdusa siya! Akala niya makukuha niya ako dyan ha.


Hanggang sa makalabas na kaming pareho nakasunod parin siya sakin. Ano ba kasing kailangang pagusapan namin.


"Let's talk..." maoturidad niyang saad.


Ano ka gold?


Dahil sa inis ko, hindi kona kayang pigilan pa. Inis akong lumingon sa kanya. "Ano bang dapat pagusapan natin?" malumay ngunit may halong inis iyong boses ko.


Nakita kong napatingala siya habang nakapikit. At bigla akong tiningnan gamit ang seryosong ekspresyon nang walang kurap kurap. "Sa sinabi mo kanina..." sabi niya.


"Ahh yun ba? Kalimutan mo nalang yun.." walang ganang sagot ko bago tumalikod sa kanya para lumayo. Ngunit napatigil din ako dahil sa ingay ng mga tao. Biglang umingay yung mga tao. Yung tingin nila ay nasa malaking gate kung saan may paparating na sasakyan.



Huh? What's going on?


"Czari please... let's talk..." pamimilit ni Zion galing sa likod ko. Hindi niya parin ba ako titigilan? Sabi kong kalimutan nya nalang yun eh. Diba siya nakakaintindi. Ayaw kong maging harsh sa kanya pero parang ito nalang yung natatanging paraan para naman lumayo yung loob ko sa kanya.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon