Chapter 46

148 18 2
                                    

Chapter 46


Nagising ako dahil sa sobrang lamig. Sa pagkaalala ko pinatay ko naman 'yung aircon sa loob ng kwarto ko kagabi. Napasinghot ako at napa-ubo. Nanginig na ako ng sobra. Nagkumot na ako baka sakaling nilalamig lang talaga ako dahil sa panahon ngayun ngunit wala paring epekto. Hindi naman ako nagpaulan kahapon. Sana naman huwag akong lagnatin. Iyon ang pinakaayaw ko sa lahat. Ang magkasakit. I always took good care of myself. Dahil iniiwas-iwasan kong magkasakit


Hindi ko magagawa ang mga gusto kong gawin kapag nagkasakit ako. Ag mas lalo pang ayaw kong umabsent.


Narinig kong may kumatok sa labas ng pintuan. "Ma'am! Gising ba po.. late na po kayo..." rinig kong usal sa labas.


Dahan dahan kong iginalaw ang katawan ko. Nanghihina at wala talagang enerhiya. Balak ko sanang tingnan ang orasan sa gilid ng kama ko na nasa mesa. Subalit ang problema ay hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko. Ng tuluyan ko ng maiharap ang katawan agad ko ng tiningnan ang orasan.



8:48 am.


Napatitig ako sa orasan. At mayamaya dun ko lang napagtanto na late na late na ako!


Paanong!?


Imbes ay magisip ng kung ano o idahilan. Kahit na nanghihina ang katawan pinilit kong tumayo at agad na dumeretso sa banyo. "Late lang po ng gising! Maliligo lang po ako, bababa lang po ako pagkatapos..." sigaw ko para ipaalam sa kasambahay. Tumugon naman ito kaya nagtuloy-tuloy na ako sa ginawa.

Nakahalata kaya siya sa boses ko? pati boses ko napapaos. At hindi ako makapagsalita ng maayos. Suminghot ako.


Ayaw kong ipaalam sa kanila na may sinat ako ayaw ko silang ipagalala at ayaw ko ring umabsent. If Tita Elvinna knows my situation right now. Sigurado akong hindi niya ako hahayang makapasok para magpahinga at manatili dito at magpapagaling. Kaya mas mabuti nalang na wag ng ipaalam. Hindi ako magpapahalata.


Mabilis ang galaw ko kahit mahina ang katawan pinilit ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kaagad at gingawa ang routine na ginagawa ko bawat umaga. Agad na akong bumaba nung napansin kong tapos na ako.

Wala naman atang nakapansin sa kondisyon ko kaya dumiretso na ako sa hapag. Nagmamadali akong matapos kumain para wala ng magbabalak na magtanong kong sakaling mapansin nilang matamlay at maputla ako. Mas binilisan ko pa ang pagsubo ng pagkain.

Agad na akong lumabas pagkatapos ko. Mabuti nalang at naghintay na 'yung driver. Walang pag-alinlangan na akong sumakay sa loob. At laking ginhawa ko ng hindi niya napansin na may kung ano sa akin. Naguusap kami tungkol kagabi kung bakit hindi niya nasagot ang mga tawag. May pinapagawa daw sila ni Tita. Naiintindihan ko naman kaya nagkabit nalang ako ng balikat pagkatapos ay himilig sa salamin.



"Ma'am... nandito na po tayo.." agad kong iminulat ang mga mata ko dahil may gumising sa akin. Humikab pa ako habang palingon-lingon. Umay, nakatulog ako.



"Kanina pa po ba ako nakatulog Kuya?" tanong ko sa driver. Nakita ko namang tumango ito sa rear view.


"Yes po..."



Napasampal nalang ako sa noo. Huminga nalang ako ng malalim at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya.



Ilang beses na akong pahikab ng paulit-ulit habang naglalakad. Pati paglalakad ko walang gana rin pero pinilit ko. Umubo ako. Nagulat nalang ako dahil may biglang umakbay sa akin kaya napaatras ako agad.


The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon