Chapter 59

97 12 0
                                    

Chapter 59

"So magaling pala humalik ang nerd na yun no'?"

"Ewan.." sagot ko.

"Tsk, gumawa kayo ng kababalaghan habang wala ako? Aba e hindi pwede yan! Iniwan mo pa ako sa Kade na asungot na yun."

I sighed. "Fine, I'm sorry okay?" Napatingala ako sa taas. "May problema pa ako.." mahinang sabi ko at tumingin sa kanya nakitaan ko naman ang pagalala sa mukha niya ang kaninang amused ay biglang naglaho ng parang bula dahil sa sinabi ko subalit napalitan ito ng pagaala. Akala siguro niya'y seryoso itong problemang sasabihin ko. Hindi ko nga alam kong matatawag ba itong isang problema o hindi baka naghahalkulasyon lang ako at parang  ako lang din ata ang ginawang bigdeal ang bagay na ito. Gaya nang paganti ng halik. Iba naman din ako sa kanila at syempre bago iyo sa akin.

"Ano yun Sissy?"

"I kissed him back, parang mali ata 'yun diba? Hindi pa naman kami, e.." I said in a problematic tone. I'm so frustrated about this. Bumuga pa ulit ako ng malalim na hininga.

Nakita kona namang napanganga siya sa sinabi ko animo'y hindi makapaniwala. Napatawa pa siya ngunit putol putol. "Really?" she said. "Hmm.." nagiisip-isip siya. "Hindi naman mali kong ginusto mo talaga at ang tanong bakit mo kaya siya hinalikan pabalik? May gusto kaba sa kanya?"

Natigilan at napakurap-kurap ako sa tanong na iyon. Napasinghap din ako hindi alam kong anong pwedeng isagot. Nanatiling siyang nakatingin sa akin, naghihintay sa isasagot ko sa kanya. At ang mga mata niya ay naghahanap talaga ng sagot galing sa akin.

"Kung ayaw mo naman ang isang tao hindi mo naman ito hahalikan pabalik diba? depende nalang kong ka fling o ka fubu mo lang?"

Bahagyang umangat ang kilay ko sa sinabi niya. "H-huh? Fubu? Fling?" lito kong tanong sa kanya.

"Nevermind, just answer my one and only simple question. Do you like him?"

"Hindi naman iyan simpleng tanong, e..napakahirap kaya sagutin niyan.." reklamo ko ngumuso ako pagkatapos sabihin iyon.

"Hindi ka nakasagot agad so ibig sabihin posibleng may pagtingin ka rin sa kanya, dahil nagdadalawang isip kapa. Kaya mo naman iyang sagutin agad ng ganoong kadali kong ayaw mo sa talaga kanya o hindi mo siya gusto..at parang sa nakikita ko ngayon. May gusto ka talaga sa kanya, diba? Hindi mo lang maamin?"

Natutop at napaawang na naman ang bibig ko hindi ako makapagsalita. Umawang ang aking labi.

"H-hindi ako s-sigurado.."

Bumuntong hininga siya sa naging sagot ko. Ultimo si Xiomara ay naguguluhan sa akin.

"Paano kapag gusto ka rin niya, Sissy? Anong gagawin mo?"

"Hindi ko alam..wala pa sa isipan ko yan at alam mo namang imposibleng mangyari yan..malabo." sabi ko at napatango-tango kinukumbinsi ang sarili na totoo talaga ang sinabi ko.

"Paano ka naman nakakasigurado? Hindi natin alam ang panig niya..we don't know yet.." sabi niya pa at sumilay ang ngiti sa labi. Umaasa talaga siyang may gusto sa akin si nerd. Hindi naman ako umasa dahil minsan na akong umasa.


Umiling na lamang ako. "Basta, hintayin mo ang tamang araw at oras!" hype na sambit niya sa akin at kinindatan pa talaga ako. Mapait lang ang ngiti ang ibinigay ko sa kanya pagkatapos ay nagkabit ng balikat.

God has a perfect timing. Maghintay nalang tayo at manalig palagi.

"Of course," I simply said. At hindi nagsalita pa.


— — —

"Ayos lang ba talaga na umalis ka sa bahay niyo?"   paulit-ulit nilang tanong sa akin kanina pa sila ganyan kahit ang sinasagot ko naman palagi ay ayos lang. Ngunit amg totoo ay medyo masama pa talaga ang pakiramdam ko pero pinilit ko talagang maging okay sa paningin nila para naman hindi na sila gaanong magalala sa akin.

"Baka magalala ang Tita mo dahil umalis ka ng walang paalam?" they asked me again but I only sighed.

"Ayos lang, ako na mag-eexplain kay Tita Elvinna paguwi..wag na kayong magalala.." nakangiting sabi ko para makumbinsi ko sila ng tuluyan. Nakatitig ang dalawa sa akin. Si Xiomara at Kade. Wala si nerd dahil nagpalit pa ng damit. At tsaka nasa mall na kami ngayon.


Umalis ako ng walang paalam kay Tita ang tanging nakakaalam lang na umalis ako ay ang mga kasambahay na nasa bahay. Dahil alam ko, kahit pa magpaalam ako kay Tita alam ko rin namang hindi niya ako papayagang umalis at sumama sa kanila kaya mas pinili ko nalang umalis ng hindi ipinaalam sa kanya. Ang sama ko. Hays.

"Yang panget kasing kaibigan mo ang nag-suggest niyan, ayan tuloy nadamay beshie ko!" reklamo na naman ni Kade sabay turo kay Xiomara na masama na ang mukha. Kanina pa sila ganito habang nasa sasakyan kami. Nagtututuan kong sino ang may kasalanan.

Pinagkrus naman ni Xiomara ang braso niya habang nakataas ang kilay bago pinataas baba ang kanyang tingin kay Kade. "Oo na! It's my fault! Kaya pwede ba manahimik kana nga lang dyan? pwede? e sa mabagot naman si Genevieve sa kanila? tsk, bakit pa kasi sumama ka pa..wala kang dulot.." pabulong-bulong na sabi ni Xiomara habang nasa ibang direksyon ang tingin.   Kahit sadyang bulong iyon ay parang sinasadya rin niya talagang iparinig iyon kay Kade. Halatang pinaparinggan niya na naman ito.

"Naririnig ko ah.." Kade.

"Aww, natamaan ka?" mataray na sambit naman ni Xiomara sa kanya.

"Hindi naman, slight lang.." walang ganang tugon ni Kade pagkatapos ay ngumisi siya.

"Let's go.."

Sabay kaming napalingon sa likod. Bahagyang namilog ang aking mga mata at agad ko rin naman iyong winala para hindi niya mapansin ang pagkagulat ko. Napalunok ako ng pang ilang beses dahil sa nakikita kong naging ayos niya ngayon. Pamilyar siya sa akin. Parang may kaparehas siyang kabuuan ng katawan. Hmm..

Mave? I don't think so..

At ang masasabi ko lang ay bagay ang kanyang ayos niya ngayon. Alisin niya lang ang salamin na nasa mukha niya ay sobrang gwapo niya na. Napakagat ako sa labi dahil sa hindi inaasahang complement na ibinigay sa ko kanya. Nakakahiya naman. Nagiwas ako ng tingin. Napatuwid ako sa pagkatayo ng may kumurot sa bewang ko dahilan para mabigla ako. Napatingin ako kay Xiomara na nakangisi na ngayon. Inginuso niya pa si nerd. Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin ngunit tumawa lang siya. Alam ko kaagad kong anong iniisip niya.

"Ang gwapo mo Ethan! Tanggalin mo kaya iyang salamin mo?"

"No need, let's go.." kay lamig ng simoy ng hangin. Ang lamig niya talaga magsalita. Napapansin ko rin naman minsan na hindi siya ganito magsalita sa akin minsan. Bipolar.

"Ay sayang!" nanlulumong sabi ni Xiomara kahit nanatili naman ang ngisi niya sa labi. Tumingin ito sa akin kaya agad ko siyang pinandilatan.  

Ewan ko sa babaeng 'to. Napailing nalang ako.

"May gusto kaba sa kanya?"

Napatingin ako kay Kade dahil sa kanyang tanong kay Xiomara. Bago lumipat ang tingin ko kay Xiomara at Nerd na sabay na napaubo. I pouted.


"What the fuck!"

"What the hell!"

________________________________________________

Enjoy reading!

(Author's Note: Sobra ko pong naapreciate iyong naghintay sa update ko. Advance Merry Christmas sa lahat!♥️)

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon