Chapter 55
Umaga na, kasalukuyan akong nakaupo sa veranda ng kwarto ko. Nakatulala habang pinapanood ang mga ibong nagsisiliparan sa kalangitan. Ang sinag ng araw na tumama sa paanan ko. Pagkatapos nang nangyari kagabi nagpahinga na ako at tuluyan na namang nakatulog ulit at nagising ng maaga ngunit nanatili paring nakahiga sa kama. Umuwi saglit sina Tita babalik daw siya rito mayamaya at si Zion naman ay umuwi narin dahil may klase pa. Kahit ayaw ko namang gawin ay umabsent na lang ako dahil wala naman akong magawa. Hindi ako papayagan ni Tita pumasok na ganito ang kalagayan.
"Uminom na kayo ng gamot ma'am, bilin po ni madam." ani ng kasambahay na nasa gilid na nagbabantay sa akin. Hindi ko siya nilingon. Tipid ko lang siyang tinanguan. Nakita ko namang naglakad siya palayo sa akin pagkatapos makita ang pagsang-ayon ko. Huminga ako ng malalim at sumandal sa backrest na inuupuan ko.
Pumikit ako para damahin ang preskong hangin na dumaloy sa katawan ko kaya gusto ko talagang tumambay dito kapag wala akong ginagawa. Minsan ay dito ko rin ginagawa ang mga gawaing nakasanayan kona. Gusto ko din dito sa tuwing maiisipan kong magbasa.
"Ito na po.." Iminulat ko ang aking mga mata nang marinig kong bumalik na iyong kasambahay. Tahimik ang bawat galaw ko at inimon agad ang gamot nang walang pag-alinlangan pagkatapos ay magpasalamat ako sa kanya at bumalik ulit sa pagkasandal.
Hindi kona pa naisipang buksan ang cellphone ko siguro'y mamaya kapag maalala ko. Wala kasi akong gana kaya hindi ko pinipilit ang sarili ko at bawal din akong gumamit na kahit anong gadgets. Gusto kong gumaling kaagad. Gusto ko nang pumasok kahit kakasimula ko pa namang umabsent. Naalala ko tuloy yung ayaw nung unang absent ko.
Ngumiti ako sa kawalan. Masaya ang araw na 'yun. I sighed.
"Ma'am may naghahanap po sa 'inyo.."
Bahagyang kumunot ang noo ko sa narinig.
"Sino?" tanong ko sa kanya.
"Tatlo po sila, e." sagot nito dahilan para mapaayos ako ng upo at nilingon siya.
"Hindi ba binanggit ang pangalan?"
Umiling ito. Ngumuso at tumango ako sa kanya. Sino naman kaya sila? Nakakapagtaka naman. Nakakabahala.
"Nasaan po sila? Pinapasok niyo po ba?" tanong ko ulit kahit ang tingin ay nasa pintuan ng kwarto ko. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kanya.
Sumagot naman siya kaagad. "Opo! nasa sala po, naghihintay. Binilin ko po kasi na maghintay muna sila doon upang tawagin muna kita para ipaalam na may bisitang dumating." paliwang niya.
Tumango naman ako sa kanyang sinabi. Humugot ako ng malalim na hininga bago mapagpasyahan na tumayo para lumabas at harapin ang mga panauhin na bagong dating. Inalalayan niya agad akong tumayo nang makitang medyo natumba pa ako sa pagtayo ko. Medyo Nahihilo pa akong tumayo.
"Ma'am, kung gusto niyo po ay magpahinga nalang po muna kayo sasabihin ko nalang po sa kanila na hindi pa po kayo pwedeng magpakita kahit kanino dahil hindi po maayos ang pakiramdam ninyo." aniya.
Mabilis kong inilingan ang suhestiyon na sinabi niya. Hindi pwede, kailangan kong harapin kong sino man sila kahit wala akong ideya. May naisip ako pero hindi ako sigurado kong sila ba talaga kasi napaka-imposible.
"Ayos lang po, kaya ko po ang sarili ko. Huwag po kayong magalala.." sabi ko sabay nginitian siya para wala na siyang dapat ipagalala sa akin. Narinig ko nalang siyang huminga ng malalim alam kong may gusto pa sana siyang nais sabihin ngunit hindi niya nalang tinuloy dahil wala na siyang magagawa pa sa desisyon ko.
Malapad akong ngumiti nang magsimula na kaming maglakad papuntang baba.
"Sissy!"
Halos manlaki ako nang mapagtanto ko kong kaninong boses iyon nanggaling. Agad akong dumungaw sa baba. Tama nga ang hinala ko! Halos tinakbo ko ang hagdanan papuntang baba kahit nakaramdan na ako ng pagkahilo binalewala ko lamang iyon at nagtuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Narinig ko pa nga ang munting mura galing sa likuran ko, ang kasambahay. Hindi ko iyon pinansin hanggang sa tuluyan na akong makababa. Nabigla nalang ako dahil bigla niya akong niyapos ng yakap. Para bang ngayon lang ulit kami nagkita sa matagal na panahon.
"X-xiomara..h-hindi ako m-makahinga.." sabi ko sabay tulak ng kaunti sa kanya dahil hindi na talaga ako makahinga ng maayos dahil sa madyadong pagkahigpit na pagkakayakap niya sa akin. Mabilis niya namang kinalas ang pakakayap at naabutan ko ang mukha niyang parang naiiyak.
"Bakit hindi mo sinabi ha!?" singhal niya sakin may bahid na pagtatampo ang boses niya.
"H-huh?"
Pinaikot ang mata niya sa ere pagkatapos ay nakasimangot nang nakatingin sa akin.
"Bakit hindi mo sinabi na hindi pala maayos ang pakiram mo kahapon? Na may sakit ka pala? Na may nararamdaman ka pala? Sabi kona nga ba! May sakit ka talaga! Ang putla mo kahapon! Kainis naman Sissy, eh!" pagtatampong sabi niya sakin.
Ngunit tinawanan ko lang ang sinabi niya grabe naman makareact tong si Xiomara.
"Atleast buhay po ako." natatawa kong sabi sa kanya agad niya naman akong tinampal at pinaningkitan nang mata. Hindi nagustuhan ang sinabi ko kahit ang totoo ay nagbibiro lang naman ako.
"Hmp!"
"Paano mo pala nalaman na may sakit ako ngayon?" tanong ko.
"Nalaman ko lang kay Sir Levi.." aniya.
"Tinanong mo?"
Umiling naman siya. "Hindi, nasabi niya lang kanina na absent ka raw dahil may sakit kaya nagulat ako at nagtataka rin kong bakit late na late kana..kaya I decided na mag cutting." sabi niya na parang isang normal lang iyon para sa kanya.
Namilog ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwala. "W-what!?" laglag panga kong tanong sa kanya hindi makapaniwala sa ginawa niya. Bakit niya naman ginawa iyon?
"Don't worry hindi lang naman ako nagiisa, tatlo kami." then she winked at me.
What the heck?
Mas lalong nalaglag ang panga ko sa nalaman. "Sino naman?" sabay sulyap ko sa likod ngunit wala naman akong nakitang tao sa likuran niya. Nasa sala siguro. Ibinalik ko ulit ang tingin niya na may pagtataka.
Nagkabit siya ng balikat. "Tsk, kasi naman ako lang naman talaga magisa ang magcut ng klase pero may asungot, nahuli ako ni nerd na nagcutting at tinanong kong saan ako pupunta at sinabi ko naman sa kanya kung saan. Tapos ayun gusto niya daw sumama sa akin. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan nalang siya. Pero may dumagdag na asungot, nakita niya rin kami. Pagkatapos kong sabihin kong saan kami pupunta ay hindi na nagdadalawang isip at sumama narin sa amin kahit si nerd pang ilang ulit nang nagreklamo at pang-ilang beses nang tinaboy si Kade dahil nakadagdag lang daw ito sa problema ngunit ang loko loko ay hindi nakinig sumama talaga nagaalala rin daw siya kaya wala na kaming choice.." mahabang pahayag niya. Hinihingal pa siya pagkatapos sabihin iyon. "Ewan ko' ba kung anong tumatakbo sa isipan ng mga baliw na 'yun.."
Umay.
__________________________________________________
Enjoy reading!
(Author's Note: Sorry kong natagalan mag-update. Wala kaming kuryente at signal dito sa amin sa Bohol dahil natamaan kami ng bagyong Oddete. Pasensya na sa naghihintay, kung meron man. At sobra ang papasalamat ko ngayon dahil bumalik na ang signal at sa wakas nakapag-update narin ulit! Maraming salamat sa pag-unawa! Godbless all! Thank you!)
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...