Chapter 69
"Kumain nanga lang tayo!"
Natatawa akong sumunod sa kanya at hindi parin siya tinitigilang asarin tungkol sa namaling nasabi niya kanina. Inasar ko pa siya lalo kay Kade.
"Nagaaksaya lang tayo ng oras dun sa papunta punta natin sa classroom ng panget na 'yun wala rin naman siya hahays.." sambit ni Xiomara bago pinihit ang pintuan ng cafe na laging pinupuntahan namin. Nagustuhan ko na rin ang lugar na 'to.
"Hay naku, huwag nalang natin pagusapan ang tungkol doon. Ganyan mo na ba kamiss si Kade?" panunukso ko pa dahilan para mapasimangot siya mayamaya'y bahagyang natawa.
"Ang hilig mo nang mangasar Sissy! Ano kayang nakain mo.." umakto siyang parang nagisip-isip. "Alam kona, ganyan talaga kapag inspired. Naku' wag ka ring magdeny halata naman." sabi niya.
Aba, nakaganti ang babaeng 'to. Umiling nalang ako at hindi na pinansin ang sinabi niya. Agad na kaming umupo sa palagi naming inuupuan kong saan kitang kita ang labas. Sinilip ko ang labas, ang ingay ng mga dumadaang sasakyan. Marami ring mga estudyanteng dumadaan at base sa kanilang uniporme nasa ibang paaralan sila nagaaral.
Naalala ko ang gulong nangyari dito 'nung isang araw. Binalewala ko nalang 'yun at humarap ulit kay Xiomara na busy na sa kanyang cellphone. "Wala ka bang balak mag order?" tanong ko sa kanya. Nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bag.
Agad kong kinapa sa loob ang cellphone at agad na sinagot ang tawag. Tumingin ako kay Xiomara na nakatingin na pala sa akin. Tumayo ako at sumenyas sa kanya na lalabas muna ako para sagutin ang tawag. Tumango siya at wala naman akong pasubaling lumabas.
"Hello?"
"Hija, nasaan ka ngayon?" may bahid na pagalala ang boses ni Tita.
"Nasa labas po, nasa cafe.." sagot ko bago tumingala para tingnan ang karatola na nakalagay sa ibabaw ng cafe.
"Kumusta ka naman dyan?" tanong ulit ni Tita sa akin. Kumunot ang noo ko at napahinto. Napaayos ako ng tayo bago palinga-linga sa palagid.
"Maayos lang naman po ako rito, kasama ko po si Xiomara..tsaka bakit niyo po pala natanong?" kuryusong tanong ko kay Tita. "Kakain na sana po kami, lumabas lang po ako para kausapin kayo ng maayos." pahayag ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya.
"I'm sorry for disturbing you hija, nagalala lang talaga ako. Ibaba ko na 'to para makakain na kayo. Basta magingat ka lang dyan okay? Tawagan mo 'ko kaagad kapag may masamang mangyari sayo, naiintindiha mo 'ba?" paalalang wika ni Tita Elvinna sa akin.
Tumango lamang ako kahit hindi niya naman kita. "Yes po, pangako po 'yan.."
"Good, pumasok kana at para makakain na kayo.
"Sige po." sabi ko bago ibinaba ang tawag. Mga ilang sandali napatitig ako sa kawalan. Bakit ang weird at kakaiba ng mga tao na nasa palagid ngayon? Hindi ako sanay ng ganito.
Huminga muna ako ng malalim bago naisipang pumasok ulit sa loob. Pagdating ko ay may mga pagkain ng nakalatag sa mesa. Naka-order na pala si Xiomara. Napangiti ako tsaka hinila ang upuan para umupo.
"Nag-order na ako baka kasi matatagalan ka pa.." paliwanag niya. "Sino pala iyong tumawag sayo Sissy?"
"Si Tita lang.."
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Fiksi Remaja(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...