Chapter 24

184 21 14
                                    

Chapter 24


"Manang, tumawag ba si Tita kanina?" tanong ko sa kasambahay.

"Wala po ma'am.." rinig kong sagot nito. Tumango naman ako pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkain.

Hindi parin mawala yung pangamba ko sa sinabi ni Tita kahapon. Bigla akong natrauma. Kinuha ko ang isang basong tubig nasa harapan ko at ininom iyon. Nagsimula na naman akong kabahan. Kumabog na naman yung puso ko.

"Pakisabi nalang po kay Tita kong sakaling pumunta siya dito sa bahay na wala ako..nasa school po ako at kapag aalis po siya tanungin nyo po kong saan siya pupunta.." habilin ko saka ako tumayo dahil tapos narin naman akong kumain. Handa na akong pumasok.

"Masusunod po ma'am.."

"Huwag nyo po sanang kalimutan yan.." seryosong sabi ko.

"O-opo..."

"Mauuna na po muna ako sa inyo.." huling sabi ko sabay talikod. Ngunit napatigil rin dahil bigla ulit akong tinawag ni manang kaya napalingon ako sa kanya.

"Ma'am.."

"Bakit po manang?" tanong ko sa kanya.

"Wala pong magmamaneho ngayon..saka yung mga bodyguards nyo po ay wala rin, ang sabi kailangan daw sila ni Madam Elvinna..wala pong maghahatid sa inyo..." ani ni manang na mukhang nagalala.

Napatango ako. Naiintindihan ko naman. May importante atang gagawin si Tita kaya kailangan niya ng ibang tauhan. Napahinga nalang ako ng malalim. Mukhang ayos narin para wala ng sumusunod sa akin mamaya. Wala munang bodyguards for today. Dapat naba akong mag-celebrate?

Ngumiti ako. "Ayos lang po, kaya ko naman pong mag-commute. Magcocomute nalang po ako.." masaya kong sabi kay manang. Hindi naman siya makapagsalita. "Seryoso po ba kayo dyan ma'am?" paninigurado niya. Tumango ako ulit.

"Ayos lang po talaga, sige na po wag na po kayong magalala..mauuna na po ako sa inyo bye bye!" sabi ko habang tumatakbo papuntang labas. Medyo excited ako dahil ngayon ko lang ulit maranasan magcommute. Nagpaikot-ikot pa ako nang makalabas na ako galing sa gate.


"Yeahhhhhh!" sigaw ko. Para tuloy akong ibon na nakawala galing sa hawla. Sa wakas! para akong ngayon lang nakalabas sa bahay o para bang ngayon lang nakatakas.


Bumalik ang mood ko nang malaman kong walang sagabal muna ngayon. Wala munang magaaligid. Nakakatuwa! Pasensya na, mas gusto ko talagang walang bantay o magaaligid kong saan ako pupunta. Malaya na akong makapunta sa kong saan.


"I'm free!" Umiikot ako ako habang malaki ang ngiti.

Beeep beeeep

Halos lumuwa yung kaluluwa ko dahil sa gulat. Napatumba ako dahil sa pagkagulat may biglang bumusina galing sa likod ko. Sobrang lakas! Hindi ko naman iyon inaasahan.

"A-aray..." reklamo ko sabay hawak sa braso kong natamaan sa may batuhan. Halos maiyak ako nang makita kong may dugo. Nasugatan yung braso ko. Bumangon ako para pagpagan yung sarili ko pagkatapos ay ibinalik ko ulit ang atensyon sa sugat ko. Shit naman ayaw ko talagang magkasugat. Ayaw na ayaw ko sa lahat.


"Kainis naman..."


"Miss?" sambit ng taong nasa harapan ko. Inis naman akong bumaling sa nagsalita habang nakakunot ang noo. At bumungad sa akin ang mukha ni Kade.

The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon