Chapter 30
Pagkatapos ng mahabang usapan namin kanina ni Xiomara. Dun ko namalayan na makulit siyang tao at masaya siyang kasama. Parang walang minuto na hindi ka magawang tumawa dahil sa mga sinasabi niya. Kung ano-ano at kong saan saan umaabot yung mga nakwekwento niya.
Yung mga kakalase namin kuryusong nanonood sa banda namin ni Xiomara.
At simula sa araw na iyon naging close kami ng biglaan. Mas gusto niya pa daw akong kasama kesa sa grupo niya. Lahat lahat nakwekwento niya sakin. Nakwento niya rin yung tungkol sa kanila dati ni Camila. Tama nga magbestfriend sila dati pero nasira lang dahil kay Zion. Kwinento niya rin sa akin kong kelan, saan at paano niya nagustuhan si Zion. Hindi ko inaasahan yung mga paghihirap na dinanas niya hindi lang pala ako ang nagiisa ang nahihirapan.
Madaldal pala talaga siya.
______
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng biglang nag ring yung cellphone ko na nasa lamesa. Kinuha ko agad yun at tiningnan kong sino ang tumawag. Napailing nalang ako habang sinasagot iyon.
"Hoy Sissy! punta ka daw there sa bahay.." bungad sa akin ni Xiomara.
"Bakit?"
"May ipapakuha daw si Tita Elvinna pero wala siya, ang sabi niya na ikaw nalang daw muna ang kumuha kung wala kang ginagawa..."
"Wala naman, may binabasa lang ako dito.." suminghap ako saka ako tumayo.
"Ganun naman pala! punta ka dito! Excited ako!" nanggigigil na sambit niya.
Tumawa ako masyadong hype ang babaeng to. "Oo na wait lang..." sabi ko. Kumuha ako ng jacket sa loob ng closet ko pagkatapos ay bumaba na ako.
"Manang nandyan ba si Kuya Leo?" tanong ko kay manang sa driver namin.
"Yes ma'am, naghihintay na po siya sa labas.." sagot nito. Napatango naman ako at naisipan nang pumunta sa labas. Tama nga kanina pa naghihintay si Kuya Leo sa akin.
"Good evening po manong..kanina pa po ba kayo naghihintay?" nagaalalang tanong ko. Kahit naman driver lang siya ayaw po parin magpa feeling special. Ayaw kong may naghihintay sakin.
Umiling agad nito at ngumiti. "Good evening din ma'am, mga minuto narin ma'am.. binilin kasi ni madam na may pupuntahan tayo.." magalang na wika niya saka yumuko.
Ngumiti lang ako sa kanya bago ako ako pumasok sa loob ng sasakyan. Mayamaya ay nagsimula na kaming bumyahe. Nakapikit lang ako sa buong byahe nararamdaman kona yung antok. I yawned.
Walang araw na hindi ako pagod. Kahit ngayon. Mukhang alam kona kong bakit nagagalit at ayaw ng mga tao sa akin. Nagdadalawang isip ako kong maniniwala ba ako o hindi. Kasi masyadong hindi kapani-paniwala yung rason. Dahil lang sa kainggitan sa hitsura ko? Really? Bakit naman sila maiingit sa hitsura ko mga magaganda rin naman sila. Mga mayaman, nasa kanila na, pero may isang bagay sila sigurong hindi nila nagustuhan at kinaiingitan nila. Yung pagiging malalapit ko sa mga taong sikat o kilala university.
Kumuha ako ng hangin saka ako bumuntong hininga. Baka iyon nga ang rason. Napailing nalang ako. Stupid reason.
Dumagdag pa sa isipan ko yung lalaking nakausap ko sa madilim na lugar kanina. Siguro inabandona na ang lugar na iyon. Dati siguro iyong classroom hind na gaano nagagamit kaya naabandona na. At anong ginagawa niya sa lugar na yun? Nakakapagtaka lang. Mas ipinagtaka ko kong sino ang misteryosong lalaking na yun'. Umamin pa talaga siya sakin.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Novela Juvenil(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...