Chapter 83
Sobrang nalilito ako sa mga librong pipiliin kong basahin. Sa sobrang dami ay nalilito ako kong saan doon. Palipat lipat ang tingin ko sa mga libro. Kaya imbes na malito ay kinuha ko nalang iyong librong nakapukaw ng pansin sa akin. Kinuha ko ang lahat bago bumalik kong saan kami tumambay ni Ethan. Umupo ako kaagad at nilatag ang mga librong kinuha. Ako ang pumili kong saan kami magbabasa, hinayaan niya lang ako sa mga ginagawa ko.
"That's too heavy, tinawag mo na lang sana ako para ako nalang ang magdala para hindi kana mabigatan." usal niya nang mapansin ang pagbalik ko sa tabi niya. Nilingon ko siya nang may ngiti sa labi.
Inilingan ko siya. "Ayos lang nakaya ko naman." sambit ko at nagsimula ng basahin ang unang librong kinuha.
Huminga siya ng malalim. "But next time, call me, okay?" aniya.
Tumango nalang ako bilang tugon at nagpatuloy sa pagbabasa dahil mukhang maganda ang simula ng librong binabasa ko. Bigla akong napaisip na itanong ang balak ko na sanang itanong kanina.
"Saan ka madalas nagbabasa?" tanong ko sanya kahit nasa libro pa rin ang atensyon.
"Sa taas, mas tahimik doon pero ayos lang din naman dito." sagot niya.
"Maganda kasi dito, medyo madilim at sobrang tahimik. Makakapag-focus ka talaga ng maayos dito. Walang sagabal.."
"Hindi kasi gaanong pumupunta ang mga tao rito, sa bandang 'to..Ikaw lang naman ang unang nasaksihan kong may gusto ditong mag-stay."
Taka akong bumaling sa kanya. Medyo natigilan ako nang maabutan ko siyang nakasandal, kitang kita ko sa kinauupuan ko ang pagagglaw ng adams apple niya. Napalunok ako sa nakita at nalipat ang tingin sa kanyang mapupulang labi. Pikit akong nagiwas ng tingin. Napabuga ako ng malalim na hininga bago nagsalita at sinubukang ibalik sa normal ang tono ng aking pananalita. Para akong kinupusan ng hininga sa nakita. Ang hot, he's so handsome. I can't help staring at him intently.
"B-Bakit n-naman a-ayaw nila d-dito?" kahit anong pilit kong magsalita ng normal ay napapautal nalang talaga ako. Kasalanan niya 'to, eh.
"I don't know too.. siguro masyado lang talagang tahimik at medyo madilim. I bet they're scared though." He laughed at that.
Sapilitan nalang din akong tumawa. "I think so." I laughed back.
"Pamilyar ka talaga Ethan..may kamukha ka pero imposible namang ikaw 'yun dahil magkaibang magkaiba naman kayo." wala sa sariling pagkekwento ko. Biglang pumasok sa isip ko si Mave.
"Paano mo naman nasabi na magkaibang magkaiba kami?" tanong niya sa akin.
"Mukha kasing maloko 'yun at mukhang playboy..sinubukan nga ako ng lalaking 'yun kagabi pero hindi ko siya pinatulan sinabi kong may iba na akong gusto kaya dapat niya na akong tigilan." sambit ko pa habang inaalala ang nangyari kagabi.
"You did?" He asked and I nodded.
I saw how he smiled. Maybe he just amused. "Yep," Mabilis kong sagot.
"And I'm so proud of it," nangingiting sambit niya sa akin.
"Dapat lang 'no, wala akong balak patulan 'yun dahil isa lang naman ang gusto ko. Wala na akong panahon sa iba, kung natagpuan na naman kita."
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Teen Fiction(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...