Chapter 34
"Nakakainis ang lalaking yun ang yabang!" padabog na umupo si Xiomara sa harapan ko nang siyay makabalik. Nagtataka naman ako sa nangyayari.
Hindi na kami ng nagusap ni nerd ulit. Nakinig lang siya ng kanta sa gilid ko gamit ang headphone niya. Hindi niya man lang napansin ang pagdabog ni Xiomara sa upuan na nasa harapan namin. Nakapikit din kasi yung mgat mata niya.
"What happened?" nagalalang tanong ko sa kanya.
Nakangiti siyang umalis pero busangot na ang mukha ng makabalik. Hays.
"Kainis! Kainis! How dare he to call me panget!" malakas na singhal niya na paniguradong narinig lahat iyon ng mga kaklase namin. Ano ba kasi problema ng babaeng to. Medyo matagal tagal rin siyang nakabalik sa classroom. At maswerte siya dahil wala parin si sir hanggang ngayon.
Mas lalong sumimangot ang mukha niya. "Yung transferee! nakaaway ko sa daan! letse yun!"
"Ano ba sinabi sayo?"
"Bakit maldita ko daw, pangit naman." usal niya habang ginagaya yung boses kong sino man yung nagsabi sa kanya ng ganun.
Sinong transferre dun?
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Walanghiya naman ang taong yun. Iniis ba naman si Xiomara.
"He saw us! Nakaaway ko kasi si Camila sa daan kasama yung grupo niya, tsk. Tas ayun pag talikod ko sa kanila naabutan ko yung transferee na masamang nakatitig sa akin. Tas ayun nga sinabihan ako ng 'pangit nanga maldita pa' like what the fuck bro!? gusto ko siya kutusan at tiris-tirisin! Ayos lang masabihan ng maldita wag lang yung pangit! I kennat!" magabang pahayag niya sa akin. Stress na stress siya. Tinakpan niya yung mukha niya gamit ang mga kamay niya.
Ang sama kong kaibigan dahil gusto kong tumawa. Haha
Dahil hindi kona kaya. Tumawa na ako. Dahilan para mapalingon yung nerd sa akin. Gulat na gulat siya sa nakikita. Yung tingin niya parang ngayon lang niya nakita ang bagay nayun. Yung tumawa ako. Agad rin siyang umiwas ng tingin at pumikit ulit habang nakakuyom ang mga kamao. Weirdo.
"Why are you laughing at me Sissy!" naiiyak niyang sambit sa akin.
"Hindi ko maiwasan..hahaha.."
Mas lalo akong natawa ng malakas. Napansin ko ang paglingon sa akin ulit ni nerd pero hindi kona siya binalingan bahala siya. Basta gusto kong tumawa sa oras nato.
"Huhu you're so bad sissy!"
"Pasensya na...haha.." ako pagkatapos ay nagpeace-sign sa kanya. Sinamangutan niya lamang ako.
"Genevieve! May naghahanap sayo!" tawag sa akin ng isa sa kaklase naming babae.
Dahilan para natigilan ako sa pagtawa.
Lito naman akong lumingon sa kanya.
Sino naman?
"Sino?"
"Si Kade, nasa pintuan siya." sagot naman nito at tinuro yung pintuan Anong kailangan ng lalaking yun sakin. Napahinto ako saglit at tumingin sa pintuan. Tinanguan ko muna siya. Bakit ba siya pumunpunta sa classroom wala ba silang klase? baka may magagalit at maiingit na naman sakin nito.
BINABASA MO ANG
The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOING
Novela Juvenil(UNEDITED) Nasanay na siyang mamuhay magisa. Mayaman at maganda nasa kanya na ang lahat ngunit wala paring sumubok na lumapit at makipag-kaibigan sa kanya. Matagal niya ng nilihim ang pagkagusto sa isang kababata niyang lalaki at sobra siyang nasakt...