Chapter 15

209 21 1
                                    

Chaper 15



Nanatili kami ng ilang sandali ni tita saka namin naisipang umalis na at umuwi. Marami pa akong sinabi at inamin kay mama kaya tuluyan nang umagos yung mga luha ko. Pinatahan naman ako ni tita at niyakap. Kahit matagal at medyo sanay na akong wala na si mama nasasaktan parin ako. Nakakaiinggit yung mga taong may kompletong pamilya.



Nadagdagan nang sakit na nararamdaman ko nung walang bakas na Zion ang sumunod sa amin. Hindi kona lang yun gaanong inisip o prinoblema baka mas lalo pa akong masasaktan. Enjoy na enjoy siguro siya kasama yung girlfriend niya. Sino bang hindi?



"Hija come with me.." biglang sabi ni tita. Nasa loob na kami nang sasakyan.



"Saan po'?"



"May pupuntahan tayong gathering..at isasama kita, okay? Whether you like it or not. Come with me." sabi ni tita na parang iyon na ang huling desisyon at wag na akong umangal pa. Napahinga ako nang malalim. Kinakabahan na naman.



"Natatakot po ako..." I honestly confessed.




I heard tita Elvinna sighed.




"Don't worry hija..kasama mo naman ako at ngayon isasanay na kita..Isasama na kita sa mga party o gathering na pupuntahan ko..ayaw ko namang habang buhay kang maging ignorante sa ganito okay?"



Saglit akong hindi tumugon.



"Yes po..." pagpayag kona lang.




Hinawakan ni tita yung kamay ko. Ngumiti lang ako sa kanya. Baka doon ko maabutan si Zion kaya sasama nalang din ako.




"Alfred, let's go..." saad ni tita sa driver nila.




"Yes madam..."





Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe biglang pumasok sa isip ko si Kade. Masasabi kong magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito. Masaya rin ako dahil may kaibigan na ako. Nakakapagtaka talaga kung bakit gusto niya akong maging kaibigan. Kahit diko sabihin kahit malako yung mokong na yun naramdaman ko parin talagang may tinatago siyang kabutihan. Bigla akong napangiti sa mga nangyari kahapon.




Nakakahiya man yung nasaksihan niya kahapon tinulungan niya parin ako. Hindi siya maarte. Hindi katulad nang iba na nilalayuan ako. Napangiti na naman ako sa sariling pagiisip. Siya ang kauna-unahang taong gumawa sa akin nang ganoon.



Mga ilang oras din bago kami nakarating sa pupuntahan namin. "Nandito na tayo.." tita announced.



Sumilip ako sa labas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang malaking bahay sa harapan. Yeah my house is big, pero mas lamang pa ito. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. Angganda. Sino kaya nagmamayari nito, halatang sobrang yaman.



"Who owns the house tita?" wala sa sariling tanong ko habang nasa bahay parin ang paningin.



"Isa sa bestfriend namin nang mama mo hija..." narinig kong sagot ni tita. Hindi ko inaasahan na may bestfriend pa pala sila.



Nakita ko rin ang mga sasakyan na nakaparada sa labas. May nakita rin akong mga taong kakalabas lang ng sasakyan nila siguro kakarating lang. Kinakabahan na naman ako sigurado akong maraming tao sa loob. Hindi ako sanay makahalubilo sa mga tao.



"Tara na sa loob hija..." sabi ni tita sa akin. Marahan akong tumango. Unang lumabas si tita sa sasakyan. Medyo nagaalangan pa ako pero mayamaya ay lumabas narin. Kabado ako sobra. Nanginginig na yung mga kamay ko.



The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon