Chapter 47

148 16 0
                                    

Chapter 47






Pinaningkitan ko siya ng mata sabay iwas ng tingin. "Mahal ko pa buhay ko.."




Mas lalo atang sumama yung pakiramdam ko sa sinabi niya. 





Humalakhak naman siya sa gilid ko at napaayos siya ng upo base sa nakita sa gilid ng mata ko.




"Yeah, from now on...mahal kona rin buhay mo.." anito.




Agaran akong napalingon sa kanya na may pagkagulat at halos malaglag ang panga. Hindi parin talaga ako nasasanay sa mga kabaliwan na pinagsasabi niya. Nakakaloka. Gaya nalang ngayon nakakagulat.




Ang seryoso niya kanina tapos ngayon? Ewan kona lang. Mas gusto ko pang magseryoso nalang siya palagi kesa naman ganito. Sa mga sinasabi niya naging dahilan kung bakit lalong lumalalakas ang kabog ng dibdib ko.





"Wag nga ako..kay Xiomara kana lang.." seryoso kong saad sa kanya ngunit nangunot ang noo ko dahil nakita kong nagpipigil siya ng tawa sa gilid. What's the problem?




"Anong nakakatawa? maganda naman siya, ah? Sikat, matalino, mabait...." taas kilay kong sambit habang nakatingin sa kanya na nakangisi na ngayon.




Nagkabit siya ng balikat pero hindi parin tinatanggal ang tingin sa akin. "Pwede naman..."





"Good.." tipid ko pang sabi na parang iyon na ang huli at agad ibinaling ang tingin sa harapan. Habang nanatiling seryoso ang mukha.




"But not typically my type.." narinig kong sabi niya.




Hindi ko siya pinansin.




"Hmm it's bawal..." patuloy niya pa.




Nandyan na naman siya sa kakonyohan niya.




Wala akong ganang nilingon siya. Naka poker face ako. "Paanong naging bawal?" kuryuso kong tanong sa kanya.




Imbes na sagutin ang tanong ko umiling lang siya at nanatiling nakangisi parin ang labi para siyang may nakitang nakakatuwa na pangyayari.




"Do you really want to know?"




Umirap ako sa sinabi niya. Of course, I am. Bakit ko pa tatanungin kong hindi ko naman pala gustong malaman.




"Oum.."




"Sige, mamaya.." pagkatapos ay tumawa siya. Napalakas iyon dahilan para mapalingon ang ibang mga kaklase sa banda namin pati narin si sir Levi na nakakunot na ang noong sinusuri kong anong kaganapan. Agad rin naman niyang ibinalik ang tingin sa board at nagpatuloy sa pagsusulat sa kong ano doon.





Napabuga nalang ako ng malalim na hininga. Pabitin!




Nakakamatay ko siyang tiningnan. Ngunit hindi na siya nakatingin sa akin. Napansin ko na lang ang maliit na ngiti na nasa labi niya. Gusto ko pa sanang magsalita at awayin siya dahil sa ginawa niyang pagbibitin sa akin.




Hindi ko nalang siya pinansin at itinuon nalang ang tingin sa harapan. Tahimik lang ako buong klase hanggang sa matapos ang first class namin.




"Sissy! Baliktad na ata ang panahon! Bakit ka nalate?" bungad ni Xiomara sa akin.




"Late na ako nagising.." rason ko.



The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon