Chapter 35

170 17 0
                                    

Chapter 35


"Aba aba kung minamalas nga naman ako!" bulalas ni Xiomara habang pinagkros ang mga braso.


"Don't talk to me, I don't even know you." supladong sabi ni Kade kay Xiomara at tumingin sa akin.


"So it means? Siya yung nabanggit mo sakin Xiomara?" gulat kong tanong sa kanya.


Kunot noo siyang tumango. Napabilog naman yung bibig ko. So it means si Kade yung nagsabi sa kanya nang pangit? Syomay! Lagot! Wag naman po sana Lord!


"Anong ginagawa mo dito aber?" mataray na sambit ni Xiomara.


"Wag ka ng magtanong, hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito." walang ganang sagot naman ni Kade.


Sinamaan ko siya ng tingin. Binigyan ko siya ng pamatay na tingin. Umalis-kana-look. Naiintindihan naman niya yung ibig ipahiwatig ko. Ngumuso siya at umiling. Parang tuta na ayaw umalis. What the fudge ka Kade! Ayaw ko ng away dito. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kong paano paalisin at itigil ang tensyon na namamagitan sa kanila.


Hindi naman ako sanay na maka-encounter gaya nito. Lalo na't kaibigan ko silang pareho.


"Wala naman akong sinasabing ako ang ipinunta mo dito, you're so feeling iww." 


"Hays maldita at maarte na nga panget pa, wala nabang pag-asang mabago kahit kunti yan?" may halong pangaasar na usal ni Kade pagkatapos ay ngumisi.



Mas lalong nangngitngit ang mukha ni Xiomara. Nakita kong napakuyom siya ng kamao at handa nang sasabog sa inis.


"Ano ba Kade! umalis kana, wag kang maghanap ng gulo dito!" pigil ko at binubugaw siya.



Napatingin siya sakin. "Bakit kilala mo ba ang panget nayan bestie?" tanong niya.



"Bestie!?" nagulat ako sa lakas ng sigaw ni Xiomara sa gilid ko. Napapikit ako. Napatingin siya sakin pati kay Kade palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Hindi siya makapaniwala at napanganga.



Kinakabahan naman ako. "O-oo...." tugon ko kay Kade sa tanong niya. Nagulat naman ako dahil biglang sumabat si Xiomara kaya hindi ko natuloy ang sasabihin ko. "Tsk Oo! She's my bestfriend? Angal ka!?" supladang singhal niya



Kumunot ang noo ni Kade sabay tingin sa akin na may pagtatanong sa mukha. "Kelan kapa nagka-bestfriend Genevieve? Akala ko ako yung unang bestfriend mo?" usal sa akin ni Kade naramdaman ko ang pagatatampo ng boses niya. Nakitaan ko ang pagkabigo sa kanyang mukha. Natigilan ako nang yumuko siya.


Nakaramdan ako ng pagka-guilt hindi ko nama na bigdeal yun sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na seneryoso niya yung pagiging pagkakaibigan namin. Hays hindi ko naman kasi alam, wala akong alam. Nakakasakit na naman ako ng tao. Saka wala naman siyang dapat ipagtampo dahil babae naman si Xioma. Dapat ngang maging masaya siya sakin dahil nalaman niya ng may bagong kaibigan na ako. Kaya hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya nung nalaman niyang kaibigan ko si Xiomara. 



"Bakit ikaw lang ba pwede kumaibigan sa kanya ha!? I want Genevieve to be my girlbestfriend too, kaya wag kang magdrama dyan tsk, hindi dahil ikaw ang nauna hindi ibig sabihin nun ay hindi na siya pwedeng maghanap ng ibang pwedeng kakaibiganin niya." mataray na sambit ni Xiomara na nakataas na ang kilay habang nakay Kade ang tingin. Gusto ko silang awatin at pigilan. Pero hindi ko alam ang gagawin pati sasabihin ko. Nandito lang ako nakatayo habang nanonood sa kanila.



The Nerd Who Stole Me (TEEN SERIES #1)ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon