Chapter 39
"KASO ng prostitusyon sa loob ng palasyo?" Hindi makapaniwalang sabay na sabi nina Ouyang at Li Yong matapos niyang i-kuwento sa mga ito ang nakita niya kahapon ng hapon. Kasalukuyan ay nandito sila sa study chamber ng Jiwen Manor.
"'Yong babaeng binigay mo sa akin ay biktima ng prostitusyon ni Ministro Jiao Hua?" Paninigurong tanong ni Li Yong.
"Oo, mabuti na lang at nakasalubong kita kahapon dahil meron ulit akong nailigtas na babae. Bumalik kasi ako sa tahanan niya at 'yong maliit na lagusan na nadiskubre ni Qingxing ang siyang ginagamit ng ministro para maipasok niya ang mga babaeng binayaran niya sa mga magulang nito."
"Ang sama nila! Kung hindi pala dahil kay Qingxing ay hindi natin malalaman na meron palang prostitusyon ang nagaganap sa loob pa mismo ng palasyo!" Galit na sabi ni Ouyang.
"Dahil sa kawalan ng bahay-aliwan sa ating kaharian kaya nila nagagawa na lihim na bumili ng babae at dalhin loob ng palasyo," sabi ni Li Yong. "Pero hindi ko sinisisi ang hari dahil pinagbawal niya ang mga bahay-aliwan dito. Baka isumbong mo ako sa hari, Yi Jian."
Binatukan niya ito. "Sira! Bakit ko gagawin iyon? Sarili mong opinyon iyon at may karapatan ka na sabihin ang nasa isip mo. Saka may punto rin naman ang sinabi mo. Isa iyon sa dahilan kaya nila nagawa iyon."
"Yi shaoye, sa tingin mo ay dapat na payagan ng hari ang pagkakaroon ng bahay-aliwan sa ating kaharian?" tanong ni Ouyang.
"Payagan? Syempre, hindi. Si Lie Feng ay hindi pinayagan ang mga bahay-aliwan sa kahariang ito dahil may respeto siya sa mga babae. Kung ako ang nasa lugar niya ay hindi rin ako papayag na magkaroon ng bahay-aliwan. Mas gugustuhin ko na bigyan ng trabaho ang mga babae bilang tanda ng pagkakapantay-patay. At ang ginawa ni Ministro Jiao Hua, ipinaramdam niya sa mga babaeng dinadala niya sa palasyo na mababang-uri sila. Hindi ko mapapayagan iyon."
Nasabi na niya kay Lie Feng ang tungkol sa natuklasan niya. Tulad ng inaasahan ay nagalit ito agad at pinatawag ang ministro ng pananaliksik para kompirmahin ang sinabi niya pero naghugas-kamay ito. Sinabi nito na ang babaeng kasama ay isang magnanakaw na nahuli nitong pumasok sa lagusan. Ngayon nga ay nakakulong na ang babae sa piitan. Pinuntahan din nila ang babaeng una niyang niligtas sa pagamutan para sana kausapin pero naabutan na nila itong nagpapahinga kaya hindi na nila nakausap.
Biglang may kumatok sa pinto ng study chamber niya. Tumayo silang tatlo at sinalubong ang nasa labas. Mga kawal pala ng hari.
"Pinapatawag na kayo sa palasyo ng paglilitis, Yi Jian shaoye." Magalang na sabi nito sa kanya.
"Maraming salamat. Susunod ako." Pagkasabi niya niyon ay umalis na ang mga ito. "Maiwan na kayo dito—"
"Gusto kong pumunta!" Sabay na sabi nina Li Yong at Ouyang. Nagkatinginan pa ang mga ito.
Natawa na lang siya. "Sige, sumabay na kayo sa akin."
Nakarating na sila sa bungad ng palasyo ng paglilitis, nakita nila sa labas si Emperador Hen Hao, nagbigay-pugay agad sina Yi Jian at Ouyang dito, si Li Yong ay nagtaka sa ginawa nila pero nagbigay-pugay pa rin. Sinadya pala silang abangan nito para iparating ang hindi magandang balita.
"Nagpatiwakal ang babaeng niligtas mo kahapon sa loob ng pagamutan." Malungkot na sabi nito. "Kaninang umaga ay pinuntahan namin siya ni Lie Feng para kausapin pero naabutan namin siyang wala nang buhay."
"Seryoso ba 'yan? Bakit naman niya gagawin iyon matapos siyang iligtas ni Yi Jian?" tanong ni Li Yong na hindi pa nare-realize na emperador ang kausap nito.
"Hindi na natin malalaman ang sagot mula sa isang taong wala nang buhay." Seryosong sabi nito. "Binalak din namin puntahan sa piitan ang babaeng nakita mong kasama ni Ministro Jiao Hua pero pinigilan kami ni Punong Ministro Sui Hao at sinabi na baka magalit ang mga ministro sa gagawin namin, lalong-lalo na kay Lie Feng dahil iisipin nito na hindi patas magdesisyon ang hari. Alam nila ang pagiging magkalapit niyo kaya—"

BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...