Chapter 94
MULA nang bumalik si Li Yong sa loob ng palasyo ay madalas na itong nasa tahanan niya kasama si Ouyang. Sa tuwing lalabas naman sila para mamasyal sa kapitolyo ay sumama din ito. Kanina nga lang ay nabalitaan nila na may popular na incense burner na binibenta, ang usok daw na nagmumula doon ay nakakapagpabawas ng init sa paligid. Sinuri niya nang maigi iyon dahil baka patibong ito, naalala niya kasi ang mga incense burner na nakita niya sa loob ng tahanan ni Sui Hao. Mabuti nang nag-iingat. Pero wala naman siyang nakitang kakaiba doon kaya binili niya iyon para masubukan.
Pauwi na sila nang merong isang matanda na biglang kumapit sa braso ni Yi Jian dahil muntik na itong mabuwal sa bigat ng dala-dala nitong nga paninda. Nagalit si Li Yong dahil nagasgasan siya ng matanda sa braso dahilan para masugatan siya. Agad na inawat niya ito dahil hindi naman sinasadya ng matanda na mangyari iyon. Umuwi na rin sila agad matapos niyon para magamot ang sugat niya.
Nalaman na rin nito ang tungkol kina Bei Yiqi at Jin Yao. Nagtataka na kasi ito na bakit nasa loob ng palasyo ang dalawang hindi kilalang tao kaya ipinakilala na ito ni Ouyang at doon ay nalaman na rin nito ang ginawa ni Bei Yiqi sa kanya.Gigil na gigil pa rin ang dalawa dahil sa nangyari. Sinabi na niyang nagkaayos na sila ni Bei Yiqi pero ayaw pa rin magpaawat ng mga ito. Ngayon ay pinarurusahan sina Ouyang at Li Yong. Nakaluhod ang mga ito sa gitna ng malamig na panahon ayon na rin sa utos ng hari.
"Shaoye, nilalamig na kami. Sabihan mo naman ang hari na nagsisisi na kami sa ginawa namin." Nangangatal ang labi na sabi ni Ouyang.
"Yi Jian, sabihin mo na ginawa namin iyon para gumanti dahil sa ginawa niya sa 'yo noon," sabi ni Li Yong na yakap-yakap ang sarili.
Mag-iisang oras na rin na nakaluhod ang mga ito at naaawa siya sa kalagayan ng mga ito pero may kasalanan kasi ang dalawang ito.
"Mga sira kasi kayo. Sinabi ko nang nagkaayos na kami ni Bei wangye pero gumawa pa rin kayo ng bitag." Naiiling na sabi niya sa mga ito. "Anong tingin niyo sa sarili niyo? Mga batang paskit pa rin?"
Paano ay gumawa ng bitag ang mga ito. Naghukay ng lupa at nang malalim na ang hukay ay saka pinatungan ng dayami na kinuha pa ng mga ito sa kuwarda ng kabayo. Pagkatapos ay pinatawag si Bei Yiqi pero hindi nito kinain ang patibong kaya ang nangyari ay ibang tao ang nahulog sa patibong. Isang tagasilbi, nabalian ito ng paa at ngayon ay nagpapahinga na. Ilang sandali pa ay dumating sina Bei Yiqi at Jin Yao. Nagbigay-pugay sa kanya si Jin Yao habang si Bei Yiqi ay tiningnan lang siya.
"Nalaman ko ang gagawin sana ng mga tagasilbi mo sa akin," paunang salita ni Bei Yiqi.
Napalingon naman sina Ouyang at Li Yong sa sinabi nito. "Hindi kami tagasilbi ni Yi Jian!" Agad na sabi ni Li Yong pero hindi pinansin ng wangye.
"Alam ko na rin ang dahilan kaya nila nagawa iyon," nakuyom nito ang kamao. "P-patawad!" Pasigaw na sabi nito na halos ikatuliling ng tainga niya. May sasabihin sana siya pero tumakbo na ito palayo sa kanya, naiwan naman si Jin Yao na nagulat din sa ginawa ng alaga nito. Mayamaya ay napangiti ito."Humingi ng tawad ang aking alaga sa 'yo, Yi shaoye."
Natawa si Yi Jian. "Sinabi ko na sa kanya na kahit hindi ko na marinig ang patawad sa kanya ay ayos lang sa akin dahil alam ko na alam niya ang pagkakamaling ginawa niya. Pero salamat pa rin dahil nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin iyon."
Tumango ito. "Dahil iyon sa mga magagandang salita na ibinigay mo sa aking wangye kaya luminaw at lumawak ang kanyang pag-iisip. Maraming salamat sa paggabay mo sa kanya." Muli ay nagbigay-pugay ito pagkuwag napatingin sa mga kaibigan niyang nanginginig pa rin sa lamig."Narinig niyo na ang paghingi niya ng tawad sa akin kaya huwag na ulit kayo gagawa ng bagay na ikakapahamak niyo o ng ibang tao. Hindi na kayo mga paslit." Bahagya niyang binatukan ang mga ito pagkuway pinatayo na rin. Matapos magpaalam kay Jin Yao ay inakbayan niya ang dalawa at dinala sa paliguan. "Sabay na kayong maligo sa mga batya. Ipinainit ko na 'yan at—" hindi na niya natapos ang ibang sasabihin dahil agad na naglublub ang mga ito sa batya.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...