Chapter 67
"YI JIAN,"
Narinig ni Yi Jian ang pagtawag ni Lie Feng. Unti-unting bumukas ang mga mata niya, inunat pa niya ang mga kamay para lang magulat dahil nakasandal pala siya kay Lie Feng.
Bahagya siyang napalayo rito. "Pasensya na, nakatulog ako habang nakasandal sa 'yo." Kagabi matapos nilang maligo ay hindi na talaga siyang pinakawalan ni Lie Feng, panay ang halik nito sa balikat at dibdib niya, kahit ang likod niya ay hindi nito pinalagpas. Para bang sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang pagkasabik nito, malamang dahil hindi pa talaga siya tuluyang inangkin nito. Halos ay hindi na niya namalayan kung kailan tumigil ito basta ang naaalala niya ay sumandal siya dito.
Napangiti naman si Lie Feng. Inaya na siya nito para muli ay sabay silang maligo. Nang matapos ay in-examine niya ang balikat at dibdib, kitang-kita nga ang mga kiss mark nito. Nagmukha tuloy siyang pinapak ng lamok dahil puro pulang love bites ang nakikita niya. Naisip niya tuloy na malamang ganito rin ang likod niya, baka nga mas malala dahil nakasandal na siya dito. Pero mabuti na lang at wala sa leeg niya kaya hindi na niya kailangan pang talian ng benda o magsuot ng turtle neck inner robe. Habang si Lie Feng ay tinawag siya dahil ito naman ang mag-aayos ng benda sa braso niya. Magpapasalamat sana siya dito kaya lang ay nabigla si Yi Jian nang kumuha ito ng red silk ribbon at itinali sa kamay niya. Hindi na niya nagawang makapag-protesta dahil lumabas na sila ng sleeping chamber nito.
"Oy, anong kalokohan ito? Bakit mo ako kailangan itali? Paano ako makakain? Iinom? Oy!" Nakanguso niyang sabi habang naglalakad sila sa pasilyo. Hawak-hawak ni Lie Feng ang mahabang tela na nakadugtong sa tali ng mga kamay niya. Nakasalubong nila si Ouyang at Li Yong, nagtataka ang mga ito dahil sa pagkakatali ni Lie Feng sa kanya.
"Bakit mo kailangan itali si Yi Jian? Nasugatan siya nang dahil sa akin kaya ako ang dapat mong parusahan." Tumingin ito sa kanya. "Nakahanda akong harapin ang kaparusahan na ipapataw mo sa akin ngayon, kamahalan! Basta pakalawan mo lang si Yi Jian, pakiusap."
"Hinding-hindi ko siya papakawalan para ibigay sa 'yo." Natahimik naman ito sa sinabi ni Lie Feng. May gusto pa sanang sabihin pero inunahan na ito. "Saka na kita bibigyan ng parusa. Sa ngayon ay may kailangan kaming puntahan." Nilagpasan na nila sina Li Yong at Ouyang at nagtungo na sa piitan. Sa bungad pa lang ay marami nang nakabantay na mga kawal. Nang makita ang hari ay nagbigay-pugay agad ang mga ito. Pumasok sila at doon nga ay nakita nila si Liu Xue. Sa labas ng kulungan nito ay meron din mga bantay, hindi lang isa o dalawa, isang dosena. Si Liu Xue na nasa loob ng kulungan ay nakahiga sa ibabaw ng isang higaan na gawa sa kawayan. Ang mga kamay, paa kahit ang leeg nito ay nakaposas, hindi basta-basta na mga posas lang dahil may nakakabit pa doon na mga malalaking mga bolang bakal.
Ngayon ay mas nakita ni Yi Jian ang mukha nito. Wala na kasi ang maskara at bandana nito sa noo. Naningkit na lang ang mga mata niya nang muling makita ang malaking peklat nito sa pisngi pero mas nagimbal siya nang makita ang chinese character na nakatatak sa noo nito, Killer (Shāshôu). Isang peklat galing sa isang hot iron plate. Ang sinumang mabigyan ng branded na tatak na ito ay hindi na mawawala pa kahit na kailan at habang buhay na dadalhin. Pagkatapos ay ang tatak na meron si Liu Xue ay nasa noo pa.
"Kamahalan," biglang dumating ang manggagamot ng piitan.
"Kumusta ang kalagayan niya?"
"Bumaba na ang kanyang lagnat pero ikinalulungkot ko na maaaring maging imbalido siya dahil ang isang paa niya ay naputukan ng isang ugat."
"P-pumutok ang ugat niya?" Biglang napalunok si Yi Jian. Naalala niya ang ginawa niya sa paa nito. Natampal na lang niya ang noo, napansin naman iyon ni Lie Feng. Mukhang nabasa nito ang laman ng utak niya dahil ngumisi ito.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historische RomaneBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...
