Chapter 78

20 6 0
                                    

Chapter 78: Volume 7: The Flower and The Traitor's Thorn

"XIAO Hen, totoo ba talaga na nanggaling ka sa gubat at hindi ka nakabalik dahil binabantayan mo ang isang ibon doon?" tanong ni Yi Jian. Kasalukuyan ay kumakain sila sa bakuran ng tahanan niya. Nagpahanda si Lie Feng ng mga pagkain para sa kanila.

Matapos nilang ilibing kanina si Liu Xue sa dalampasigan ay bumalik sila agad ng palasyo. Nangangamba kasi sila na baka magkaroon ng kaguluhan roon lalo at may isa pa silang problema. Nawawala pa rin si Emperador Hen Hao. Pero pagbalik nila ay nagkakasiyahan ang mga tao, bumalik na ito at sinasabi na kaya ito nawala ng tatlong araw ay dahil binabantayan nito ang mga bagong silang na ibon.

Tumango naman si Hen Hao bilang sagot. "Bakit mo naitanong? Gusto mo bang makita ang mga ibon na inalagaan ko?"

Umiling na lang siya bilang sagot.
"Jian gege, hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin na may trydor sa loob ng palasyo?" tanong ni Lie Feng.

Tumigil naman sa pagkain si Yi Jian pagkuway nag-cross arm. "Nakapagtataka lang kasi. Matalinong tao si Xiao Hen, sigurado ako na kung mawawala man siya nang matagal ay mag-iiwan pa rin siya ng sulat para malaman natin na ligtas siya pero hindi niya ginawa. Isa pang napansin ko kahapon nang makita siya ay ang damit niya. Malinis pa rin iyon at walang kahit na anong amoy-pawis. Kahit ang sapatos niya ay hindi ko nakitaan ng kahit katiting na putik. Kung talagang nanggaling siya sa loob ng gubat sa loob ng ilang araw ay dapat—" natigilan sa ibang sasabihin si Yi Jian dahil biglang napahawak sa kanyang ulo si Hen Hao, napapikit ito habang iniinda ang sobrang sakit ng ulo.

"Anong nangyari sa emperador?" Biglang dumating si Sui Hao.

"Kamahalan?" Napalapit naman si Lie Feng sa kaibigan. "Ayos ka lang ba?"

Ipinatong nito ang siko sa lamesa pagkuway unti-unting huminga nang malalim para mawala ang sakit ng ulo nito. "Pasensya na, biglang sumakit ang ulo ko." Tumingin ito kay Sui Hao. "Punong Ministro, ikaw pala."

Ngumiti naman ito pagkuway nagbigay-pugay dito. "Hinihintay na kayo ni Yue Guang Danwei sa entrada ng palasyo."

"Xiao Hen, sigurado ka ba talaga na nagpunta ka mismo sa loob ng gubat o 'yan ang sinasabi ng utak mo para sabihin mo 'yan?" Seryosong tanong niya. Napakunot-noo naman ang tatlo sa sinabi niya.

"Nagpunta ako sa gubat. Iyon ang memorya na meron ang utak ko," sabi ni Hen Hao.

"Paano nangyari iyon?" Takang tanong ni Lie Feng.

"Yi Jian shaoye, may naiisip ka bang dahilan sa pinagdadaanan ngayon ng emperador?"

Umiling lang siya kay Sui Hao bilang sagot. Hinding-hindi niya sasabihin kung ano man ang laman ng utak niya lalong-lalo na sa taong ito.

"Xiao Hen, maaari bang mangako ka sa akin? Kapag naalala mo na ang taong dumukot sa 'yo ay ipaalam mo agad sa akin. Kailangang-kailangan ko ang tulong mo para matalo natin ang trydor sa palasyong ito," sabi niya sabay tingin kay Sui Hao.

Nagkatinginan na lang sina Lie Feng at Hen Hao sa ginawa niya.

"Makakaasa ka sa akin, Yi gege!"

Napangiti na lang si Yi Jian pagkuway binalingan si Lie Feng na nakabalik na sa upuan nito. "Lie Feng, pasensya ka na talaga kung hanggang ngayon ay hindi ako naniniwala na walang trydor sa palasyong ito."

"Bakit ka humihingi ng pasensya?" Natahimik na lang si Yi Jian. "Kahit sino pa ang tinutukoy mong trydor, kakalabanin natin siya ng sabay." Hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil. "Yi Jian, gusto ko rin na mangako ka sa akin. Sasabihin mo ang lahat ng problema mo sa akin. Huwag mong isipin ang estado ko bilang hari ng Yu. Alam mong mahalaga ka sa akin kaya kahit na sino pa ang kalaban ay haharapin natin, naiintindihan mo?"

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon