Chapter 1: Volume 1: The Time Traveller
ILANG araw pa nanatili si Yi Jian sa kubo ng matanda. Hindi pa niya sinasabi rito na nakilala niya sa pangalan na Moran na galing siya sa future. Alam naman kasi niya na hindi nito maiintindihan ang mga sasabihin niya.
Anyway, mukhang okay lang naman sa matanda na manatili siya ngayon dito. Ang kwento kasi nito ay may anak itong babae sa kapitolyo ng Yu, ang Jinhuang, may asawa na iyon at naninirahan na roon. Pero hindi naman siya puwede na magtagal dito. Kaya naman ngayon ay nagpaalam na siya kay Yeye Moran na aalis na. Pinayagan naman siya nito at sinabihan na mag-ingat.
Ngayon ay sakay siya ng kariton, hila-hila iyon ng isang baka. Pasalamat na lang siya dahil habang naglalakad siya palayo sa bahay ng matanda ay may nakasalubong siya na pupunta rin sa Jinhuang.
"Minsan lang akong may makasalubong na galing sa kubo ni Lao Moran. Yeye mo ba siya?" tanong ng lalaking nagpapaandar sa kariton.
"Parang ganoon na nga," alanganin niyang sagot.
Ibinaling niya ang pansin sa paligid. Malawak ang bukirin na nakikita niya pero hindi tulad sa bukirin ni Yeye Moran na kitang-kita ang luntiang kulay ng mga pananim. Dito sa nadadaanan ng paningin niya ay tuyot ang lupa, yellow-ish ang kulay ng paligid. Sa tingin niya ay napabayaan ang bukirin.
"Nalalapit na naman ang tag-init sa kahariang ito. Siguradong marami na naman ang pupunta sa kubo ni Lao Moran."
Napatingin si Yi Jian sa sinabi ng lalaki. Nagtataka siya kung bakit dadagsain ng tao ang kubo ni Yeye Moran. Hindi naman mukhang resort ang lugar ng matanda. Natampal niya bigla ang noo. Ano ba itong sinasabi niya? Inaalipusta niya ang taong tumulong at kumupkop sa kanya! Sorry, Yeye Moran! Nabulong na lang niya sa sarili.
"Bakit naman dadagsain ang kubo niya?"
"Dahil sa ilog na nasa likod ng kubo niya. Hindi ka ba nagtataka na masagana ang bukirin ng matandang iyon kaysa sa mga bukirin na malapit sa kapitolyo? Dahil iyon sa ilog na siyang ginagamit ni Tandang Moran para sa patubig ng bukirin niya."
"Teka, hindi ba ang ilog ay dapat na umiikot sa paligid ng Kaharian ng Yu? Bakit doon lang kay Yeye Moran ang may ilog?" Shit! Mabuti na lang at kahit paano ay may alam siya sa geography! Pero totoo naman ang sinabi niya. Sa modernong panahon nga ay ang bawat ilog ay magkakakonekta sa bawat siyudad. Kaya itong sinasabi ng kausap niya ay imposibleng mangyari. Siguradong may nangyari kaya hindi umiikot ang tubig sa Kaharian ng Yu.
"Nagalit ang langit sa hari ng kahariang ito." Seryosong sabi nito. "Ngunit kaming mga mahihirap ang siyang sumasalo sa galit ng langit."
Hindi na siya sumagot. Ewan ba niya pero bigla siyang naasar sa sinabi nito. Bakit kailangan na lahat ng kamalasan ay isisisi sa hari? May tinatawag na natural calamaties at walang sinuman ang makakapigil niyon. Napabuntong-hininga na lang siya. Oo nga pala, nasa ancient time siya kung saan naniniwala ang mga tao sa sumpa at galit ng langit.
Pero sino nga ba ang hari ng kahariang ito? Shit, hindi niya maalala! Pinagsisishan niya tuloy na hindi siya nakikinig sa kanyang history professor noon! Kaya naman tinanong na lang niya ang katabi.
"Ang hari? Ah, si Zhan Lie Feng." Kaswal lang na sabi nito, walang titulo sa pangalan. "Malupit at brutal ang hari dito." Iiling-iling na sabi nito at ikinuwento na ang tungkol sa naipanalo nitong digmaan noong tangkain ng Kaharian ng Ren ang Yu. "Nagalit ang hari ng Ren dahil hindi tinanggap ni Lie Feng ang anak nitong babae para maging asawa niya. Tss, isang malaking pabor iyon sa kanya lalo at mas lalong lalaki ang sakop ng kanyang pamumuno, magiging kaalyado niya ang Ren habang buhay dahil sa anak ng hari, tama ba?"

BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Fiksi SejarahBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...