Chapter 124

30 4 0
                                        

Chapter 124

ISANG magarbong pagsalubong ang bumungad sa kanila pagkapasok pa lang sa entrada ng Han. Sandaling sumilip si Yi Jian sa bintana. Nakasalubong ang mga tao at binibigyan sila ng pugay dahil sa tagumpay ng pagpapaalis ng dating namumuno sa Chu. Pero nakatawag pansin sa kanya ay ang kinarorooman ng dating hari. Nakakulong ito sa kulungang gawa sa kahoy. Binabato ito ng mga tao at sinasabihan ng kung ano-ano.

Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob ng palasyo. Sinalubong sila ng emperatris kasama si Prinsesa Lin Xia at ang anak nitong si Xiao Xue. Ang bihag naman na si Kai ay dinala na sa piitan at mamayang hapon ang nakatakdang pagbitay dito. Kanina nga ay nadaanan nila ang isang improvised stage sa malawak na execution site sa kapitolyo. Pinaghahandaang mabuti ang gagawing pagbitay.

Ngayon ay kasama niya ang ilang matataas na opisyal sa loob ng imperial palace. Kumakain at umiinom ng alak. Pinag-uusapan ang matagumpay na pagkakasakop sa kaharian ng Chu.

"Muli ay isang kaharian ang nagawang mapasailalim sa iyong kapangyarihan, kamahalan." May humakbang na isang ministro at nag-alay ng isang alak sa baso nito. "Binabati ko kayo sa inyong tagumpay." Inangat nito ang baso pagkuway nakipag-toss sa ere. Ganoon din ang ginwa ng emperador, nauna na itong uminom kasunod ang ministro.

Napatingin si Yi Jian dito. Napansin naman siya ng emperador kaya nginitian siya.

"Ngunit isang pagtatama lamang ang gusto kong sabihin," mayamaya ay sabi nito. "Hindi tuluyang sinakop ng Han ang Chu."

Nagbulungan ang mga tao sa paligid. "Anong ibig niyong sabihin, kamahalan?"

"Sa ngayon ay nasa ilalim ng aking pamamahala ang Chu habang wala pang kakayahan ang nag-iisang anak ng dating hari na si Xiang Kui. Sa oras na magkaroon na ng kakayahang mamuno si Bei Yiqi wangye ay ibabalik ko sa kanya ang pamamahala sa Chu at sa mga tao nito."

"Kamahalan, bakit niyo pa kailangan ibalik ang kahariang iyon?" Isa pang ministro ang nagsalita. "Isang magandang opurtunidad ito para mas lalong lumawak ang ating nasasakupan. Mas malawak na lupa ay siguradong marami rin mga opurtunidad ang darating sa 'tin. Pakiusap, isipin niyo nang mabuti ang aming suhesyon."

"Kamahalan, nangangamba lamang kami na sa oras ibalik mo ang pamamahala sa isang wangye na wala pang sapat na pamamahala ay maaaring muling maulit ang naganap noon. Baka sa susunod ay sakupin na ng tuluyan ang inyong imperyo."

"Pakiusap kamahalan, pakinggan niyo ang aming mga suhesyon. Napagtagumpayan na natin ang problemang ibinigay ng dating hari na si Kai nang sadyain nilang sakupin ang Fei at Wu na naging dahilan para dumagsa ang bilang ng mga takas ng Wu. Halos maubusan tayo ng rasyon ng pagkain at magkaroon ng malawakang taggutom. Nangangamba lamang kami na baka maulit ito at mas malala pa sa susunod."

"Maaari pa naming matanggap na hindi natin masasakop ang Fei dahil buhay pa ang mga anak ng dating hari. Ang Chu at Wu ay mga magagandang handog mula sa langit para sa inyo, kamahalan. Sagana sila sa likas na yaman. Ang pagkakaroon ng mawalak na lupain at mga tao ay makakadagdag sa inyong reputasyon."

Bumuntong-hininga ang emperador. "Ang desisyon ko ay hindi na mababali ng kahit na sino. Hindi ko maaaring sakupin ang isang kaharian kung meron pa itong mga tagapagmana. Walang ginawa sa ating masama ang dating namumuno na si Xiang Kui kaya bakit natin ipagkakait sa kanyang anak ang karapatan para pamunuan ang kanyang kaharian?" Tutol pa sana ang mga ito nang muling magsalita ang emperador. "Isang pagdiriwang ang nagaganap ngayon at hindi isang debate."

Tuluyan nang natahimik ang mga ito. Ilang sandali pa ay nagpaalam si Yi Jian kay Lie Feng.

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang ako. Huwag kang mag-alala, isasama ko sina Ouyang at Li Yong."

Tango lang ang sinagot nito. Tumayo na siya kasunod sina Ouyang at Li Yong.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon