Chapter 71

22 6 0
                                    

Chapter 71

"PATAWARIN niyo ako sa desisyong ginawa ko ngunit iyon lamang ang natatanging paraan para mapatunayan na walang kinalaman ang mga tao sa loob ng ating palasyo sa pagkawala ni Emperador Hen Hao." Nakaluhod na sabi ni Sui Hao. Ipinatawag ito ni Lie Feng para kwestiyonin dahil sa pagbibigay nito ng utos sa ilalim ng pangalan ng hari.

"Pero tanging si Liu Xue lang din ang nakakaalam kung sino si Guwen. Ang dapat natin na ginagawa ngayon ay ang halughugin ang buong palasyo para mahanap si Hen Hao. Nasisiguro ko na isa sa mga tao ng palasyo ang kumuha sa kanya," sabi ni Yi Jian.

"Ipagpaumanhin mo, Yi Jian shaoye, ngunit hindi ko matatanggpap ang sinabi mo na may kinalaman ang mga tao dito." Galit ang mga matang tinitigan siya nito. "Sama-sama naming itinaguyod ang kahariang ito noong panahong bagsak ito. Ang bawat isa ay nangako na papaunlaring muli ang aming kaharian. Kaya paano mo nasasabi na isa sa mga tao dito ang kasabwat ni Liu Xue? Bakit hindi man lang pumasok sa isip mo na maaaring tagalabas ang kumuha sa kanya?"

"Ang mga sinabi ko ay totoo. Si Guwen ay nandito sa loob ng palasyo at nakakasama natin siya. Alam kong masakit at hindi mo matanggap ang mga sinasabi ko pero iyon ang totoo." Buo ang kompiyansa na sabi niya pagkuway ininom ang tsaa.

"Papatunayan ko na mali ka at—"

"Tama na ang pagtatalo niyo, malalaman din natin ang totoo sa oras na—" hindi natapos ni Lie Feng ang ibang sasabihin dahil pabalibag niyang binagsak ang baso sa lamesa. Napatingin ang dalawa sa kanya.

"Pasensya na, Lie Feng, pero wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi ikaw lang kaya kung ano man ang pinag-usapan natin ay sa ating dalawa lang sana." Pakiusap niya dito, ngumiti naman sa kanya si Lie Feng nang makuha ang ibig niyang sabihin.

"May iba akong gustong ibalita sa inyo, kamahalan." Bahagya itong tumikhim para makuha nito ang atensyon nila, umayos na rin ng upo. "Nakatanggap ako ng liham galing sa danwei ng Han. Nag-aalala sila sa kanilang emperador dahil hindi na sila napapadalhan nito ng liham. Kaya nagbigay sila ng palugit na dalawang araw. Sa oras na hindi pa magbigay ng liham ang kanilang emperador ay pupunta ang hukbo nila sa ating kaharian."

Biglang nakuyom ni Yi Jian ang kamao. Isa ito sa kinakatakot niya nang malaman na nawawala ang emperador ng Han. Puwedeng mabaling ang sisi ng mga ito kay Lie Feng.

"Ito ang dahilan kaya pinaamin ko si Liu Xue, kailangan natin malaman ang kinaroroonan ni Emperador Hen Hao. Kung hindi naman natin makuha ang sagot ay maaari nating iharap si Liu Xue kay Yue Guang Danwei para ito mismo ang magpaamin."

"Hindi kailangan na umabot sa kakailanganin kong iharang si Liu Xue para maprotektahan ko ang aking sarili," nakangising sabi ni Lie Feng. "Ako mismo ang makikipag-usap sa kanya. Mas mabuti na pumunta siya rito para mas mapadali ang paghahanap natin sa kamahalan."

"Pero, kamahalan, kailangan natin isaalang-alang ang kaligtasan ni Emperador Hen Hao. Alam kong naging magkaibigan kayo g danwei noong nasa Han ka pa pero iba ang sitwasyon ngayon."

Ngumiti na lang si Lie Feng. "Huwag kang mag-alala, marami na tayong problema at gyera na pinagdaanan. Ngayon pa ba tayo maduduwag nang dahil sa pagkawala ng emperador? Naniniwala ako sa mga sinabi ni Yi Jian, kung hindi natin papaslangin si Liu Xue ay nangangahulugan lamang iyon na buhay pa rin ang kamahalan."

"Pero gaano tayo kasigurado na hindi papaslangin ng taong iyon si Emperador Hen Hao? Paano kung nakita na nito ang mukha ng dumukot sa kanya? Sa huli ay mapapaslang din ang emperador." Nangangamba ang boses na sabi ni Punong Ministro Sui Hao. "Kamahalan, iniisip ko lamang ang kapakanan niyo at ng buong kaharian. Ayoko ko lang na masayang ang mga pinaghirapan natin para muling ibangon ang ating kaharian."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon