Chapter 120

26 4 0
                                        

Author's Note: Sorry ulit ngayon lang nakapag-update. Broken hearted ako ngayon. 🥺 Hindi naman naging kami pero hiwalay na kami agad. 😭 Basta, parang MU lang kami. 🥺 So, yon. Enjoy reading na lang.

Chapter 120

HINDI na kaya ni Yi Jian ang tumakbo kaya naman sumandal siya sa isang puno at isiniksik ang katawan sa isang malaking uka na naroon. Sa wakas ay nakababa na siya ng kabundukang iyon gamit ang lifter na naroon. Tama ang hinala niya na mano-manong pinaandar ang lifter na iyon dahil mula sa ibaba ay merong dalawang lalaki ang humihila ng bakal pababa para maiangat ang lifter.

Kanina ay hindi naging madali sa kanya ang makatakas mula sa dalawang lalaki na nakaabang sa ibaba. Kinailangan pa niyang kalabanin ang mga ito. Heto nga at sumasakit ang sikmura at likod niya sa makailang ulit na pagsipa sa kanya. Hindi rin niya magawang maiangat ang mga braso niya dahil lamog na lamog iyon. Inilahad niya ang kamay, duguan siya roon dahil ang isang lalaki ay may hawak na patalim na balak siyang sasakin, nagawa niyang iharang ang kanyang mga kamay para maprtotektahan niya ang kanyang sikmura. Iyon nga lang ay may kaunting galos ang sikmura niya pero mababaw lang.

Mabuti na lamang at kanina ay may isang binatilyong tumulong sa kanya. Nakita kasi nitong agrabyado na siya lalo na at may ilan pang mga lalaki ang dumating para pagtulungan siya. Hinarap nito ang mga lalaki at pinatakas siya. Hindi na niya namukhaan ito o nakapagpasalamat man lang dahil nagmamadali na siyang makalayo sa kaguluhang iyon.

Pilit niyang pinapakiramdaman ang kanyang mga kamay pero wala siyang maramdmaan, manhid na iyon. Sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan. Napatingala siya sa langit, kung mamalasin nga naman siya. Heto siya at nanghihina, may sugat at lason sa loob ng katawan tapos at pauulanan pa siya. Gaano ba talaga siya kamalas ngayong araw?

Bigla siyang naubo pagkuway napapikit nang mariin. Tatlong araw na mula nang mapainom siya ng lason, habang tumatagal amg lason s akatawan njya ay mas lalong lumalala ang nararamdaman niya tulad ngayon na pakiramdam niya ay sumisikip ang paghinga niya. Tama nga ang sinabi ni Shu, tanging ang pakikipagtalik lamang sa taong nakainom ng lunas para sa lason ang siyang makakagaling sa kanya.

Natawa siya ng pagak. Anong silbi na pinatakas siya nito ngayong hindi naman niya magagawang makabalik sa kung saan naroon ang paso nito? Hinayaan ba siya nito dahil alam na mamamatay din siya? Sa huli ay nautakan pa rin siya pero... hindi, siguradng bukal sa loob nitong patakasin kaya lang ay... wala na siyang ibang maisip. Kahit ang utak niya ay napapagod nang mag-isip. Mayamaya ay biglang nanlabo ang pagingin niya. Ang tanging huli niyang naaalala ay ang malakas na buhos ng ulan...
_____

"SA paghahanap namin sa grupo ni Tian Chang ay tanging natagpuan namin ay ang mga wala nang buhay na katawan ng mga kawal." Isang masamang balita ang nakarating kay Lie Feng na ngayon ay nasa bungad ng isaang bayan kung saan nagkaroon ng pagguho ng lupa. May kalakasan pa rin nag pag-ulan kaya naman nahihirapan ang mga kabayo nilang maglakad sa maputik na daan.

"Tian Chang..." gigil na sabi ni Lie Feng. "Noong una pa lang ay wala na talaga akong tiwala sa kanya."

Nagagalit man si Lie Feng sa nangyari sa mga kawal ay wala naman siyang magawa dahil alam niya na parte ng paninilbihan sa hukbo ay buhay mismo ng tao. Ang mamatay o pumatay, kahit sa sinaumang panahon ay ganoon naman lagi ang panuntunan. Kaya naman bilang paggalang sa ma nagbuwis ng buhay ay inutos niya na kunin ang lahat ng labi ng mga kawal na namatay at dalhin iyon sa palasyo ng Chu para maiayos ang mga katawan ng mga nito.

Mayamaya ay dumating si Li Yong, meron itong dala-dalang isang bakal na hugis paa.

"Kamahalan, tingnan mo, merong pangalan ni Tian Chang na narito at nakaukit din sa ilalim nito ang pangalang Shu."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon