Chapter 123
MATAPOS ang isang linggong pananatili sa loob ng kanyang silid ay sa wakas nakalabas na rin si Yi Jian. Maayos na ang kalagayan niya at tuluyan na rin nawala ang lason sa kanyang katawan. Ngayon ay nag-iinat-inat siya para dumaloy ang dugo sa katawan niya.
Matagal din siyang na-stock sa kanyang kama—biglang natampal ni Yi Jian ang mukha. Litiral na na-stock siya dahil kada ikalawang araw ay kailangan niyang uminom ng gamot na siyang magpapalabas ng bad blood sa katawan niya pagkatapos ay makikipagtalik kay Lie Feng para tuluyang gumana ang gamot. Shit, saan ka nakakita ng gamot na kaliangan pang i-activate through love making?
Pero mas maigi na rin ito. Ang totoo niyan ay may binagong components sa sangkap ng lunas na binigay ni Shu ang manggagamot. Imbis na si Lie Feng ang uminom ng gamot ay siya na lamang, at para gumana ang gamot ay kailangan niyang gawin iyon kasama si Lie Feng. Kailangan niya kasi mapabilis ang kanyang heart rate at mapagod nang husto—teka, kailangan ko lang naman mag-exercise kung gusto kong mapagod, 'di ba? Ang totoo niyan ay naisip na niya iyon kaya lang dahil sa mga sugat at halos pagod na katawan dahil sa mga nangyari sa kanya kasama si Shu ay wala siyang ibang maisip na paraan para mapagod kundi iyon lang.
Natawa na lang si Yi Jian. Pero aaminin niyang nabigla siya na maraming alam si Lie Feng sa pakikipagtalik. Hindi niya akalain na siya ang unang nakatalik nito dahil napakarami nitong alam. Epektibo ang mga nababasa nitong erotikong libro na lihim nitong binibili sa kapitolyo. Naisip niya tuloy bigla na paano na lang kung nabuhay si Lie Feng sa modernong panahon kung saan ay maaari nitong ma-access ang internet at manood ng XXX na mga palabas? Napailing na lang siya. Ngayon ay gusto niyang magpasalamat na hindi pa naiimbento ang internet sa panahong ito. Mayamaya ay nabigla siya nang biglang may yumakap sa likod niya.
"Yi Jian..." si Lie Feng. Hinanap siya agad matapos na makitang wala siya sa loob ng kanyang silid. "Anong ginagawa mo dito?" Magmula nang may mangyari sa kanila ay mas lalo itong naging malambing sa kanya.
"Gusto ko lang magpaaraw. Isang linggo na rin akong nakatago sa silid ko at namumutla na din ako. Isa pa ay gusto kong may iba akong gawin bukod sa..." bigla siyang pinamulahan ng mukha niya nang kagatin nito ang tainga niya. "Ikaw—"
Pero tumawa lang ito. Napabuntong-hininga na lang si Yi Jian. Hindi niya kayang magalit dito lalo at napakarami na nilang pinagdaanan, isa pa ay utang na loob niya ang pangalawang buhay na tinatamasa niya ngayon.
"Yi Jian, alam kong gusto mong puntahan si Kai sa kanyang piitan," mayamaya ay sabi nito. "Pero bago mo siya puntahan ay may gutsto akong ipakita."
Hindi na sumagot si Yi Jian. Nang hawakan nito ang kamay niya para akayin sa kung saan ay napangiti na lang siya. Naalala niya bigla ang unang beses na nagkita sila sa kapitolyo. Ang klase ng hawak nito noon at ngayon ay walang pinagbago. Mahigpit pa rin at ipinapahiwatig na hinding-hindi na siya nito papakawalan kahit na kailan. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isang tila burol. May mga alay na prutas at may nakatayong insenso na halatang bagong lagay lang. Pero si Lie Feng ay kumuha pa rin ng tatlong incense stick at itinirik iyon sa holder pagkuway nagbigay-pugay. Mayamaya ay binuksan ni Lie Feng ang kahon na naroon.
"Ang buto at buhok na ito ay pagmamay-ari ni Ji Jiangjun, ang dati mong buhay. Naalala mo ba nang tingnan ko ang bàlat sa iyong braso? Malungkot ako noon dahil naalala ko ang braso mo noon na hindi namin nakita para mailibing nang maayos."
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula nang malaman niya ang tagumpay na nakamtam ni Emperador Hen Hao. Isang beses ay ipinatawag siya nito para alamin mismo mula sa kanya ang kalagayan ngayon ni Yi Jian. Mula sa kasi sa manggagamot ay nalaman nito na kada ikalawang araw na ipinapatawag ang manggagamot para gumawa ulit ng gamot, pagkatapos ay aalis na ito matapos na pulsuhan si Yi Jian.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Ficção HistóricaBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...
