Chapter 115

24 7 1
                                        

Chapter 115

NAPATITIG na lang si Yi Jian sa sariling repleksyon sa bronze mirror sa kanyang harapan. Kasalukuyan ay inaayos ng tagasilbi ang tassel sa kanyang half-bun knot npsa buhok niya, may na sinusuklay ang mahaba niyang buhok habang ang isa ay inaayos ang red bridal dress niya. Lihim siyang napangisi, kagabi lamang nang ipaalam nito ang kasal na magaganap at ngayon na mismo mangyayari. Talagang noong una pa man ay pinaghandaan na nito ang lahat. Kaya lang may isang ipinagtataka si Yi Jian, nasisiguro niyang matagal nang nakaplano ang kasal na ito pero bakit ngayon lang nito isinagawa ang plano? Nakuyom niya ang kamao, siguradong may isa pa itong hindi ginagawa at kailangan niyang malaman iyon.

"Wangye," magalang na tawag sa kanya ng tagasilbi pagkuway iniabot ang pulang belo sa kanya. Mabilis naman niyang kinuha iyon pagkuway tumayo at akmang lalabas ng kuwarto pero hinarangan na siya agad ng espada ng mga kawal na nagbabantay sa labas ng kanyang silid.

"Tss, gusto kong makita ang hari."

"Wangye, panakanaka ang pag-ulan. Ayaw lamang namin na masira ang iyong kasuotan. Darating ang ating hari mayamaya para sunduin ka."
Napabuntong-hininga na lang si Yi Jian. "May alam ba kayo kung ano na ang kalagayan ng mga kaibigan kong dinukot niyo kahapon?"

Napangisi ang isang bantay. "Patay na sila," sabi nito pagkuway tumalikod.
Nakuyom ni Yi Jian ang kamao pagkuway sinipa mula sa likod ang bantay. Napaluhod ito habang sapo ang nananakit na likuran.

"Ikaw—"

Ang kasama naman nito ay galit na tinutukan siya ng espada. Napangisi na lang siya pagkuway nag-cross arm. "Sige, itutok mo sa mukha ko ang espada mo. Sa oras na masugatan ako ay nasisiguro ko na buhay mo ang magiging kapalit."

Natahimik naman ito kaya lakas loob siyang lumabas. Hindi siya gagalawin ng mga ito, nasisiguro niya na alam din ng mga ito na sa oras na saktan siya ay mananagot sa hari.

"Uulitin ko ang aking tanong. Ano ang kalagayan ng mga kaibigan ko?"

"Nasa piitan sila at pinapahirapan dahil sa pagrerebelde nila sa palasyo. Hindi ko lamang alam kung ano na ang kalagayan nila ngayon dahil kahapon pa nang huli ko silang makitang buhay."

"Buhay pa sila. Mabuti naman."

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pinahirapan sila kaya sa malamang ay patay na sila!" Giit ng kawal.

Nagkibit-balikat naman si Yi Jian. "Nasaan ang bangkay?" Natahimik naman ito. Sa totoo lang ay hindi siya natutuwa na pinapahirapan ang mga ito. Hindi niya maiwasang mag-isip kung ano-anong klaseng pangto-torture na naman ang ginagawa ng mga ito sa mga kaibigan niya pero nasisiguro niya na kakayanin ng mga ito iyon.

May itatanong pa sana siya nang biglang dumating ang hari. Naka-red groom dress din ito, malaki ang ngiti na nilapitan siya nito. Kinuha ang belo sa kamay niya pagkuway akmang ipapatong na iyon sa ulo niya nang matigilan dahil hinawi niya ang kamay nito.

"Xiao Ji, hanggang ngayon ba naman ay nagpupumiglas ka pa rin sa akin?"

"Ngayong magpapakasal ako ay nais kong pakawalan mo ang mga kaibigan ko."

"Ang dalawa mong tagasilbi? Paumanhin, Xiao Ji, pero huli na ang lahat para sa kahilingan mo."

"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ito sumagot at nginisihan lang siya. Akmang hahablutin niya ang damit nito pero mabilis siyang hinawakan sa magkabilang braso ng kawal na bantay ng hari. Pinilit niyang makawala sa hawak ng mga ito pero mahigpit ang kapit ng mga ito sa kanya. Napatingin siya kay Haring Kai na ngayon ay may iniinom mula sa maliit na botelya. Nang maubos ay itinapon nito ang botelya pagkuway inutusan ang dalawang kawal na natitira para hawakan naman ang mga binti niya. "Ikaw, anong gagawin mo?" Gimbal niyang sabi dahil ngayon ay may inilalabas naman itong maliit na botelya mula inner robe nito.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon