Chapter 87
SA bayan ng Jingying sa kaharian ng Ren. Ang bisitang hindi inaasahan ni Yi Jian na magpapakita sa kanya ay si Xiao Hen. Maliligo na sana siya nang makasalubong ito. Inupahan nito ang silid na katabi lang ng silid nilang tatlo nina Ouyang at Li Yong. Pumasok sila doon at pinag-uuspan ang mga susunod pa nilang hakbang laban kay Sui Hao.
"Yi gege, umaayon sa atin ang plano. Ngayon ay pinapunta ako ni Sui Hao sa bayang ito para makipagkita sa 'yo. Gusto niyang baliktarin ang sitwasyon. Gagamitin niya ang opurtunidad na nakakaalala na ako para magpakatiwalaan mo."
Napangiti si Yi Jian. "Gusto niyang malaman ang mga plano ko laban sa kanya. Hindi talaga natin siya dapat na minamaliit."
Napatango na lang si Hen Hao pagkuway uminom ng tsaa.
"Ano na ang nangyari sa mga bulaklak na pinadala ko sa 'yo?" tukoy niya sa ilang pirasong bulaklak na kanyang pinitas mula sa lihim na silid ni Sui Hao.
Ang liham na lihim nitong binigay sa kanya, bukod sa pagsasabi nito na iisa lang si Sui Hao at Guwen; nakasaad din doon na gusto nitong makipagkita sa kanya sa bayan ng Zhuliu. Kaya naman lihim din siyang nagpunta doon at pinag-usapan ang mga hakbang na gagawin nila. Ibinigay rin niya rito ang mga bulaklak na nakuha niya. Sinabihan niya ito para pag-aralan ng mga manggagamot nito ang bulaklak. Naisip niya kasi na siguradong may antidote na magagawa ang mga ito para labanan ang hipnotismo. Katulad sa mga kamandag ng ahas na ginagamit mismo ang laway nito para gawing antidote.
"Matagumpay na nakagawa ng panlunas sa hipnotismo ang aking manggagamot sa palasyo," may nilabas itong red pouch mula sa ilalim ng roba nito. Kinuha iyon ni Yi Jian at nilabas ang nasa loob. Mga maliliit na tableta iyon na kasinglaki lang ng monggo. "Ilang piraso lang ang nagawa niya dahil kaunti lang ang mga bulaklak na naihatid mo sa akin."
"Naiintindihan ko," binalik niya ang mga tableta sa pouch. "Gustuhin ko man kumuha ng marami pang mga bulaklak ay hindi maaari dahil baka makahalata si Sui Hao sa mga ginagawa natin." Napabuntomg-hininga siya. "Xiao Hen, isa kang emperador. Mahalaga ang posisyon mo sa imperyong ito kaya naman patawad." Kumunot ang noo nito. "Patawad dahil kailangan mong gawin ito, umiinom ka ng isang gamot na maaaring makasira ng katawan mo."
Umiling ito. "Balewala sa akin ito. Ang mahalaga ay natutulungan kita ngayon. Noon ay hindi ko nagawang tulungan si Dou Ji dahil sa mura kong edad at kawalan ng sapat na kapangyarihan sa imperyo pero ngayon ay hindi na muling mangyayari iyon lalo at hawak ko na ngayon ang buong hukbo ng palasyo."
Napangiti na lang si Yi Jian. Ilang sandali pa silang nag-usap nito at pagkatapos ay umalis din ito agad. Babalikan na nito si Sui Hao.
Isang linggo pa silang naghintay sa bayan ng Jingying para sa kaso ng pang-aalipin. Kasama ngayon ni Yi Jian si Li Yong at naglilibot sila sa paligid ng bayan para magtanong-tanong sa ikakaunlad ng imbestigasyon nila. Pero nakita nila si Liang Gou na papasok sa loob ng kainan, may ilang mga babae itong kasama. Nakita sila ni Liang Gou at inaya para sabayan sila.
"Siyanga pala, mga mahahalagang tao sila na bumibisita sa bayang ito. Siya si Li Yong shaoye, anak siya ng Punong Ministro ng kaharian ng Yu at siya naman," nilapitan siya ni Liang Gou at inakbayan. "At siya naman si Yi Cheng. Cheng ge, nais mo bang makisalo sa amin?"
Sasagot sana si Yi Jian pero nagsalita na si Li Yong. "Magagalit ang kanyang kasintahan sa oras na malaman niyang uminom si Yi Cheng," sabi nito pagkuway inalis ang kamay ni Liang Gou na nakaakbay sa kanya."
Si Liang Gou naman ay tila nakahalata sa pag-iwas sa kanya ni Li Yong. Akmang susugurin nito si Li Yong pero pumagitna na siya at siya naman ang umakbay kay Liang Gou. Kinuha niya rin ang hawak nitong alak at tunungga iyon.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Ficção HistóricaBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...
