Chapter 119
20 years ago...
LAHAT ng klase ng ulat tungkol kay Xiao Ji ay agad nalalaman ni Shu. Hindi mahirap na makakuha nito dahil kilala ng lahat ang pangalan nito. Kahit batang paslit ay alam pangalang Zhan Dou Ji. Si Xiao Ji ngayon ay isa nang jiangjun ng hukbo ng Yu. Hinahangaan at kinagigiliwan ng marami. Ngayon ay itinuturing itong bayani dahil sa pagtuklas nito sa dalawang manggagamot sa kabundukan ng Shiti. Napatay nito ang mga iyon at iniligtas ang ilang mga bata pang naroon. Limang taon din na ginamit ng dalawang manggagamot ang mga pulang bulaklak para lang sa ekspiremento ng mga ito at ngayon ay tuluyan nang nasugpo ang mga ito. Mga magulang niya ang napatay nito pero wala siyang maramdaman na lungkot dahil sa umpisa lang ay mali na ang gawain ng mga ito at kahit siya ay nasusuklam. Ayaw niyang may makaalam na anak siya ng mga ito.
Ngayon ay nasa isang bayan siya sa kaharian ng Chu. Dito siya dinala ni Tian Chang para makapagsimula ulit. Nakakuha siya ng trabaho sa loob ng kampo ng hukbo ng Chu bilang tagalaba ng mga damit ng mga kawal at tagaluto ng mga ito. Mababang posisyon pero tinanggap niya dahil sa kampo siya tinalaga. Plano niyang pumasok din sa hukbo tulad ni Dou Ji at ito ang unang hakbang niya.
Ang ministro ng pakikidigma ay nagustuhan ang mga inihahain niya nang minsang magtungo ito sa kampo para kumustahin ang mga kawal kaya naman kinuha siya nito at dinala sa sariling tahanan. Tuwang-tuwa siya noon dahil akala niya ay aampunin siya nito pero hindi, ginawa siya nitong pampalipas-oras. Tumanggi siya sa gusto nito pero nalaman nito ang tungkol sa mga bakal niyang binti, ginawang panakot sa kanya na patatalsikin siya sa palasyo at wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito. Nang dahil sa mga putol niyang binti ay nagkaroon ito ng kakaibang interes sa tuwing makikipagtalik sa kanya.
Nasusuklam siya sa ginagawa nito, balak niya itong patayin nang may matuklasan siyang katiwalian nito kasabwat ang ministro ng pananalapi. Ginagamit ang pondo para sa rasyon ng mga pagkain at armas ng hukbo dahil may balak ang mga ito na gamitin ang salapi sa pansariling interes. Nangalap siya ng ebidensya habang nasa loob ng tahanan ng ministro at ibinigay iyon sa jiangjun nang makita ito. Ang mga nalaman niya ay sinabi sa jiangjun ng hukbo pero hindi nito sinabi na siya ang nakatuklas ng anomalya ng dalawang ministro. Ang papuri ng hari at ng mga tao ay inangkin nito habang siya ay naiwan sa isang tabi habang pinapanood ito. Ang dalawang ministro ay hinatulan kamatayan ng hari.
Bakit ba napakamalas niya? Bakit kailangan na kaya-kayanin siya ng mga taong tulad nito? Nagagalit siya pero wala siyang magawa. Nasa mababang posisyon siya at walang masyadong kakayahan. Minsan ay nawawalan na siya ng pag-asa para magkaroon ng mataas na antas. Ngayon ay bumalik siya bilang tagaluto at tagalaba sa loob ng hukbo.
Nang bumalik siya sa tinitirhan nila ni Tian Chang ay ikinuwento nito na patutungo ito sa Jianhuang dahil kailangan nitong kumuha ng ilang bakal na kakailanganin nito sa ginagawang armas. Si Tian Chang kasi ay naging panday naman na umaayos sa mga sirang armas ng mga kawal. Sumama siya sa pagpunta nito doon, hinanap niya si Xiao Ji pero nalaman niyang nasa dalampasigan ito at hinarang ang mga dayuhan na nagbabalak na pumasok sa kaharian.
Agad siyang nagtungo doon pero may napansin siyang isang tuta na nakabalot sa isang tela, nasa gilid lang ito at umiiyak. Kinuha niya iyon at saglit na pinakain. Nang matapos ay sinama niya ito patungo sa dalapasigan. Doon ay nakita niya si Xiao Ji na nakikipaglaban kasama si Liu Xue at iba pang kawal. Mag nakikita siyang kaunting sugat dito pero iniinda nito ang sakit. Si Xiao Ji lang ang pinapanood niya kaya naman hindi na niya naoansin ang tutang dala niya na nakawala sa kanyang kamay at nagtungo sa mga patay na katawan ng mga dayuhan. Hindi pa napansin ni Xiao Ji ang tuta kaya ang naoatay nitong dayuhan ay bumagsak sa tuta. May impit siyang iyak ng tuta na narinig, gusto niya itong tulungan pero makikita siya ni Xiao Ji at Liu Xue.Hanggang sa natapos ang laban ng mga ito. Paalis na ang mga ito nang marinig ni Xiao Ji ang iyak ng tuta. Agad nitong hinanap iyon at nakita niya ang magandang ngiti nito nang makita ang tuta na nagkulay pula na dahil sa dugo. Napangiti siya nang ipagtanggol nito ang tuta kay Liu Xue na balak itong patayin sa pag-aakala na tuta ito ng dayuhan. Mas lalo pang lumukso ang puso niya nang tuluyan na nitong ampunin ang tuta na iyon.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Ficción históricaBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...