Chapter 116

34 6 1
                                    

Chapter 116

HINDI akalain ni Lie Feng na ganitong eksena ang masasaksihan niya sa kanyang pag-e-espiya. Sa ngayon ay nasa hindi siya kalayuan ng palasyo ng Chu. Naghahanap siya ng maaaring ibang entrada para makapasok sa loob pero tulad nga ng sabi ni Tian Chang, mahihirapan nga sila dahil sa lakas ng depensa. At ngayon, malaya niyang nakikita ang dalawang bangkay na isinasabit sa entrada ng palasyo. Puno ng palaso ang katawan ng mga ito, nagkalat sa lupa ang masaganang dugo na nagmumula sa bangkay.

Ouyang! Li Yong! Gimbal niyang bulong nang makilala ang mga bangkay.

"Malakas ang loob ng dalawang ito nang kalabanin nila ang mga bantay ng kanilang selda. Akala nila ay makakaya nilang sugpuin tayo." Natatawang sabi ng isang kawal, inilabas pa nito ang espada at walang-awa pa na tinarak sa katawan ni Li Yong. "Lalo na ang isang ito, dinukot ng kanyang kamay ang kanan kong mata!" Gigil na sabi nito at itinarak naman sa mata ni Li Yong ang dulo ng espada.

Nakuyom naman ni Lie Feng ang kamao matapos na makita iyon.

"Kulang pa na parusa sa kanila ang nangyaring pagbitay kanina. Kung ako lamang ang masusunod ay nais kong putulin ang kanilang mga braso at binti, ipakain ang mga iyon sa mga aso pagkatapos tusukin ang kanilang katawan!" Dagdag pa ng isa.

Napangisi naman ang isang kawal na tumarak ng esapda sa katawan ni Li Yong. "Hindi pa naman huli ang lahat para gawin iyon, tama ba? Wala nang pakialam ang ating hari sa mga ito, maaari natin gawin ang sinabi mo."

"Pero mas maganda kung buhay pa sila habang ginagawa natin iyon. Hindi ba at masarap pakinggan ang kanilang mga hiyaw habnang nakikita nila ang sariling katawan na hinihiwalay sa kanila."

Natawa ito. "Maswerte pa pala silang maitututing kung ganoon," binalingan nito ang mga bangkay. "Halika, tulungan mo akong pagpira-pirasuhin ang kanilang mga katawan."

Buong kasabikan naman na tumango-tango ito at walang pagdadalawang-isip na pinagpira-piraso ang katawan ng dalawang bangkay hanggang sa ang itaas na bahagi na lang ang natira. Ang mga braso at binti ng mga ito ay nilagay sa tela at nilapag lang sa lupa. Ang naiwang katawan naman at isinabit sa magkabilang poste ng entrada.

Mga walang-hiya! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa kanila!

Gigil na gigil si Lie Feng, kay higpit ng hawak niya sa kanyang espada. Pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na lusubin ang mga ito. Sa ngayon ay mas pinapairal niya ang matinong bahagi ng isip niya, kung lulusob siyang mag-isa ay siguradong matatalo lang siya. Sina Ouyang at Li Yong ay patay na, alam niyang kahit makuha niya ang katawan ng mga ito ay hindi pa rin maibabalik ang buhay ng mga ito.

"Ngayon lamang kita nakita sa kapitolyo..."

Nabigla si Lie Feng nang may magsalita sa kanyang likod. Nang lumingon siya ay nakita niya ang isang magandang babae. Ngumiti ito sa kanya pagkuway akmang lalapit nang ilabas ni Lie Feng ang kanyang espada at ilagay iyon sa leeg ng babae.

Tumingin ito sa kanya. "Bakit ba ganito mo tratuhin ang isang babaeng tulad ko? Hindi ako masamang tao."

Naningkit ang mga mata ni Lie Feng at idinikit ang talim sa leeg ng babae. "Madilim na ang paligid pero isang babae ang ngayon ay nasa labas ng palasyo at nakikipag-usap sa isang estranghero. Hindi ka masamang tao? Hindi mo ako mapapaikot ng mga salita mo, Sui Hao."

Napangiti naman si Sui Hao. Hindi akalain na kahit nakapostura na bilang babae at ginamit ang totoong boses ay nakilala pa rin niya ito.

"Paano mo ako nakilala, kamahalan? Hindi mo pa ako kailan man nakita bilang isang babae."

"Nagbakasakali lang ako nang tawagin kita sa pangalan mo," seryosong sagot ni Lie Feng, hindi pa rin inaalis ang espada sa leeg ni Sui Hao. "Nasabi na sa akin ni Yi Jian nag iyong sekreto, alam kong isa kang babae at alam ko rin na nandito ka lamang sa loob ng palasyo. Ang hindi ko lamang inaasahan ay ang paglapit mo sa akin gamit ang totoo mong anyo." Biglang naging mabalasik ang boses ni Lie Feng, sa pagkakataong ito ang espada na halos gasinulid lamang ang layo ng talim sa leeg ay nakadikit na. Ngayon nga ay inaagusan na ng dugo ang espada ni Lie Feng at basa na rin ng dugo ang kulay collar ng puting roba nito. "Anong kailangan mo at nilapitan mo ako ngayon?"

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon