Chapter 43

42 7 0
                                        

Chapter 43

NAPATITIG na lang sina Wenrou at Lie Feng kay Dou Ji na ngayon ay pabalagbag na pumasok sa sarili nitong silid. Kasunod nito si Xiao Zhang na ngayon inaayos ang karwaheng ginamit nito. Kababalik lang kasi ng mga ito galing sa palasyo ng hari.

Papasok sana si Wenrou sa silid ni Dou Ji nang pigilan siya ni Xiao Zhang.

"Paumanhin, Rou ge, mahigpit na ibinilin ng jiangjun na huwag siyang gambalain sa araw na ito."

"Bakit? Hindi ba siya naging matagumpay sa pagsisiwalat ng katiwalian ng ministro at Xian Mu shaoye?" tanong ni Lie Feng.

Napatingin si Xiao Zhang sa silid ni Ji Jiangjun pagkuway inaya ang dalawa para magtungo sa hardin. Doon ay ikinuwento nito ang mga nangyari sa loob ng palasyo ng pagpupulong.

"Nagawa niyang mapatunayan ang katiwalain ng ministro pero hindi ng shaoye. Nangialam sa kanya si Xue Tongjun kaya naman nakawala si Mu shaoye sa hatol sa kanya ng hari. Hinarap ni Ji Jiangjun si Xue Tongjun at nagtalo silang dalawa."

"Anong ginawa ni Liu Xue sa kanya?" Seryosong tanong ni Wenrou.

Nagsimula naman magkwento si Xiao Zhang...

"Liu Xue, paano mo nagawang sagipin si Xian Mu? Alam mo ang mga ginagawa niyang mali pero pinababayaan mo lang! Para saan at naging bahagi ka ng hukbo kung pababayaan mo ang isang kalawang na tulad niya na dikitan tayo?" Nasa labas ngayon ng palasyo ng pagpupulong sina Dou Ji at Liu Xue.

"Ji, bakit hindi ko sasagipin ang shaoye? Totoo naman ang sinabi ko na walang konkretong ebidensyang magpapatunay ng rebelyong sinasabi mo."

"Narinig ko ang mga plano nila!"

"Narinig mo pero nasaan ang ebidensya? Ang mga salita mo? Kahit gaano pa kagiliw sa 'yo ang hari ay hindi sapat ang salita lang. Isa pa ay alam ng lahat ng tao na hindi mo kasundo ang shaoye kaya anong patunay mo na mapaparusahan siya nang dahil sa rebelyong sinasabi mo at hindi dahil sa kinaiinisan mo siya?"

"Liu Xue, sa tingin mo ba ay ganoon ako kababaw mag-isip? Totoong hindi kami magkasundo pero hindi ako aabot na gagawa ng isang akusasyon para lang maparusahan siya."

Nagkibit-balikat lang ito. "Tss, ano pang silbi na nagtatalo tayong dalawa dito? Nasagip ko na ang shaoye, sa tingin ko ay wala na tayong dapat na pag-usapan pa."

"Liu Xue, nagbago ka na ba talaga? Hindi mo na alam kung ano ang tama at mali? Sa tingin mo ba ay tama na nakikipaglapit ka kay Xian Mu?"

Napangisi si Liu Xue, lumapit kay Dou Ji at hinawakan ang ilang hibla ng buhok niya na nasa balikat. Inikot iyon sa daliri pagkuway inamoy. "Bakit? Nagseselos ka ba na kami na ni Xian Mu ang magkasama?"

Naningkit ang mga ni Dou Ji pagkuway marahas na pinalo ang kamay nitong hawak ang buhok niya. Pero tinawanan lang ni Liu Xue ang ginawa niya.

"Binibiro lang kita, Ji. Bakit mo ako kailangan titigan nang masama?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Ngayon pa lang ay pinapayuhan na kitang lumayo kay Xian Mu dahil siya ang magiging daan para bumagsak ka."

Umiling si Liu Xue. "Mali. Siya ang magiging daan ko para mapabagsak ka."

"Tongjun, ikaw, may alam ka ba sa plano ni Xian Mu na pagsugod sa Qinghua?" tanong niya pero hindi siya nito sinagot at nilagpasan lang siya...

Napapukpok si Wenrou matapos marinig ang kwento ni Xiao Zhang.

"Bakit ba kailangan ni Ji-Ji na paalalahanan pa ang taong iyon? Wala na siyang pag-asa kaya kailangan na siya mismo ang lumayo dito."

"Pero Rou ge, hindi mo masisisi si Ji Jiangjun. Mas matagal niyang nakasama si Xue Tongjun, halos sabay na silang lumaki at itinuring na niya itong kanyang kapatid. Kaya mas gugustuhin niyang kumbinsihin ito ng mga salita kaysa ang gamitin ang kanyang espada para lang mapabalik ito sa matuwid na daan."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon