Chapter 126

44 4 2
                                        

Chapter 126

KALAT na sa buong palasyo ng Han ang tungkol sa pagbibigay ng emperador ng barko na siyang ginagamit ni Sui Hao at Qing wangye para makaalis ng imperyo. Galit ang mga ito dahil hindi tuluyang naubos ang lahi ng dating hari, natatakot din ang mga ito na dumating ang araw na makaipon ito ng lakas at bumalik para maghiganti sa nangyari sa dating hari ng mga ito. Isa pa sa ikinaiinis ng mga ito ay ang tungkol sa pagkuha ni Yi Jian sa bangkay ni Shu para dalhin sa Yu. Iniisip ng mga ito na balak ni Yi Jian na gamitin ang bangkay ng dating hari para magpadala ng sumpa sa pamumuno ng kanilang emperador. Hindi na lang pinansin ni Yi Jian, natatawa lang siya sa kakaibang imahinasyon ng mga ito.

Iyon nga lang ay nanghihinayang siya na hindi pumayag si Sui Hao para iwan sa kanya si Qing wangye. Bumuntong-hininga siya, mukhang habang-buhay ay kailangan niyang magdasal na sana ay tuluyan nang mawala ang galit sa kanya ng batang wangye.

"Nang dahil sa lalaking 'yan ay maraming kamalasan ang darating sa ating palasyo. Biruin niyong iminungkahi sa emperador na kunin ang bangkay ng dating hari ng Chu para dalhin sa Yu."

"Hah! Wala bang alam ang binatang iyan tungkol sa reputasyon na makukuha ng ating imperyo at sa emperador sa oras na maisabit natin ang ulo ng dating hari sa entrada ng ating palasyo. Walang sinuman ang magtatangka para lusubin ang Han dahil sa takot na matulad sa taong iyon!"

"Mabuti na lamang at paalis na ang nagdadala ng kamalasan at kapestehan sa kahariang ito! Hindi kami papayag na pati ang emperador o ang kanyang anak ay mahawa sa 'yo!"

Ilang mga ministro ang nagsalita laban sa kanya isang umaga habang naghahanda na sila sa pag-alis nila.

"Si Yi shaoye ko ay hindi malas tulad ng sinasabi niyo!" Pagtatanggol ni Ouyang sa kanya.

"Kung may malas at peste man ang nandito ay iyon ang mga bibig niyong wala nang ibang sinabi kundi ang mga salitang iyon!" Dagdag ni Li Yong na bumaba pa ng sedan para humarap sa mga ito.

"Mga bata lang kayo ng Yu, walang posisyon at reputasyon! Anong karapatan niyong pagsabihan kaming mga ministro ng ganoon?"

"At ano rin ang karapatan niyo para pagsalitaan nang hindi maganda ang aking mga importanteng bisita?"
Napalingon ang lahat sa nagsalita, si Emperador Hen Hao, kasama nito si Lie Feng na nagdidilim ang paningin dahil sa mga narinig na sinabi ng mga ministro.

"Hindi ko akalain na mga ministro kayong nanunungkulan sa bawat kawanihan ng imperyo. Ano at para kayong aso na tinatahulan kami?" Mapang-asar ang tono ng boses na sabi ni Yi Jian.

"Ikaw—anong karapatan mong—"

"Ang sakit sa tainga ng bawat kahol niyo." Nakisabay na rin si Lie Feng, kunwari ay naglilinis ng tainga. "Kamahalan, mukhang ginugutom mo ang mga alaga mong aso kaya patuloy kaming kinakahulan."

Binalingan ng ministro si Xiao Hen pero wala itong balak na kumampi sa mga ito.

"Huwag kayong mag-alala, mamaya ay makakatikim sila ng pagkain na hinding-hindi nila makakalimutan." Makahulugang sabi nito na ikinamutla ng mga ministro.

Humakbang si Lie Feng palapit kay Yi Jian pagkuway nginitian siya. "Huwag mong pansinin ang mga sinasabi nila laban sa 'yo."

Ngumiti naman siya. Sa totoo lang ay balewala na sa kanya ang lahat ng ito pero mukhang hindi papayag ang mga kasama niya para hindi makabawi sa mga ministro na nang-insulto sa kanya. Heto nga at mas lalong lumakas ang murderous aura ng mga ito ngayong kasama nila si Lie Feng.

"Kamahalan, ipagpaumanhin niyo ang mga narinig mula sa amin pero gusto lang namin ilabas ang aming saloobin patungkol kay Sui Hao at ang anak ng dating hari na ngayon ay nasa karagatan na, pati ang bangkay na nararapat lamang na nasa ating palasyo. Nangangamba lang kami na maging sanhi ito ng iyong kamalasan at pagbagsak ng imperyo."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon