Chapter 107
NAGPATULOY sa pagbebenta ng mga inukit niyang kahoy si Shu sa kapitolyo. Nasa gilid siya ng bangketa, nakalatag ang telang kulay pula na maraming himulmol habang sa ibabaw niyon ay nandoon ang mga paninda niya. Habang siya ay patuloy sa pag-ukit. Isang buwan na ang nakakalipas mula nang magkita sila ni Xiao Ji. Sa libreng oras nito ay dinadalaw siya sa kanyang tahanan pero maiksing oras lang amg ginugugol nito sa kanya. Kaya heto siya ngayon sa kapitolyo at umaasang makikita dito so Xiao Ji.
"Sa atingin mo ay magugustuhan niya ito? Sa katapusan ng buwan ay kaarawan na niya. Gusto kong mapansin ako ni Ji shaoye."
Napatingin si Shu sa dalawang binibini na pumipili ng paninda niya. "Ji shaoye? Sinong Ji shaoye ang tinitukoy niyo? Ang anak bang jiangjun?"
Nagkatinginan ang dalawang babae. "Oo, nalalapit na ang kaarawan niya at may darating na mataas na opisyal dala ang kanilang mga anak na babae para ipakilala kay Ji shaoye," sagot nito sa kanya pagkuway binalingan ang kasama. "Mapapansin kaya niya ako kung ganitong regalo ang ibibigay ko sa kanya?" Kumuha ito ng isang paninda niya pagkuway tinitigan. "Hindi naman maganda ang mga ito at masyadong simple ang disenyo." Tinapon nito ang kahoy dahilan para matumba ang lahat ng paninda niyang maayos na nakatauo pagkuway umalis na.
Nakuyom na lang ni Shu ang kamao pagkuway sinundan ng tingin ang dalawang babae. Anong sabi ng mga ito? Hindi maganda ang mga disenyo niya? Na simple lang? Napatitig siya sa mga paninda niya.
Nagustuhan ni Xiao Ji ang mga ito. Binalot na niya ang mga paninda at umalis sa lugar na iyon pero natigilan siya nang makita ang isang bata na may hawak na kahoy. Pamilyar sa kanya iyon dahil ito ang disenyong hiningi sa kanya ni Xiao Ji. Kinuha niya iyon sa kamay ng bata kaya umiyak ito. Dumating tuloy ang ama ng bata at pinagbintangan siyang sinaktan ang bata kaya umiyak.
"Hindi ko siya sinaktan! Kinuha ko lang ang kahoy na ito dahil pagmamaya-ari ito ni Xiao Ji!"
"Xiao Ji? Ji shaoye? Ibinigay 'yan sa amin ng shaoye kaya ibalik mo 'yan!" Padabog nitong kinuha sa kamay niya ang laruan.
Akmang susuntukin niya ang lalaki nang may pumigil sa kamay niya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Xiao Ji. Mabilis naman siyang huminahon nang makita sa mga mata nito ang pagkadismaya dahil sa inasal niya. Ang mag-ama naman ay mabilis nagsumbong kay Xiao Ji at ipinipilit pa rin ng ama na sinaktan niya ang bata kaya umiyak ito.
"Sinaktan ka ba ng gege na nasa likod ko kaya ka umiyak?" Mahinahong tanong ni Dou Ji sa bata.
Umiling ito bilang sagot. "Inagaw ni gege ang laruang bigay mo kaya umiyak ako."
Ngumiti naman si Xiao Ji pagkuway pinunasan ng kamay ang luha sa pisngi ng bata. Tumingin ito sa matanda na nakayuko dahil mali ang inakusa sa kanya. Mabilis itong humingi ng tawad sa kanya. Matapos niyon ay umalis na ang mga ito.
"Xiao Ji..."
"Pagkatapos kong umalis sa tahanan mo ay nakita ko ang batang iyon na umiiyak dahil sa laruan na gusto niyang bilhin pero wala siyang pambili. Kaya binigay ko sa kanya ang hiningi kong laruan sa 'yo."
Napatango na lang siya. "Galit ka ba na pinaiyak ko ang bata?"
Umiling ito bilang sagot. "Hindi mo naman siya gustong paiyakin, tama ba?"
"Oo, pero nainis lang ako sa kanyang ama. Pinagbintangan ako agad kahit hindi naman alam ang dahilan ng pag-iyak ng bata. Nakita kong nadismaya ka dahil sa balak kong suntukin ang lalaking iyon. Patawad."
"Naiintindihan ko. Siyanga pala, bakit nandito ka ngayon sa kapitolyo?"
"Binibenta ko itong mga inukit kong laruan pero walang gustong bumili. May dalawang binibini kanina ang nagsabi na hindi maganda ang mga inukit ko at masyado silang simple. Aalis na sana ako para bumalik sa Ganjing pero naabutan mo na nga akong nakikipagtalo sa lalaki kanina."
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...