Chapter 76

23 6 0
                                        

Chapter 76

INGAT na ingat si Lie Feng habang binababa si Dou Ji karwahe. Ngayon ay nasa ilog sila ng Haixian, isinandal niya ang nanghihinang katawan sa puno ng Yīnghuā Shèngkāi (Cherry Blossom Tree). Sinusundan ni Dou Ji ng tingin ang bawat kilos ni Lie Feng na ngayon ay nasa tabing ilog, hinubad nito ang roba at pinunit ang manggas. Binasa nito amg pinunit na manggas pagkuway binalikan siya at pinunasan ang mukha niya. Ibinalot rin nito ang roba sa kanyang braso para mapahinto ang pagdurugo.

Tahimik lang si Lie Feng habang ginagamot si Ji Jiangjun. Inalala niya ang nangyari nitong nakaraang araw nang matakasan siya ng jiangjun. Isang linggo na ang nakakaraan nang magising siya mula sa sadyang pagpapatulog sa kanya ni Ji Jiangjun. Hawak niya sa kanyang kamay ang hikaw na binigay niya rito noon. Sinadyang iwan para sa kanya. Nang malaman na tinakasan siya nito ay agad siyang nagpasya na umalis pero pinigilan siya ni Sui Hao ayon na rin sa hiling ni Ji Jiangjun. Alam kasi nito na susunod siya kaya mahigpit na binilian ang kaibigan oara huwag siyang pasunurin. Pero sadyang matigas nag ulo niya kaya kahit anong pigil nitoay umalis pa rin siya. Nag-iwan na lamang siya ng liham sa ibabaw ng lamesa na sumunod na lamang.

Sa totoo lang ay walang balak si Lie Feng na makipaglaban, ang nais lang niya ay makuha si Ji Jiangjun para maibalik sa Han. Pero hindi niya inaasahan ang maaabutang tagpo, sinusugod ng mga tao si Ji Jiangjun. Halos puno na ng sugat ang katawan at naliligo na ito sa sariling dugo. Hindi na siya nakagpapigil at tuluyan nang sumugod.

"Lie Feng... a-ang balikat mo..."

"Jiangjun, baliwala ang sugat na ito. Mabilis lang itong gagaling." Puno ng determinasyon na sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagpupunas sa mukha ng jiangjun na kahit puro galos at marka ng espada sa pisngi ay hindi pa rin maitago angking kagwupuhan na bumihag sa kanya.

"L-lie Feng, bakit mo pa ako inililigtas?" tanong ni Ji Jiangjun habang pinupunasan niya ang leeg at kamay nito.

"Gusto kitang mabuhay..." simpleng sabi ni Lie Feng.

Sandaling katahimikan.

Napatitig si Dou Ji sa kabilang panig ng ilog kung saan naroon ang mga bulaklak na matagal niyang inalagaan, naroon din nakalibing ang abo ni Wenrou at Xiao Er. Binawi niya ang tingin doon pagkuway tumingala at tinitigan ang magandang puno na sinasandalan niya ngayon.

"Lie Feng, ang ganda ng punong ito..." sabi niya habang ninanamnam ang mabangong simoy ng hangin galing sa puno ng Yinghua.

Ang kulay rosas na talulot ng mga bulaklak na ito ay maganda sa mga mata, maaliwalas sa paningin. Mayamaya ay may lumipad na paro-paro sa harapan niya. Bigla siyang napangiti. Ang punong ito ay katulad din ng mga paro-paro. May magagandang kulay sa kanilang mga pakpak, napakandang tingnan, kay sarap hawakan at ikulong sa mga palad. Ang punong ito at ang mga paro-paro, gusto nilang maging malaya at maging insperasyon sa mga tao kahit sandali lang...

"Jiangjun..."

"Lie Feng, alam mo ba na ang punong ito at ang paro-paro, dalawang linggo lang ang itinatagal nila. Ang mga bulalak sa punong ito ay malalagas at ang mga paro-paro ay magtatago at tahimik na mamamatay." Umangat ang kamay niya para haplusin ang mukha nito. "Ilang sandali na lang, mamamatay na rin ako kaya-" hindi na niya natapos ang ibang sasabihun dahil bigla siya nitong niyakap.

"Hindi ako papayag! Ayokong mawala ka!" Garalgal na sabi nto.

Pilit naman ngumiti si Dou Ji. Mayamaya ay humiwalay ng yakap si Lie Feng nang maramdman na hindi na nagsasalita si Ji Jiangjun. Tinawag niya ito at nang nginitian siya ay nabuhayan ng loob.

"Mabubuhay ka! Nasisiguro kong mabubuhay ka, Ji Jiangjun!"

Napangiti si Dou Ji. Lie Feng, sa kalagayan ko ngayon ay malabong mabuhay pa ako. Gusto niya sanang sabihin pero ayaw niyang sirain ang lakas ng loob na meron ito para sa kanya.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon