Chapter 88

15 6 0
                                    

Chapter 88

HINDI lang simpleng sakit ang kailangang lutasin ng grupo ni Yi jian sa bayan ng Qingrong. Sa bukana pa lang ng entrada papasok sa bayan ay may nakita na siyang dalawang lalaki na binubugbog ang isang lalaki. Agad silang lumapit doon at pinatigil sa ginagawa ang mga ito.

"Anong problema? Bakit niyo siya sinasaktan?" tanong ni Xiao Hen sa mga ito.

Ngumisi ang isang lalaki pagkuway dumura sa harapan nila. "Gusto niyang pumasok sa bayang ito pero ayaw magbayad ng lalaking 'yan. O, Dou xiong! Bumalik ka na pala," baling nito kay Qiang Dou na nagtatago sa likuran nila.

"Kasama mo ba ang mga ito?" tanong pa ng isa. "Mukhang nanggaling sa may kayang pamilya. Maganda ang mga kasuotan at—" natigilan na sa ibang sasabihin ang lalaki dahil lumapit na agad si Qiang Dou sa mga ito.

"Mga siraulo kayo! Hindi basta-basta mga tao ang kasama ko!"

"Xiao Dou, mukhang maliban sa trabaho mo sa Shiti ay may iba ka pa palang pinagkakaabalahan sa bayang ito." Nakangising sabi ni Yi Jian.

Alanganin namang napangiti si Qiang Dou pagkuway lumuhod. "Marami akong pagkakamali, alam ko iyon! Kaya siguro binalikan ang anak ko ng mga naging kasalanan ko. Pinagsisisihan ko ang mga nagawa ko. Pakiusap, huwag sana magbago ang isip mo na tulungan ang anak ko."

Napabuntong-hininga na lang si Yi Jian at inakay na patayo si Qiang Dou. May sasabihin sana siya pero sinalungat na siya agad ng dalawang lalaki. Nagkasagutan sila ng mga ito hanggang sa sinugod na sila. Mabuti na lang at agad na napatumba ito ni Xiao Hen.

"Sinabi ko na sa inyong tumigil kayo! Ang mga kasama ko ay mga matataas na uri ng tao. Hindi natin sila dapat na pinakailamanan!" Mariing sabi nito sa dalawang kasama. Sinadya nitong huwag sila tuluyang ipakilala ayon na rin sa bilin nila. Gusto kasi nilang makagalaw ngng maayos habang tinutulungan ang mga tao. Isa pa ay kung may iba pang makakaalam na nandito ang emperador, maaaring maging mitsa ito ng buhay ni Xiao Hen. Wala ang mga bantay nito at delikado sa mga mata ng mga ganid sa kapangyarihan.

Ilang sandali pa ay binalingan nila ang lalaking nabugbog. May hawak-hawak itong ilang halaman, pinoprotektahan nito ang hawak para hindi madumihan. Tinulungan ito ni Ouyang na makatayo, puro galos at sugat ang mukha nito. Halatang hinang-hina na rin ito dahil sa mga natamo.

"Ang batang pinapangalagaan ko nasa loob ng bayang ito," hirap ang boses na sabi nito. "May kakaibang sakit sa balat na tumubo sa kanya kaya, pakiusap, tulungan—" hindi na natapos nito ang ibang sasabihin dahil tuluyan na ito nawalan ng malay tao.
_____

KUMPARA sa byan ng Ganjing, Zhuliu at sa kapitolyo ng Yu ay mas 'di hamak na maliit lang ang Qingrong. May limang daang pamilya lang ang naninirahan dito at sa sobrang liit ng bayan ay halos magkakakilala na ang mga tao.

Habang papasok sila sa bayan ay napansin ni Yi jian ang isang balon, may nakaukit na pangalan ang naroon. Ji Jiangjun, iyon ang nakalagay sa katawan ng balon at ang pagkakasulat ay halatang gawa ng isang bata. Napansin naman siya nina Ouyang at Xiao Hen na nakatitig sa nakaukit sa balon.

"Ako ang umukit ng pangalan na 'yan, Yi shaoye." Napalingon si Yi Jian kay Ouyang. "Ang balon na ito ay hindi maitatayo sa bayang ito kung hindi dahil sa pakiusap ni Ji Jiangjun sa dating hari na si Fu Bai. Pero habang ginagawa ang balon na ito ay pangalan ni Haring Fu Bai ang inuukit dito. Tss, kung hindi naman dahil kay Ji Jiangjun ay hindi nito maiisipan na tulungan ang mga tao dito noon. Kaya ang nasa isip ko noon ay mas karapat-dapat ang pangalan Ji Jiangjun para iukit dito."

Napangiti na lang si Yi Jian sa sinabi nito.

"Yi gege, alam mo ba na ang Qingrong ang naging tahanan mo noong tinanggalan ka ng posisyon noon. Ang mga dating tulisan din na mula dito ang tumulong sa 'yo noon."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon