Chapter 84

14 5 0
                                    

Chapter 84

KINABUKASAN ay naalimpungatan si Yi Jian dahil sa pabiglang pagpasok ni Ouyang at Li Yong sa kanyang silid. Marahas din siyang inalog ng mga ito para lang gisingin siya.

"T-teka, hindi niyo ako kailangan gisingin nang ganito." Humihikab niyang sabi. Bahagya siyang napatingin sa kanyang tabi, mabuti na lang at hindi naabutan ng mga ito si Lie Feng na natutulog sa kanyang tabi.

"Shaoye, nawawala ang batang wangye dito sa loob ng palasyo!"

Biglang nagising ang diwa ni Yi Jian dahil sa narinig. "Nawawala? Paano siya nawala?"

"Inaya ni Haring Lie Feng sina Haring Kai at ang batang wangye para kumain ng almusal sa hardin nito pero nang puntahan ng tagasilbi ang silid ng wangye ay wala ito doon." Kwento sa kanya ni Li Yong.

"Kanina ay nagkakagulo sa pagitan ng dalawang hari," sabi naman ni Li Yong. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang wangye."

Napatango na lang si Yi Jian. Matapos na mag-ayos ng sarili ay nagpunta na sila sa kinaroroonan ng dalawang hari. Sa pasilyo pa lang ay may nakakasalubong na silang mga kawal na masugid na naghahanap. Pero may biglang nahagip ang paningin niya. Sina Sui Hao at Haring Kai ay magkasamang naglalakad. Napatingin siya kina Ouyang at Li Yong na nauunang maglakad sa kanya.

"Nasaan na si Yi Jian? Bakit hindi na siya nakasunod sa 'tin?" tanong ni Li Yong nang mapansin na hindi na siya nakasunod.

"Nandito lang siya kanina! Yi shaoye!" Malakas na tawag sa kanya ni Ouyang.

Naririnig pa rin niya ang mga ito dahil bahagya lang siyang nagtago sa isang pasilyo. Nang makalagpas na ito sa pinagtataguan niya ay saka siya sumunod sa kung saan nagpunta sina Sui Hao at Haring Kai. Nakita niya itong lumiko sa isang sulok na walang masyadong dumadaan. Pumasok ang mga ito sa isang bakanteng silid. Walang bintana at delikado kung mag-e-eavesdrop siya sa may pintuan dahil madali siyang mahuhuli. Kaya naman umakyat siya sa bubong, dahan-dahan para hindi siya makalikha ng ingay. Inalis niya ang isang tiles doon para marinig ang pag-uusapan ng mga ito. Kaya lang ay tapos nang mag-usap ang mga ito. Wala siyang napala sa pagsunod niya sa mga ito. Nakuyom na lang niya ang kamao.

Ilang sandali pa ay bumalik na siya sa kung nasaan si Lie Feng. Isang oras pa lumipas at lumabas na ang batang wangye at sinabi nitong naglalaro lang ito pero naligaw sa loob ng palasyo kaya ngayon lang nakabalik. Agad itong sinalubong ni Haring Kai at niyakap. Humingi din ito ng pasensya kay Lie Feng dahil sa problemang dinulot ng anak nito. Sa huli ay nagkasundo na ang mga ito.

"Yi Jian, may problema ba?" tanong ni Lie Feng nang makita siyang sinusundan ng tingin ang hari.

Umiling siya. "Nagugutom na ako." Humawak pa siya sa sikmura niya. Napangiti na lang ito at inaya na siyang sumabay kumain. Napasunod na lang siya, hindi lang pala si Sui Hao ang kailangan niyang bantayan kundi pati si Haring Kai. Lie Feng, pasensya na kung ang isang ito ay hindi ko sasabihin sa 'yo. Hindi ko rin naman alam kung anong pinag-usapan nila pero mukhang delikado rin kalaban si Haring Kai. Kailangan na mapagplanuhang maigi ito. Isang bagsakan ng baraha para matapos na ang lahat ng problema.
_____

BUONG isang araw na nawala si Lie Feng, kasama nito ngayon si Haring Kai at ipinapasyal ito sa buong kaharian, ipapakita nito ang mga proyekto na nagawa nito sa nakalipas ng mga taon ng pamumuno nito. Kasama siya kanina, siniguro niya na walang mangyayaring hindi maganda kay Lie Feng. Natapos naman nang maayos ang buong araw iyon at ngayon ay nagpapahinga na si Lie Feng sa silid nito.

Sa buong durasyon ng pamamsyal ng mga ito ay naiisip niya na hindi gagawin agad ni Haring Kai ang mga plano nito habang nasa loob ng palasyo dahil para na rin nitong ikinulong ang sarili sa loob ng mababangis na leon. Kaunti lang ang dala nitong mga kawal kaya mabilis lang ito magagapi. Kung babalakin man nitong saktan si Lie Feng ay gagawin nito iyon habang nasa sariling teritoryo at mag-uutos ito ng isang assassin para mapaslang si Lie Feng. Pero kailangan pa rin mag-ingat kaya mahigpit ang bilin niya kay Zhang Jiangjun na bantayan nang mabuti si Lie Feng.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon