Chapter 79
DALAWANG buwan na rin ang nakakalipas mula nang mamatay si Liu Xue. Noong isang buwan ay hayagan niyang ipinaalam kay Sui Hao na may alam na siya sa mga lihim nito. Inaasahan niya na gagawa ito ng anumang aksyon ngayon pero wala pa itong ginagawa. Sa tingin niya ay pinagpaplanuhan nito nang maigi ang mga susunod na gagawin.
Nagkaroon lang ng kaguluhan sa palasyo nang biglang dumating ako kaya siguradong ako lang din ang target ni Sui Hao. Pero hindi ko nga lang alam kung bakit malaki ang galit niya kay Dou Ji. To the the point na ginamit nito ang pinakamalapit na kaibigan ni Dou Ji na si Liu Xue para mapabagsak ito.
Narinig na niya ang buong kuwento kay Ouyang kaya marami na rin siyang nalaman tungkol sa mga nangyari noon. Napabuntong-hininga siya bigla dahil naalala niya ang ginawang pagtatrydor ni Liu Xue kay Dou Ji, siguradong nasaktan ang huli dahil sa mga ginawa nito. Noong isang araw din ay nagpakuwento rin siya kay Lie Feng tungkol sa nalalaman nito kay Dou Ji pero tulad ng kwento sa kanya ni Ouyang ay halos ganoon din ang sinabi nito. Ang naiba lang ay ang pagsasabi nito ng dahilan kung bakit hinangaan si Dou Ji noon, iniligtas pala ni Dou Ji si Lie Feng mula sa mga gustong dumukot dito para ibenta.
Akala ko pa naman ay makakakuha ako ng ideya sa kung bakit galit si Sui Hao kay Dou Ji pero puro magagandang bagay naman pala ang ginawa nito.
Biglang natigilan si Yi Jian sa paglalakad dahil abala ang mga tao sa pag-aayos at paglilinis sa buong paligid. Nang tanungin niya ang tagasilbi na nag-aayos ng kurtina sa bawat kanto na pasilyo ay nalaman niya na nagbigay na ng abiso ang hari ng Chu na darating matapos ang buwan na ito. Napatango-tango na lang siya saka muling naglakad, ngayon ay naalala na niya na hindi pala nakarating ang hari noon sa kaarawan ni Lie Feng kaya ngayon ay babawi ito.
Bago bumalik sa tahanan niya ay nagpunta muna siya sa kusina para kumuha ng pagkain para kay Qingxing. May espesyal kasi siyang pinaluto para dito. Kaninang umaga pa kasi itong walang ganang kumain, ayaw din na lumabas at lagi lang na nakahiga. Matapos niyon ay bumalik na siya sa tahanan niya.
Nakita niya agad si Qingxing na nasa pasilyo lang, inilapag niya ang pagkain sa harapan nito pero tumayo lang ito pagkuway tinalikuran ang pagkain at humiga ulit. Hinaplos niya ang katawan nito.
"May problema ka ba? Kanina ka pa walang kinakain." Malungkot niyang sabi. Pinapainom niya lang ito ng tubig para kahit paano ay hindi ito ma-dehydrate.
Mayamaya pa ay biglang dumating si Lie Feng, takang-taka sa ginagawa niya.
"Lie Feng, wala ba kayong veterenarian dito?" Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Ibig kong sbaihin ay manggagamot para sa mga hayop."
"Meron. Siya ang manggagamot para sa mga kabayo ng palasyo. Bakit mo naitanong?"
Tumingin siya kay Qingxing. Ikinuwento na niya kay Lie Feng ang mga nangyari sa aso kaninang umaga. Ilang sandali pa ay nagpasya na sila para dalhin ito sa manggagamot pero ayaw nito. Tumayo ito at naglakad papasok sa loob ng tahanan niya pagkuway nagtago sa ilalim ng kanyang higaan.
"Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganyan," sabi ni Yi Jian habang nakatingin kay Qingxing. Hindi naman sumagot si Lie Feng pero nakita rin niya ang pag-aalala nito para sa aso.
Ilang araw pa na ganito ang sitwasyon ni Qingxing. Sa tuwing tatangkain niyang buhatin para pumunta kay Rou He ay magtatago ito. Nang pinapunta niya sa kanyang tahanan si Rou He ay hindi rin nito natingnan nang maayos si Qingxing dahil sumiksik ito sa dulo para hindi ito maabot. Sa huli ay hindi lang niya ito pinilit, baka mas lalo lang itong ma-stress dahil sa ginagawa niya. Nagpunta siya ulit sa kusina para kumuha ng pagkain nito pagkuway bumalik na sa tahanan niya. Pero nakita niya doon sina Ouyang at Li Yong na tila balisa habang nag-uusap. Mabilis niyang nilapitan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...