Chapter 90
MATAPOS ang isang buwang pagkaka-confine ng mga bata at matatanda ay sa wakas naka-recover na rin ang mga ito. Noong isang linggo lang ay pinangunahan niya ang pagle-lecture sa mga walang sakit kung anong gagawin kung sakali na magkaroon ng ganitong sakit. Naunawaan naman ng mga ito ang sinabi niya. May mga tao pa rin na nagkakaroon ng bulutong-tubig pero dahil sa mga sinabi niya ay sinunod naman ng mga ito ang bilin niya. Kusa nang pinapagaling ng mga ito ang sarili sa sariling bahay.
Ang tungkol naman sa mga sindikato, bumalik siya sa bayan ng Qingrong, binalik niya ang kabayo na hiniram niya kay Qiang Dou. Kinausap niya ito para tumayong testigo laban kay Sui Hao. Sa una ay ayaw pang pumayag nito dahil ayaw nitong magkaroon ng koneksyon sa palasyo pero dahil sa malaki ang utang na loob ng mga ito sa kanya ay pumayag na rin ito. Hiniling lang nito na hindi madadamay sa kung ano mang gagawin nila kay Sui Hao.
Napangiti na lang siya dahil ang mga kakampi ni Sui Hao ay nasa hanay na niya. Sa wakas ay kaunti na lang ang galamay nito pero hindi pa rin siya dapat na pakampante. Matalino ang kalaban niya kaya siguradong may nakatagong baraha pa ito.
Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Sui Hao. Kasalukuyan ay nasa loob siya ng tahanan ni Lie Feng, kasama si Hen Hao, Jin Yao at Bei Yiqi. Matapos magbigay-pugay ang mga ito para sa hari at emoerador ay umaayos na ito ng upo. Sinabi na ng mga ito ang dahilan kung bakit gusto nito na makausap si Lie Feng at tulad ng naisip nila, gagawing tulay ng mga ito ang hari para makausap ang emperador.
"Sa mga nasabi ko noon sa 'yo, Emperador Hen Hao. Patawarin niyo ako." Paunang saoita ni Bei wangye.
Ngumisi ito. "Hindi ka lang sa akin dapat na humingi ng tawad, tama ba?"
Kinuyom nito ang kamao. "Hindi ako yuyuko sa mga taong katulad ng dating tagapaglingkod." Tukoy nito kay Haring Kai.
Masamang tiningnan ito nina Xiao Hen at Lie Feng. Si Jin Yao naman ay agad na sinita ang alaga. Pero si Yi Jian ay binaliwala ang sinabi nito. Mas interesado siya kung bakit ikinukumpara siya kay Haring Kai.
"Hindi ko na hihintayin na magkaroon ka ng lakas ng loob para humingi ng tawad. Palalagpasin ko ang ginawa mo." Awtomatikong napatingin siya kay Lie Feng, naramdaman niya kasi ang curiousity nito sa kung anong ginawa ng binatilyong ito sa kanya. "Pero anong ibig mong sabihin na katulad ko ang kasalukuyang hari?" Hindi ito sumagot sa tanong niya. Parang hangin lang na dumaan ang mga salita niya sa tainga nito.
Nakuyom na lang niya ang kamao. Mukhang malalim ang pinanghuhugutan nito para ikumpara siya kay Haring Kai. Mas lalo tuloy lumalalim ang kuryosidad niya. Kukunin niya sana ang baso na may lamang tsaa nang matigilan dahil biglang binagsak ni Lie Feng ang baso sa lamesa. Tumayo ito pagkuway kinuha ang kamay niya at maingat siyang inakay patayo.
"Mahal na hari, saan ka pupunta?" tumayo si Be Yiqi. "Hindi mo ba nais marinig ang aking dahilan kung bakit kailangan ko ng tulong para maibalik sa amin kaharian ng Chu?"
Tumigil si Lie Feng sa paglalakad.
"Una. Hindi ko kailangan makinig sa taong hayagang binabastos ang taong pinakamahalaga sa buhay ko. Pangalawa. Malaman ko man o hindi ang iyong dahilan ay nakaplano na sa utak ko ang pabagsakin si Haring Kai. Pangatlo. Ang kaharian ng Chu, sa oras na masakop ko na iyon ay hinding-hindi ko ibabalik sa 'yo ang pamamahala nito kung hindi ka hihingi ng tawad sa bagay na ginawa mo kay Yi Jian." Seryoso ang boses na banta nito kay Bei Yiqi. Halata namang natinag ito sa sinabi ni Lie Feng, hindi ito nakasagot at namutla pa.
Lumabas na sila sa tahanan nito. Dinala siya nito sa ilalim ng mayabong na puno pagkuway isinandal siya sa malapad na kahoy.
"Anong ginawa sa 'yo ng binatilyong iyon?"
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Historical FictionBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...
