Chapter 4

164 17 3
                                    

Chapter 4

ILANG araw na ang nakalipas mula nang ipatayo nila ang water mill dito sa Ganjing. Simula nang magkaroon ng iregasyon ng tubig ay wala nang nagtatangka na kunin ang lupa ni Yeye Moran. Mabilis din na kumalat sa kapitolyo ang tungkol sa iregasyon na ito. May mga dumayo pa nga na mga tao sa ibang kaharian sa lugar nila para magtanong kay Yi Jian kung paano nila ginawa ang iregasyon na ito.

Sa una ay alanganin pa siyang magsabi kung paano nagawa ang water mill na ito dahil baka makaapekto ito sa hinaharap. Pero wala na siyang nagawa lalo at hindi siya tinitigilan ng mga tao. Ilang araw na rin wala si Dou Ji dahil nagpaalam ito na uuwi muna para daw asikasuhin ang business ng pamilya nito.

Sa huli ay masaya naman na inilahad ni Yi Jian ang blue print na ginawa niya para sa water mill na ito. Gusto rin niyang makatulong sa ibang lugar. Naisip niya na siguro naman ay hindi makakaapekto itong gagawin niya. Saka alternatibo lang naman ang water mill na ginawa nila. Sa mga susunod na isang libong taon ay magkakaroon na talaga ng iregasyon ng tubig at gagawin iyon ni Li Beng, isang hydrolic engineer at politician. At ang iregation system na gagawin nito ay makikilala at papakinabangan hanggang sa hinaharap.

Ang tinutukoy niya ay ang sikat na sikat na Dujiangyan Irregation System. Pasalamat na lang talaga siya dahil hindi pa pinapanganak ang taong iyon ngayon. Pero sa totoo lang ay iyon ang una niyang naisip na plano kaya lang tinapon na niya ang ideya dahil walong taon bago natapos ang irregation system na iyon at wala siyang balak na umabot ng isang dekada sa panahon na ito.

Hindi siya makakatagal na walang proper toiletries dito. Walang tissue, walang alcohol, walang sabon at walang shampoo. Walang wifi, walang internet, walang kotse at walang Starbucks. Shit, na-miss na niyang uminom ng Americano. Merong isang uri lang ng sabon na pinagamit sa kanya ni Yeye Moran. Isang sabon na gawa daw sa buto ng halaman na ang tawag ay Zhao Jia o soap pod.

"Ayos lang kaya na ibinigay mo ang ideya ng iregasyon ng tubig na ito?" May pag-aalalang taong ni Yeye Moran isang umaga habang nag-aalmusal sila.

"Ayos lang iyon, Yeye. Isa pa ay hindi tayo titigilan ng mga iyon. Saka mabuti na rin na malaman nila kung paano gumawa dahil baka ang sunod naman nilang isipin na kunin mula sa iyo ay ang water mill na ito."

Natawa ang matanda sa sinabi niya. Buong maghapon na tinulungan niya sa Yeye Moran para magtanim ng binhi sa lupa. Sumapit na ang gabi at pagod na pagod ang katawan ni Yi Jian. Pero naalimpungatan siya ng gising nang makaamoy ng nasusunog.

Napabangon siya agad at in-examine ang paligid. Walang sunog sa loob pero sa labas ay meron. Napalabas siya agad ng bahay para lang makita ang apoy na ngayon ay lumalamon sa water mill na pinaghirapan nilang gawin. Si Yeye Moran ay nandoon sa nasusunog na water mill at pinipilit na patayin ang apoy gamit sinalop na tubig sa ilog.

Nilapitan niya ang matanda at inilayo na sa nasusunog na water mill. "Tama na, wala na tayong magagawa." Malungkot niyang sabi.

Napaluhod naman si Yeye Moran habang umiiyak. "Bakit nila ginawa ito? Anong kasalanan natin sa kanila?"

Tahimik lang na umupo si Yi Jian sa lupa habang pinagmamasdan ang nasusunog na water mill. Isang buwan ang ginugol nila para magawa ito tapos ay ilang araw lang nilang nagamit at heto na ang nangyari. Parang nabaliwala lahat ng hirap na ginawa nila.

Nakuyom niya ang kamao. Sino kaya ang puwedeng gumawa nito? Wala siyang ibang maisip na tao dahil lahat naman ay nakinabang sa water mill na ito.

Umaga na nang mawala ang apoy. Si Yi Jian na lang ang nagligpit ng sunog na water mill. Si Yeye Moran kasi ay nasa loob na at pinagpahinga na niya. Buong gabi rin kasi itong umiyak dahil sa pagkakasunog ng water mill.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon