Chapter 112

20 5 0
                                        

Chapter 112

HINDI makatulog si Yi Jian. Kakatapos niya lang basahin ang liham na binigay sa kanya ng emperador. Nakasaad doon na unti-unti nang nabubuo ang puwersa ng pinagsamang hukbo ng Yu at Han. Sa ngayon ay nasa isang bayan ito katabi ng kapitolyo ng Chu at nanunuluyan sa bahay-panuluyan—katulad ng nilahad niyang plano kay Xiao Hen. At si Lie Feng, wala pa ito sa kaharian ng Chu dahil pinaghahandaan nito ang supply ng pagkain. Gamit ang ilang libong tael na ginto at pilak ay nagdesisyon si Lie Feng na mag-angkat ng bigas mula sa kaalyadong kaharian sa labas ng imperyo. Napangiti siya sa isiping iyon, sa totoo lang ay matagal na niyang binigyan ng ideya si Lie Feng tungkol sa pag-aangkat ng pagkain, gusto rin nito ang ideya niya para nga naman magkaroon sila ng mas matibay na ugnayan sa labas ng imperyo pero may ilang ministrong tinututulan ang suhesyon niya dahil natatakot ang mga ito na baka sakupin sila ng ibang kaharian. Bumuntong-hininga siya, ang mga ministro ng Yu ay masyadong secluded, ayaw sumubok ng bago at negatibo mag-isip. Si Lie Feng, may sariling desisyon ito pero hindi magawa-gawa dahil sa mga ministrong ito.

Anyway, malapit na rin naman ang nakatakdang paglusob ng Yu at Han sa Chu. Tama ang ginagawa ni Lie Feng. Sa gaganaping paglusob ay siguradong maraming madadamay, hindi maiiwasan iyon pero kailangan nilang gawin. Ilang sandali pa siyang nakatitig sa kisame nang mapagpasyahan niyang bumaba ng kama. Napangiti na lang sjya nang makita si Ouyang na natutulog sa cleopatra chair, wala na sa ayos ang kumot nito kaya naman nilapitan niya ito at inayos ang kumot nito.

"Hindi niyo masasaktan ang shaoye ko..."

Natawa na lang si Yi Jian dahil nagsasalita ito habang tulog. Lumabas siya ng tahanan niya, nakita naman niya doon si Li Yong sa gilid ng pinto na nakatayo lang habang kay higpit ng yakap sa hawak nitong espadang gawa sa kahoy.

"Yi Jian, bakit lumabas ka? May problema ba?"

Umiling siya. "Hindi lang ako makatulog. Siyanga pala, hanggang kailan niyo gagawin ni Ouyang ang pagbabnatay tuwing gabi?"

Ang totoo niyan ay salit-salitan ito at si Ouyang sa pagbabantay sa kanya tuwing gabi. Malaki ang binigay na mansyon ni Haring Kai sa kanya, maraming kuwarto pero mas pinili ng mga ito na manatili sa kung saan man siya naroon.

"Hindi kami titigil sa ganito naming gawain hangga't hindi tayo nakakabalik sa sarili nating palasyo. Wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa atin lalong-lalo na sa hari. Paano kung bigla na lamang siya pumasok rito at gawan ka ng masama?"

Binatukan niya ito. "Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Napayuko ito habang hawak ang ulo na binatukan niya. "Hindi ko lang kasi makalimutan ang ginawa niya sa 'yo noon sa loob ng kulungan. Wala kami nagawa ni Ouyang at wala ka rin nagawa para gumanti dahil sa pananakot niyang sasaktan kami. Ayoko lang na maulit iyon."

"Hindi na muling mauulit iyon, huwag ka nang mangamba." Napatango naman ito. "Kumusta nga pala ang  pananatili mo rito? Nakausap mo na ba si Sui Hao."

Umiling ito. "Wala rin silbi ang pagpapaiwan ko dito. Hindi man ako nakakulong sa piitan ay para naman akong nakakulong sa isang piitan dahil hindi ako makalabas ng mansyon. May mga kawal na nakabantay sa labas at bantay-sarado ako."

"Hindi na nakapagtataka," nasabi na lang niya. Mayamaya ay nagpasya siyang maglakad-lakad sa pasilyo nang bigla ay makita niya ang lalaking kanina ay nagbuhat sa hari para makabalik ito sa sarili nitong tahanan. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat. Mabilis naman itong napalingon pero nabigla siya nang makita ang ilang pulang marka sa leeg at dibdib nito, hindi maayos ang pagkakasuot ng roba nito kaya kapansin-pansin agad ang mga markang iyon.

Mabilis naman itong nag-iwas ng tingin sa kanya pagkuway inayos ang damit. "Ji shaoye—"

"Yi Jian, iyon ang pangalan ko." Pagtatama niya rito.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon