Chapter 93

22 6 0
                                        

Chapter 93

NAGING matagumpay ang inihaing istrayehiya ni Yi Jian. Ang Qingrong na naging kampo ng mga kalaban ay napabagsak ng mga kawal na sumugod doon. Ang mga pagkain na nakaimbak roon ay nagawang sunugin, nakakapanghinayang na kailangan nilang magsakripisyo pero wala silang ibang pagpipilian. Sa ngayon wala na ang mga kalaban sa Qingrong, mga namatay na, ang iba ay sugatan na bumalik sa kaharian ng mga ito. Ang pananambang naman para sa rasyon ng pagkain ng mga ito ay matagumpay din na nakuha. Ngayon ay sobra-sobra na ang mga pagkaing nakaimbak sa loob mg palasyo.

May ilang kawal ng Yu din na nagsakripisyo ng kanilang buhay para lang mapalayas ang kalaban. Sa digmaang nagaganap ngayon ay hindi maiwasan na kailangan may mamatay. Napabuntong-hininga na lang siya. Hiling niya na sana ay matapos na ang digmaang nagaganap. Gusto na niyang bumalik sa dating sigla ang Yu na nagsisilbi na niyang tahanan.

Bigla siyang napabahing pagkuway nanginig. Malamig ang simoy ng hangin ngayon. Natapos na naman ang tag-init at ngayon ay paparating na ang taglamig. Ilang araw na lang ang hihintayin at uulan naman ng nyebe.

Kiniskis niya ang mga palad at hinipan iyon para mainitan ang mga kamay niya. Kasalukuyan ay nasa gazebo siya sa labas ng tahanan ni Lie Feng. Inaya kasi siya nito para kumain at magsaya dahil sa matagumpay na pagpapalayas ng mga kalaban sa Qingrong at ang pagkuha ng mga pagkain. Sa totoo lang ay ayaw pa niyang magdiwang nang lubusan. Nagawa lang nilang paalisin ang mga kalaban pero hindi ibig sabihin niyon ay susuko na agad ang mga ito. Maaaring bumalik ang mga ito para lumikha ulit ng gulo.

Isa pang pinangangambahan niya ay ang paparating na taglamig. Ang mga kawal na nagbabantay sa bawat entrada ng palasyo, kailangan ng mga ito na dagdag na rasyon dahil mas mahihirapan ang mga ito. Ilang sandali pa ay dumating si Lie Feng. May dala-dala itong makapal na robe at ipinatong sa kanya. Nakita nito ang kuyom niyang kamao kaya kinuha nito iyon at pilit na ibinuka. Nang maramdaman kung gaano kalamig iyon ay inilapat nito ang palad niya sa pisngi.

"Lie Feng, baka may makakita sa atin." Hindi naman dahil concious siya sa sasabihin ng ibang tao pero hindi kasi siya affectionate ng tao—O, sige na, hindi siya malambing na tao! Hindi man niya kayang maging maging malambing kay Lie Feng sa harap mg ibang tao pero kaya niyang ipagtanggol ang relasyon nila sa mga taong nanghuhusga sa kanila.

"Ano naman kung may makakita sa atin? Hindi na lihim ang relasyon na meron tayo. Alam nila kung gaano kita pinapapaboran kaya hindi mo kailangan na mahiya." Nakangiting sabi nito pagkuway hinipan ang mga palad niya at ngayon ay inilagay naman sa leeg. "Mainit na ba ang pakiramdam mo?"

Biglang napalunok si Yi Jian sa tanong nito. Iba ang naging dating sa kanya. Alam niyang hindi iyon ang ibig sabihin nito pero hindi niya lang maiwasan na mag-imagine. Hindi niya tuloy mapigilan ang isipin ang nangyari sa kanila noong gabing lasing siya. Wala siyang maalala pero base sa mga pinapakita nito ay mukhang may nnaganap nga sa kanila. Napansin nito ang pamumula ng tainga at leeg niya kaya naman hinila siya nito palapit at mahigpit na niyakap. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga sa leeg niya, bumilis tuloy ang tibok ng puso niya.

Shit, Lie Feng, kung wala lang tayo sa labas malamang ay hinalikan na kita!
Kusa na siyang humiwalay dito. Ngumiti ito nang makita na namumula pa rin ang tainga niya.

"N-nagugutom na ako!" Paangal niyang sabi at sinimulan nang kumain.

Hindi pa rin sumasabay sa kanya si Lie Feng, nakatingin lang ito sa kanya. Kaya naman humarap siya dito at inihain sa harap nito ang dumpling. Nabigla naman ito pero agad din nakuha ang gusto niyang gawin. Umayos ito ng upo at sinubo na ang dumpling na inaalok niya. Lihim na lang siyang natawa, mukhang walang balak na kumain mag-isa ni Lie Feng kaya kailangan niyang pakainin ito.
_____

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon