Chapter 29

37 10 6
                                    

Chapter 29

"HINDI mo man sinasabi na interesado ka sa kanya ay nahahalata naman sa mga kilos mo na gusto mo siya." Natatawang sabi ni Wenrou. "Pero mabuti na lang at napakabata niyo pang dalawa ng emperador. Hindi ko kailangan mangamba na maging kaagaw kayong dalawa sa atensyon niya."

Napatingin si Lie Feng dito. May sasabihin sana pero natigilan dahil nakarating na sila sa bungad ng kapitolyo ng Han. Agad na may sumalubong sa kanilang ilang mga kawal at tinanong si Wenrou, ipinakita din nito ang selyo na nanggaling ito sa bahay-aliwan sa Daocheng para magdala ng babae.

Mula naman sa loob ng karwahe ay mabilis na pinagtago ni Dou Ji ang batang emperador sa loob ng baul na kinauupuan niya. Mayamaya pa nga ay hinawi ng isang lalaki ang kurtina para makita ang loob ng karwahe. Nang makita siya ay napangisi ito pagkuway umalis na rin. Nagsimula na ulit umandar ang karwahe at ilang saglit pa nga ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon. May isang lalaki ang inutusan siya na lumabas ng karwahe.

Habang nag-aayos para makababa ng karwahe ay napaisip si Dou Ji. Ang sabi ni Rou-rou ay mataas na tao ang pagsisilbihan ng babaeng ihahatid sana nito. Pero bakit mga kawal ng Han ang sumalubong sa kanila? At bakit sa bungad lang sila ng kapitolyo pinahinto?

Nang makababa ay napatingin siya kina Rou-rou at Lie Feng na nakatayo sa gilid niya. Nag-uusap ang mga mata nila ng kaibigan, mabilis naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Naihatid na namin ang babaeng hiniling niyo kay Ayi Meng. Maaari ko na ba makuha ang kabayaran niya?" Kunwari ay atat na sabi Wenrou. Ipinaparamdam na salapi lang ang habol nito.

Inakbayan ng isang lalaki si Dou Ji pagkuway inamoy ang buhok niya. Narinig niya si Lie Feng na nag-tsk bago iniwas ang tingin sa kanya.

"Bakit nagmamadali ka para kunin ang kabayaran ng babaeng ito? Ni hindi pa nga namin siya natitikman."

"Ipagpaumanhin mo kung ganoon ang dating sa 'yo pero ang kapatid ko ay gusto nang pumasyal ng kapitolyo kaya—" hindi na natapos ni Wenrou ang ibang sasabihin dahil binato ng lalaki ang isang supot na naglalaman ng sampong gintong ingot at limang pilak ng ingot.

"Umalis na kayo!" Sigaw ng lalaki sa mga ito pagkuway inakay na si Dou Ji papasok sa loob ng isang bahay kung saan mula sa labas ay maririnig ang malalakas na hiyawan.

Mabilis naman nagpasalamat si Wenrou pagkuway inakay na si Lie Feng na nakatingin pa rin sa bahay na pinasukan ni Dou Ji. Nakapasok na sa loob ng karwahe si Lie Feng, agad niyang binuksan ang baul at inalalayan ang emperador para makalabas doon. Mayamaya ay napansin niya ang espada ni Ji Jiangjun na nakabalot sa itim na tela. Naiwan nito ang sandata, kinuha niya iyon pero hindi kinaya ng isang kamay lang dahil may kabigatan iyon kaya iniyakap niya sa kanyang katawan.

Paanong nagagawa ni Ji Jiangjun na hawakan lang ito ng kaswal na hindi man lang nabibigatan? Hindi niya maiwasang isipin ang bawat sandali na nakikita niya si Ji Jiangjun sa palasyo, na palaging hawak ang sandata sa kaliwang kamay.

Ilang saglit pa ay huminto ang karwahe. Binuksan ni Wenrou ang pintuan ng karwahe para tingnan ang kalagayan ng emperador.

"Kamahalan, bigyan mo ako ng pahintulot na balikan ang kinaroroonan ni Dou Ji Jiangjun." Pakiusap ni Lie Feng sa batang emperador. Napatingin naman ito sa hawak niyang sandata. "Iniwan natin siya doon na walang kahit na anong hawak na sandata."

"Hindi mo na siya kailangan pang tulungan," si Wenrou ang sumagot, buo ang kompiyansa sa boses.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng emperador na nakaramdam din ng pag-aalala para kay Ji Jiangjun.

"Mas gugustuhin pa ng mga kalaban niya na paslangin sila ni Ji-Ji kaysa ang mahuli sila nitong buhay. Pagsisisihan ng mga taong iyon na kinalaban nila si Dou Ji na walang dalang sandata. Mas nakakatakot siyang kalaban sa mga oras na ito."

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon