Chapter 91

15 6 0
                                    

Chapter 91

YI JIAN got himself real wasted. Lahat ng alak na nakaimbak sa storage room ay pinakuha niya kay Ouyang at inutos na dalhin sa tahanan niya. Malakas ang loob niyang dalhin iyon dahil ginamit niya ang limited edition pass na binigay sa kanya ni Lie Feng noon. Kaninang umaga pa siyang umiinom, katabi niya si Ouyang na hindi naman umiinom at pinipigilan siya sa paglagok ng alak.

"Shaoye, tama na. Masyado nang maraming alak ang nainom mo. Siguradong magagalit ang hari kapag nalaman niya na pinakuha mo ang lahat ng alak sa imbakan ng palasyo." Kinuha nito ang baso sa kamay niya pero inagaw niya lang ulit iyon at sinalinan ulit ng alak.

"Sshh, hinding-hindi siya magagalit sa akin. Alam mo kung bakit?" Inakbayan niya ito pagkuway inilapit ang bibig sa tainga nito. "Mahal niya ako." Bigla itong namula nang hipan niya ang tainga nito, natawa naman siya. "Tss, Ouyang, huwag mong sabihin na tinatablan ka rin sa akin? Tama nang sina Lie Feng at Li Yong ang nahuhumaling mukhang ito." Uminom ulit siya ng alak.

"H-hindi sa ganoon!" Bigla itong tumayo. "Wala akong alam sa kung anong klaseng damdamin ang meron para sa 'yo ang hari at si Yong shaoye pero gusto kitang pigilan ngayon dahil mahalagang kaibigan ka sa akin!" Tumitig siya dito habang nakangalong-baba. "Ang nangyari kanina, iyon dahilan kaya mo nilalango ang sarili mo sa alak pero shaoye, wala kang kasalanan doon. Sila ang sumugod, inakusahan ka na peste at malas. Ginawa mo lahat para mapakalma sila pero mas nanaig ang galit na nararamdaman nila at mas pinaniwalaan pa nila ang sinabi ng taong iyon."

Mapait na napangiti si Yi Jian at hayon na naman ang panginglid ng luha sa mga mata niya. Kinuha niya ang bote ng alak at tinungga iyon. "Alam ko, wala akong kasalanan pero bakit ganoon? Mas naniwala pa sila sa sinabi ng taong iyon kaysa sa akin. Si Qiang Dou, ang mga tao sa Qingrong, pinatay sila at ang dahilan ay para mas lalong magkagulo sa kahariang. Siguro nga totoo ang sinabi ng taong iyon. Malas at peste ako."

"Shaoye..."

Inihiga niya ang ulo sa lamesa. "Ayoko nang makakita pa ng taong pinapatay sa harapan ko. Hindi ko na kaya..." nakuyom na lang niya ang kamao at hindi na pinigil ang sarili na umiyak. Inalo-alo naman siya ni Ouyang. Hindi ito umalis sa tabi niya hangga't hindi siya napapakalma.
_____

HAPON na nang makabalik si Lie Feng mula sa pagdalaw niya sa kampo ng hukbo ng Yu. Maayos ang pagkain at tubig ng mga ito na aabot pa para sa susunod na anim na buwan. Salamat sa magandang ani na naranasan nila nitong nakaraang dalawang taon. Kung hindi dahil kay Yi Jian na nilutas ang kawalan ng tubig sa palayan ay siguradong ang magiging una nilang problema ay ang pagkain.

Ngayon ay pinagtitibay nila ang depensa sa buong kaharian, isang paghahanda para kung sakaling sumugod ang hukbo ng Chu. Mula sa espiya niya na pinadala niya sa isa sa mga bayan ng Chu ay napag-alaman nito na hindi na lang pala simpleng kaharian lang ang Chu. Dahil ang katabi nitong kaharian, ang Wu at Fei ay sinakop na rin pala nito. Noong araw ng kanyang kaarawan, nang dumalaw ang hari ng Wu at Fei ay sinamantala ng hukbo ng Chu nasakupin ang mga kaharian na walang pondasyon.

Kaya pala wala na siyang natatanggap na liham mula sa mga ito dahil pinaslang na rin ang mga ito at ang mga kawal ng bawat kaharian ay sumanib na rin sa hukbo ng Chu, pinagsisilbihan na rin si Haring Kai dahil sa takot na mapaslang ang sari-sariling mga pamilya. Nakuyom na lang niya ang kamao, hindi niya akalain na ganoon kasama si Haring Kai. Napabuntong-hininga siya, siguradong magugulat si Yi Jian sa oras na malaman ang impormasyong ito.

Nakapasok na siya sa loob ng palasyo nang may biglang lumapit sa kanya na isang kawal at iniulat ang nangyari kaninang umaga.

"Nasaan na si Yi Jian?"

"Nasa kanyang tahanan, kamahalan."

"Kamahalan! Masamang balita!" May tagasilbi na lumapit sa kanya. Agad nangunot ang noo niya. "Lahat ng alak sa ating imbakan ay kinuha ni Yi Jian shaoye at dinala sa kanyang tahanan!"

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon