Chapter 6

158 16 8
                                        

Chapter 6

"YI JIAN, nakita mo na ba ang mga karatig na lupain dito? Aba at mga kulay luntian na! Kay gagandang pagmasdan!" Masayang sabi ni Yeye Moran. Kakagaling lang kasi nito sa Zhuliu dahil binisita ang dating kaibigan. Ang mga tao sa bayan na iyon ay nagsibalik na at ngayon ay nagtutulungan na ang mga iyon para sa ikakaganda ng mga pananim.

Apat na buwan na rin ang nakalipas mula nang magawa nila ni Dou Ji ang pagtanggal sa malaking bato na iyon sa Zhuliu. Sa ngayon ay okay na ang agusan ng tubig doon habang sa mga kasunod na bayan ay inaayos na rin ng mga ito ang mga ilog nila. Ang mga lalaking gustong kumuha ng lupa ni Yeye Moran ay bumalik sa Ganjing hindi para makipag-away kundi ang humingi ng tawad dahil sa mga nagawa nito.

Pinatawad naman nila ito dahil naiintindihan nila ang sitwasyon nito. Kahit na sinong nasa desperasyon na ng paghahanap ng solusyon para sa natutuyot na lupa ay gagawa rin ng desperadong aksyon para lang maisalba ang sariling lupain.

"Nasaan na pala si Xiao Ji? Dalawang buwan na rin mula nang hindi siya magpakita." Xiao Ji na rin ang tawag ni Yeye Moran kay Dou Ji dahil iyon ang naririnig nito na tawag niya sa kaibigan. "Ano na ba ang nangyari sa batang iyon?"

"Umuwi sa kanila. Sabi niya ay may aasikasuhin lang siya."

"Baka may dala-dala na naman na mga bagong kasuotan iyon para iyo." Nakangiting sabi nito.

Natigilan sa pag-inom ng tsaa si Yi Jian. Kailan kaya ulit magpapakita si Dou Ji? Wala na siyang ibang kakilala rito na kalapit ng edad niya bukod sa lalaki. Masarap pa naman kawentuhan ito. Naalala nga niya nang kwentuhan siya nito tungkol sa ilang kilalang mga mythical creature sa panahon na ito.

Alam na niya ang tungkol sa mga iyon kaya wala na siyang excitement na naramdaman pero nang siya naman ang magkwento ay matyagang nakikinig ito sa kanya. Paborito nga nito ang tungkol sa One Piece. Bawat arc ay ikunukwento niya rito. Ang naalala niya na huling arc na naikuwento niya ay ang Sky Island arc.

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng mga yabag ng kabayo at ilang karwahe. May isang lalaki ang lumapit sa kanila, tinanong kung siya ba si Yi Jian at nagulat siya sa sinabi nito. Nagpakilala itong isang eunach na ipinadala ng emperador.

"E-emperador? Emperador Fang Hen Hao ng imperyong ito? Han? Han Dynasty? Sigurado ka ba?"

Nagkatinginan ang mga kausap niya, Hindi naintindihan ang sinabi pero umoo din dahil narinig ang pangalan ng emperador. "Iyon ang nasasaad sa karta na ito," pinabasa pa nito sa kanya ang nakasulat doon sa imperial edict na binaba mismo ng emperador. "Iniimbitan ka ng emperador ng Han sa kanyang palasyo dahil hinangaan niya ang imbesyon mong water mill."

"Water mill? Shit, umabot iyon hanggang sa Han?"

Tumango naman ito bilang sagot. "Maaari ka na bang sumama sa amin?"

"Teka, paano si Yeye Moran."

"Sumama ka na, Yi Jian, malaking karangalan na imbitahan ka mismo ng isang emperador."

"Oo nga kaya lang—"

Natigilan sa ibang sasabihin si Yi Jian nang may dumating na namang isa pang tila entourage. Nakahanay kasi ang mga kabayo, may mga kawal at meron din karwahe. Mula sa karwahe ay may lumabas na lalaki.

"Xiao Ji?" Patanong niyang sabi. Teka, si Xiao Ji ba ito? Naka-postura ito nang maayos. Nakapusod pataas ang buhok nito at nakasuot ng magarang hanfu dress na naka-imprinta ang isang phoenix. Biglang may pumasok na ideya sa utak ni Yi Jian. Sa ancient china ang mga may karapatan lang na magsuot ng ganito ay ang pinakamataas na opisyal—isang hari!
Lumapit ito sa lalaking taga-hatid ng sulat ng emperador ng Han at kinuha ang karta sa kamay nito. Matapos basahin ay ibinalik nito ang imperial edict sa lalaki.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon