Chapter 117

21 4 0
                                    

Author's Note: Hi guys! Kumusta kayo? ☺️ Sorry, ngayon lang ako ulit nakapag-update. Nating busy lang talaga ako. 😔 Pero ngayon, itutuloy ko na. May magbabasa pa ba nito?

Chapter 117: Volume 12: Reasons For Living: Cure or Kill

Shu's Past

"ALAM mo ba ang mga pinagdaanan ko matapos kong mawalan ng mga binti? Tinalo ko pa ang isang palaboy, literal na gumagapang ako para makakuha ng pagkain. Mas maayos pa nga ang kalagayan ng isang matandang pulubi kaysa sa akin." Mapait na ngumiti si Shu. "Ang araw na nawalan ako ng mga binti. Naaalala ko pa ang araw na iyon... ilang araw bago ang kaarawan mo..."

Nabalitaan ni Shu ang ginawang kabayanihan ni Dou Ji, iniligtas nito ang mga bata mula sa mga bandido. Dahil sa ginawa nito ay tuwang-tuwa ang mga tao at mas lalong humanga ang mga ito kay Dou Ji. Si Shu, natutuwa rin siya sa nararanasang papuri ng mga tao kay Dou Ji. Gusto niya rin itong puntahan at purihin dahil sa ginawa nito pero matapos ang ginawa niyang paghalik dito noong nasa Haixian sila, hindi na ito nagpupunta sa kanya. Talagang tinotoo na magkikita lang sila bago ang araw ng kaarawan nito. Pero hindi na siya makakapaghintay sa araw na iyon. Kung hindi siya nito pupuntahan ay siya na mismo ang lalapit dito. Alam niya na sa oras na makita siya nito ay hindi rin ito makakatiis na hindi siya kausapin. Siya ang una nitong naging kaibigan kaya mahalaga siya para dito.

Ngayon ay nagtungo siya sa kapitolyo. Mula sa labas ng mansyon ni Ming Jiangjun ay maraming mga tao ang nasa paligid.

"Paumanhin pero bakit maraming tao ang narito ngayon?" tanong ni Shu sa isang lalaking nakikinood sa nangyayari.

"May dumating na tao mula mismo sa palasyo ng emperador at binibigyan ng papuri sina Ji shaoye at Xue shaoye dahil sa ginawa nilang kabayanihan sa kahariang ito." Tuwang-tuwa na sabi nito. "Nang dahil sa ginawa nila, nasisiguro kong tuwang-tuwa ngayon ang ating Haring Fu Bai at Ming Jiangjun dahil nabibigyan din sila ng papuri na mula mismo sa ating emperador. Nang dahil dito ay mas lalong giginhawa ang buhay natin sa kahariang ito!"

Hindi nakasagot si Shu, sobrang layo na ng agwat niya kay Xiao Ji. Ang emperador na mismo ang nagbigay ng paghanga dito. Ilang sandali pa ang lumipas at tinanggap na ni Xiao Ji ang imperial edict mula sa palasyo. Ang mga tao sa paligid ay nagsipalakpakan at tuwang-tuwa dahil sa nangyayari.

Pinagmasdan niya si Xiao Ji na malaki ang ngiti dahil sa tagumpay na nararanasan. Gusto niyang samahan ito kaya naman tinawag niya ito pero humarang si Liu Xue at tinakpan ang tainga nito. Mayamaya ay inakbayan nito si Xiao Ji at nilayo sa maraming tao. Nakuyom ni Shu ang kamao dahil nakita niyang lumingon sa kanya si Liu Xue pagkatapos ay ngumisi.

Muli niyang tinawag ang pangalan ni Xiao Ji pero natatabunan ng boses ng mga tao ang boses niya. Akmang tatakbuhin niya ang kinaroroonan ng mga ito nang may humila sa kanya pagkuway tinakpan ang bibig. Nang lumingon siya ay may nakita siyang ilang lalaking nakaitim. Binatukan siya ng isa kaya nawalan siya ng malay.

Nagising na lang siya dahil naramdaman niya ang pagkangawit ng mga braso. Nang tuluyan nang magising ang diwa niya ay nabigla siya sa sitwasyon kinasasadlakan ngayon. Pero mas nabigla siya nang makita ang taong nasa likod ng pagdukot sa kanya.

"Ming Jiangjun, ikaw—"

"Hindi ba at binalaan na kita na huwag lalapit kay Dou Ji? Anong ginawa mo? Balak mo siyang impluwensyahan ng pagiging immoral mo. Gusto mong sirain ang reputasyon ko?"

"Hindi immoral ang isang tulad ko. Alam ni Xiao Ji ang sekswalidad na meron ako at tanggap niya ako!"

Ngumisi ito. "Tanggap ka niya, oo, pero hindi niya tanggap ang pagkakaroon mo ng damdamin sa kanya. Ilang beses ba niyang sinabi na wala siyang nararamdamang espesyal sa 'yo? Sinamantala mo pa ang pagkakataon na puno na kuryosodad ang isip niya at nagawa mo siyang halikan. Ang isang tulad mo ay nakakadiri!"

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon