Chapter 106

17 5 0
                                    

Chapter 106

AKALA ni Dou Ji ay nakita na niya ang kanyang kaibigan pero nagkamali siya. Tatlong taon na rin ang nakalipas mula nang huling magkita sila nito at hindi pa maganda ang naging usapan nila.

"Dou Ji, nakapaghanda ka na ba? Aalis na tayo." Pumasok si Liu Xue sa loob ng silid niya, naabutan siya nitong hawak ang isang selyo na may pangalang Shu na nakaukit. "Saan mo nakuha 'yan?"

"Noong huling dumalaw ako sa puntod ni ina ay dumaan ako sa kwebang pinagtaguan namin ni Shu noon. Nakita ko ito doon, naisip ko lang na malamang ay nagtungo roon si Shu at nagpahinga. Simula nang makita ko ito doon ay palagi na akong nagpupunta doon pero hindi ko pa rin siya nakikita."

Kinuha nito ang selyo sa kamay niya at hinagis-salo sa kamay. "Gaano ba kaimportante ang Shu na iyon sa 'yo? Kung hanapin mo siya ay parang kasintahan mong matagal nawalay sa 'yo."

Natatawang tumayo si Dou Ji pagkuway sinalo sa ere ang selyo. "Si Shu ang pinakauna kong naging kaibigan. Parang kapatid ang turing ko sa kanya kaya hindi ko siya maaaring pabayaan ngayong may kakayahan na ako para ipagtanggol siya."

Napatango-tango naman ito. "Paano kung hindi mo na siya makita? Paano kung patay na siya kaya hindi na bumalik sa kwebang iyon?"

"Hangga't wala akong nakikitang bangkay ay mananatili siyang buhay para sa akin."

"Tss, ang tigas talaga ng ulo mo." Natatawang sabi nito. "Siyanga pala, alam mo ba ang dahilan kaya tayo pupunta sa palasyo? Gusto tayong ipakilala ng ministro ng pakikidigma kay Haring Fu Bai. Nasasabik na akong makaapak sa loob ng palasyo ng hari."

Ngiti lang ang sinagot ni Dou Ji at binalik na ang selyo sa loob ng kahon. Nasasabik din siyang makaapak sa loob ng palasyo. Hindi pa niya kasi nakikita ang hari.

"Dou Ji, alam mo bang magkalapit na magkaibigan ang ministro at ang hari. Maliban sa gusto tayong ipakilala ay bibigyan din tayo ng basbas ng hari para maging asawa ang dalawang anak ng ministro."

Gulat na napatingin siya dito. "Saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan? Masyadong mabilis ang pangyayari, isang buwan pa lang mula nang makilala natin ang anak ng ministro."

"Dou Ji, hindi ka ba natuto kay ama? Ang sabi niya ay kailangan nating ikalat ang ating mata at tainga sa buong paligid. Nalaman ko ito sa tagasilbi ng hari. Ayaw mo bang maikasal? Sa oras na makasal tayo sa kanila ay mas mapapadali ang pagpasok natin sa loob ng palasyo. Malapit na magkaibigan ang hari at ministro kaya siguradong magiging malapit din tayo sa hari."

May sasabihin sana siya nang biglang dumating ang isang tagasilbi at pinapatawag daw sila ng jiangjun. Mabilis silang lumabas ng silid at pinuntahan si Ming Jiangjun. Nakaupo ito habang sapo ang noo.

"Ama, anong nangyari?" Bungad na tanong ni Liu Xue.

"Alam kong pareho kayong nasasabik na makasal sa inyo ang dalawang anak ng minisro pero hindi na matutuloy iyon."

"Bakit? May nangyari ba?"

"May dumating na tagapaghatid ng mensahe mula sa emperador. Nais nitong gawing konsorte ang bunsong anak ng ministro habang ang panganay ay ikakasal naman sa isang mayamang mangangalakal sa Chu."

Si Liu Xue ay nakuyom naman ang kamao habang si Dou Ji, sa totoo lang ay balewala lang sa kanya kung maikasal ang babae sa emperador. Wala siyang nararamdamang espesyal dito bukod sa kaibigan. Ang plano nga niya kung sakali na matuloy ang kasal niya ay makikiusap siya kay Ming Jiangjun para ipagpaliban ang kasal.

"Sayang, kung hindi lang sana humadlang ang hari at emperador ay sana—" sabi ni Liu Xue habang hindi mapakali na palakad-lakad sa loob nh silid niya.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon