Chapter 50
TATLONG araw nang namamalagi si Lie Feng sa Qingrong. Sa mga araw na lumipas magmula nang makabalik sila sa bayang ito ay hindi na siya kailanman kinausap ni Ji Jiangjun. Palagi na itong nagkukulong sa kuwarto at ang tangi lang pinapapasok ay si Lao Gang. Nagtataka man si Lie Feng kung bakit nito ginagawa iyon pero wala siyang lakas ng loob para tanungin ito dahil ginagalang niya ang kung ano mang desisyon nito. Pero hindi si Lao Liao na mas di hamak na matagal nang naninilbihan kay Ji Jiangjun.
"Magmula pa lamang ng bata si Ji Jiangjun ay palagi na akong nasa tabi niya at inaasikaso ang bawat pangangailangan niya. Bakit ngayon ay ni isa sa amin ni Xiao Zhang ay hindi niya pinapapasok sa kanyang silid? Gang, anong ginawa mo sa jiangjun namin noong umalis kayo rito? Sabihin mo!" Si Lao Liao ay inabangan si Lao Gang. "At ano ang tingkol sa pagdukot niyo sa ilang mga tao sa kapitolyo?"
"Wala akong ginawa kay Ji Jiangjun, desisyon niyang ilayo ang sarili sa inyo." Napakunot-noo si Lao Liao. "At ang tungkol sa mga bihag, inutos ni Ji Jiangjun na dalhin sila rito. Ang mga taong iyon, sila lang naman ang mga guwardya ng piitan na nagpahirap kay Wen xiong na naging dahilan ng pagkamatay niya."
Natahimik naman si Lao Liao matapos marinig iyon.
"Lao Gang, anong binabalak ni Ji Jiangjun sa mga bihag na iyon?" tanong ni Lie Feng.
"Ano ba sa tingin mo?"
Nakuyom naman ni Lie Feng ang kamao, syempre ay alam niya ang maaaring mangyari sa mga bihag. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng mga pinapahirapang tao. Magmula sa pagbibigay marka gamit ang iron pad, paghugot ng kuko, latigo, pagputol sa mga daliri... marami pang ibang karumal-dumal na pagpapahirap na ang ordinaryong tao ay hindi masisikmura pero si Ji Jiangjun...
"Ang Jiangjun, hindi niya ugali ang pahirapan ang mga tao ng pisikal. Nasabi niya sa 'kin na tutol siya sa ganoong gawain kaya nga—"
"Lahat ng tao ay nagbabago. Kung inaakala mo na ang jiangjun na nakilala mo noon ay katulad pa rin ng dati ay nagkakamali ka. Binago na siya ng mga masasakit na nangyari sa kanya nitong nakalipas na buwan at hindi ko siya masisisi sa bagay na iyon."
"Nagkakamali ka! Ang jiangjun, siya pa rin ang jiangjun na nakilala ko!"
Umiling si Lao Gang. "Hindi mo maiintindihan ang sinasabi ko ngayon dahil hindi mo pa nararanasan ang mawalan."Iyon lang at umalis na ito. Si Lao Liao ay sinundan naman ito at patuloy pa rin sa panininisi dahil isa daw masamang impluwensya si Lao Gang kay Ji Jiangjun. Pero hindi nito pinansin ang paratang at sumakay lang ng kabayo para muling lumabas ng Qingrong.
"Feng, huwag kang mag-alala. Hindi totoo ang sinasabi ng taong iyon. Hinding-hindi magbabago ang jiangjun!" Matatag na sabi ni Lao Liao nang balikan siya.
Pilit naman na ngumiti si Lie Feng at hindi na sumagot pa.
Pero mali ng pagbasa si Lao Liao. Matapos ang isang linggong pamamalagi ni Ji Jiangjun sa loob ng tahanan nito ay ngayon lumabas ito. Napalunok na lang si Lie Feng nang maramdaman ang kakaibang aura na nakapaligid ngayon sa taong hinahangaan niya. Ji Jiangjun's peach blossom eyes that were full of shine and stars, the eyes that were attractive and teasing was gone now. All he could see was coldness and the intent for killing. His black robe with a layer of red was an addition to his blood lusted aura.
"Jiangjun!" Hindi napigilan ni Lie Feng na tawagin ito pero saglit lang siyang binalingan, parang hindi siya nakikilala nito. "Jiangjun, anong nangyari sa 'yo?"
Hindi ito sumagot at nilagpasan lang siya. Akmang hahawakan niya ang kamay nito pero kusa itong umiwas sa kanya. Nakuyom na lang niya ang kamao. Nagbago ito, ramdam niya iyon. Ang jiangjun na naabutan niyang nagluluksa sa Haixian. Ang jiangjun na nakita niyang umiyak sa kanyang balikat. Ang jiangjun na nakausap niya sa bahay-panuluyan at ang jiangjun na nagawa niyang hawakan ang pisngi. Ang mga iyon ang huling sandali na makikita niya ang dating jiangjun. Magmula nang bumalik sila sa Qingrong ay naiwan na ang jiangjun na nakilala niya.
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Narrativa StoricaBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...