Chapter 122

17 4 0
                                    

Chapter 122

NAABUTAN ni Ouyang si Li Yong na nakangalong-baba sa ibabaw ng lamesa. Tulala ito at parang may malalim na iniisip. Mayamaya ay bigla siyang napalapit dahil hindi na naman nito napapansin na dumudugo ang ilong nito.

"Yong shaoye, wala ka bang balak na magpatingin sa manggagamot? Lumalala na nag pagdurugo ng ilong mo." Umupo ito sa katapat na upuan.

"Wala akong sakit," pinunasan nito ang ilong. "Iniisip ko lang ang sinabi ni Yi Jian. Kailangan niyang makipagtalik para mawala ang lason sa kanyang dugo na binigay ng lapastangang iyon. Ilang oras na ang nakakalipas at gusto ko siyang kumustahin pero—" natigilan na naman ito dahil dumugo na naman ang ilong nito. Pinunasan na nito ang ilong gamit ang dalang panyo.

"Yong shaoye, ang dahilan kaya dumudugo ang ilong mo ay dahil hindi mo mapigilan na isipin ang nangyayari ngayon sa pagitan ng ating hari ni Yi shaoye."

"Tss, alam mo naman ang nararamdaman ko sa kanya. Pero ang isa ko pang inaalala ay ang kalagayan niya ngayon."

"Narinig ko sa manggagamot ng emperador na maayos na ang kalagayan ni Yi shaoye. Nawala na ang lason sa kanyang dugo at ngayon ay nagpapahinga na. Hindi na tayo dapat masyadong mag-alala dahil siguradong inaalagaan siya ngayon ni Haring Lie Feng."

Napatango-tango na lang si Li Yong pagkuway napatingin sa kanyang dibdib. Hindi maayos ang pagkakasuot niya ng kanyang roba kaya nakikita ang tapal na tela sa kanyang dibdib.

"Ang markang natamo mo ay panghabang-buhay mong dadalhin."

Napatingin siya dito pagkuway napahawak sa kanyang sugat. "Baliwala sa akin ito, ang mahalaga ay ligtas na si Yi shaoye at kasama na natin ngayon. Isa pa ay—" natigilan siya sa ibang sasabihin nang makita si Sui Hao, kasama nito si Qing wangye. Napalingon na rin si Li Yong sa tinitingnan niya. "Yong shaoye, maiwan na kita." Nagbigay-pugay siya dito. Tinanguan naman siya nito kaya tuluyan na siyang umalis para makapag-usap ang mga ito.

Dumeretso siya sa kinarorooman ng labi ni Ji Jiangjun. Hanggang ngayon ay wala pa rin ideya si Haring Lie Feng at Yi shaoye tungkol sa natuklasan nila. Sa dami ng mga problemang pumapataong sa bawat minutong nagdadaan ay ang pinakaimportanteng bagay na ito ay hindi nila magawang ipaalam.

Sa ngayon ay nakalagay ang buto at buhok nito sa isang kulay puting kahon na may magandang desenyo ng ibong nag-aapoy, katulad sa desenyo na nasa lalagyanan ng espada ng dating jiangjun. Ang espada naman ni Ji Jiangjun ay kasama sa labi. Ang emperador mismo ang nag-ayos ng labi nito matapos malaman ang tungkol sa natuklasan nila. Tulad nila ay galit din ito sa ginawang pagtatago ng dating hari sa mga labi ni Dou Ji. Matagal nilang hinanap ang putol na braso, buhok at espada nito pagkatapos ay nasa kamay lang pala nito.

"Ji Jiangjun..." nagbigay-pugay siya sa harap ng labi ng jiangjun. Matapos mag-alay mg insenso ay umupo siya at inalala ang mga sandaling kasama niya ito noong nabubuhay pa. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagkakataon na iniligtas siya nito.

"Ouyang, nandito ka lang pala."

Napalingon si Ouyang sa nagsalita. Agad siyang tumayo at nagbigay-pugay sa emperador. Ngumiti naman ito sa kanya pagkuway kumuha din ng insenso at itinirik iyon sa labi ni Ji Jiangjun, nag-alay din ito ng dasal. Napatitig na lang siya sa emperador, ilang araw na ang nakalipas mula nang bumalik ito sa matagumpay na pagkakadakip kay Haring Kai. Hindi niya makakalimutan ang karumal-dumal na anyo ng hari ng Chu nang bumaik ito sa palasyo. Putol ang mga binti at kaliwang braso nito, tulala at umiiyak dahil sa pagkatalo.

"Hindi siya mamamatay, pinainom siya ng gamot na siyang magpapahinto sa pagdurugo mula sa putol niyang braso," sabi sa kanya ng isang guwardyang nagbabantay sa piitan kung saan naroon si Haring Kai.

"Mula sa putol niyang braso at mga binti. Nagagawa pa rin niyang maging gising sa mga pinsalang natamo niya."

"Matagal ng putol ang mga binti niya. Nasurpresa kami nang malaman na may itinatago pa lang kapansanan ang hari ng Chu."

Si Ouyang at hindi makapaniwala sa narinig. Matagal nang putol ang mga binti nito? Hindi niya alam ang dahilan sa likod ng kapansanan ng dating hari pero wala na siyang pakialam. Sa ngayon ay ito lang ang nais niya, ang masaksihan niya mismo na buhay pa ito bago ito bitayin. Nais niyang maranasan nito ang takot na naramdaman ng mga taong pinagpapatay nito noon kapitolyo.

"Bakit hindi mo pa puntahan si Yi Jian?" Mayamaya ay nagsalita ang emperador matapos nitong mag-alay ng dasal.

"Kasama niya ngayon ang aming hari, ayokong makaistorbo sa kanila ngayon. Isa pa ay maayos na ang kalagayan ngayon ni Yi shaoye ayon sa iyong manggagamot."

Napatango-tango naman ito. "Nakakainggit, tama ba?" Napatanga si Ouyang sa sinabi ng emperador. "Gusto natin makasama ang taong mahal natin pero iisang tao lang ang kailangan niya sa loob at iyon ang taong minamahal din niya. Kung maaari lang na palitan natin sa kanyang puwesto si Lie Feng ay ginawa na natin."

"Kamahalan..."

"Pero mas nakakainggit si Li Yong dahil kaya niyang ipakita ang totoong nararamdmaan niya samantalang tayo ay kailangan na maglihim." Natahimik si Ouyang. Hindi na niya kailangan pang magkunwari na hindi naiintindihan ang ibig sabihin nito. "Hindi pa napapansin ni Lie Feng ang damdamin mo para kay Yi gege dahil magaling ka magtago. Hindi katulad ko na sa umpisa pa lang ay nahalata na ni Lie Feng," natatawang sabi nito.

"Wala sa plano ko ang mahulog para kay Yi shaoye pero habang matagal ko siyang nakakasama ay naaala ko ang paghangang naramdaman ko para kay Ji Jiangjun."

"Pareho tayo," humarap ito sa kanya. "Maaari ba kitang makasama para uminom ng alak? Sa tingin ko ay marami tayong dapat pagkuwentuhan tungkol sa lihim nating damdamin para sa iisang tao."

Napangiti si Ouyang pagkuway nagbigay-pugay sa emperador. "Isang karangalan para sa isang tagasilbing tulad ko ang makasama ang emperador."

Ilang sandali pa nga at nagtungo na sila sa tahanan nito at doon ay malaya nilang pinag-usapan kung paano nabuo ang hindi inaasahang damdamin nila para kay Ji Jiangjun.

"Siyanga pala, may nakilala akong isang binatilyo na tiyak na ikakabigla niyo sa oras na makita niyo." Nakangiting sabi ng emperador matapos na salinan ng alak ang baso ni Ouyang...

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon