PROLOGUE
"YI JIAN! Yi Jian, come on, give me a fierce look. Yes, that's it! Good! Good! Great! Okay, lets take a break!"
Napabuga nang malalim na buntong-hininga si Yi Jian matapos ang ilang minutong pagpopose. Hinubad niya ang suot na outer robe at ipinatong sa sandalan ng upuan."Ah-Jian, inumin mo ito." May binigay na carbonated drink ang kanyang personal assistant. Matapos niyon ay tumabi ito sa kanya at itinapat ang mini-electric fan sa kanya. "Grabe naman itong photographer natin, kailangan ba talagang magkaroon tayo ng photoshoot sa gitna ng karagatan? Tirik ang araw pagkatapos ay ilang layer ng ancient chinese robe ang suot mo, gusto niya yata na ma-heat stroke ka."
Natawa na lang si Yi Jian pagkuway nilagay sa lamesa ang iniinom. "Hayaan mo na, maganda rin naman ang location. Isa pa..." napatingin siya dito. "Huwag mong sabihin sa 'kin na hindi ka nag-e-enjoy habang sakay ng yateng ito?"
Biglang napanguso ang assitant niya. "Slight lang. Oh, anyway, heto na pala ang photo book magazine mo. Balita ko ay maraming nabenta ang publisher nito."
Napangiti si Yi Jian at inilang buklat lang ang mga pahina ng hawak na magazine. Si Shen Yi Jian, isang brand ambassador ng isang clothing line sa China. Sikat na sikat siya sa fashion industry at makailang ulit na rin na nag-imbihatan para maglakad sa catwalk. Itong photoshoot niya ngayon ay isang preparasyon para sa opisyal na pagbubukas ng clothing brand kung saan ang mga ibinibenta ay mga ancient chinese robe o hanfu dress. Ngayon kasi ay nauuso ang mga pagko-cosplay ng mga characteres sa mga manhua, especially sa mga genra ng boys love. Mainly, ang mga nagko-cosplay ay mga kababaihan na nakakahiligan sa mga boys love theme.
Ilang sandali pa ang lumipas at muli na naman siyang tinawag ng photographer para kuhanan ng ilang shots. Mayamaya ay pinagpahinga na siya nito sa loob ng cabin. Nasa kalagitanaan na siya ng tulog nang makarinig ng ilang katok sa kanyang pintuan. Bumangon siya pero natumba lang ulit.
"Shit, sana mali ang hinala ko!" Tumayo siya at binuksan ang pinto.
"Ah-Jian, bumabagyo ngayon! Malakas ang alon ng tubig. Kailangan na natin maghanda!"Tumango siya bilang sagot pagkuway bumalik sa cabin niya. Kinuha ang kanyang bag at ipinasok roon ang lahat ng maaaring magkasya roon. Sinuot na rin niya ang life jacket pagkuway lumabas ng cabin niya. Naabutan niya roon ang kanyang assistant at ang photographer na inihahanda ang inflatable boat na sasakyan nila. Pero masyadong malakas ang alon kaya naman ang bangka ay natangay ng dagat. Humampas pa ang alon at nahulog ang assistant niya. Sumunod ay ang photographer, naiwan pa nito ang bag kaya naman kinuha niya iyon. Ngayon ay siya na lamang ang naiwan sa yate. Hindi alam ang gagawin. Mayamaya ay biglang tumaob ang yate at tuluyan na siyang nahulog sa karagatan...
_____NAALIMPUNGATAN si Yi Jian dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha niya. Unti-unti niyang minulat ang mga mata at bahagyang hinilot ang mga iyon dahil nasisilaw pa siya sa sinag ng araw. Medyo masakit din ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay may pumipintig-pintig pa roon. Bumangon na siya at inilapat ang mga kamay sa ulo para iyon naman ang hilutin. Teka, ano nga ba ulit ang nangyari sa kanya? Ah, oo, naalala na niya. Tumaob ang yate na sinasakyan nila dahil sa malakas na bagyo na dumating sa karagatan.
Kumusta na kaya sila? Nakaligtas kaya? Shit! Nasaan na ba ako? Kailangan kong tumawag para makahingi ng tulong. Akmang bababa na siya ng katre na gawa sa kawayan nang biglang bumukas ang pinto na gawa sa dayami, iniluwa niyon ang isang matandang lalaki. May dala-dala itong maliit na palanggana na gawa sa kahoy habang sa braso nito ay nakasabit ang isang tuwalya. Nakapusod paitaas ang puting-puti na buhok nito at ang kasuotan ay kupas na robang kulay tsokolate.
"Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" Masayang tanong ng matanda sa kanya.
"Well, I'm okay. Anyway, kayo po ba ang nagligtas sa akin?"
Medyo napangiti ang matanda. "Kakaiba ang mga salitang nababanggit mo pero naiintindihan ko naman ang iba. Oo, nakita kita sa dalampasigan nang mapadaan ako doon. Sa tingin ko ay inanod ka kung saan mang lugar ikaw naaksidente."
Napatango na lang siya. "May nadaanan kaming bagyo ng mga kaibigan ko at lumubog ang yate na sinasakyan namin. May malapit bang loading station dito? Gusto ko sana ipaalam sa pamilya ko na buhay ako."
"Y-yate? Load... naku, hindi ko alam ang mga salitang binabanggit mo."
"Hindi niyo ba alam ang loading station? Cell phone? 'Yong ginagamit na pantawag." tanong niya. Umiling-iling naman ito. Teka, baka nasa probinsya siya kung saan hindi uso ang cell phone. Aware naman kasi siya na may ibang lugar na hindi pa sibilisado. "Matanong ko lang po, anong lugar po ito?"
"Nandito tayo sa bayan ng Ganjing."
Napakurap si Yi Jian. "Ganjing? Shit, saan iyon?"Kitang-kita sa mata ng matanda ang pagtataka sa inaasal niya. Teka, hindi nga niya alam kung saan ang Ganjing! May probinsya bang ganoon sa China? Baka nasa ibang bansa siya! Pero hindi, pareho ang lengguwahe nila, naiintindihan nila ang salita ng bawat isa. Although, ang matandang ito ay may hindi naiintindihan na salita mula sa kanya dahil english pero suma-tutal ay pareho silang Chinese!
"Oo nga pala, heto ang gamit na kasama mo nang maanod ka sa dalampasigan." Binigay nito sa kanya ang dalawang bag. Naka-lock pareho iyon. Binuksan na niya ang lock ng kanyang at unang nilabas ang cell phone. Pinakita niya sa matanda ang kanyang cell phone at sinabi na iyon ang tinatukoy niya pero hindi talaga nito alam ang cell phone. Ilang sandali pa ay nagpaalam na ito na lalabas muna dahil may niluluto ito sa labas.
Napabuntong-hininga na lang siya saka napatingin sa signal ng cell phone niya. Walang ma-receive na signal iyon. Naiiling na nilabas niya ang laman ng kanyang bag. Mabuti na lang at water proof ang bag na dinala niya kaya hindi nabasa ang mga gamit niya sa loob. Pero ano ba itong mga nadala niya? Cell phone, power bank, wallet na kahit paano ay may lamang pera, first aid kit, at ilang junk foods. Napatampal na lang siya sa noo, ganito lang ba kaunti ang nadala niya? Ni wala man lang siyang dalang damit! Pinakialamanan na rin niya ang bag ng photographer niya. Sinira na niya iyon at nilabas ang laman niyon pero wala naman masyadong mahalagang gamit bukod sa mga damit na hindi naman niya type dahil baduy ang kulay, may wallet din ito at polaroid. Shit, ano naman ang gagawin niya sa polaroid na ito?
Napatingin siya sa damit na suot. Yellowish loose-fitted robe at trouser ang suot niya, may mga himulmol na at halatang gamit na gamit na. May mga patches din siyang nakikita na tinahi para matakpan ang mga butas. Pero bakit ganito ang damit na suot niya? Masyado ba talagang hindi moderno ang lugar na ito? Para tuloy siyang nasa ancient times kung saan—
Shit! Puwede kaya ang naiisip ko? Hindi, imposible. Walang ganoon, walang basehan ang naiisip ko! Napaka-imposible.
Huminga muna siya nang malalim pero hindi siya mapakali. Lumabas siya at doon bumungad sa kanya ang napakalawak na lupain. Sa 'di kalayuan ay may mga bundok siyang nakikita at may naririnig din siyang agos ng tubig.
"Bakit tumayo ka agad? Baka hindi ka pa magaling." Biglang dumating ang matanda na may dalang sandok na gawa sa kahoy.
"Yeye, sabihin mo nga sa akin kung anong taon ngayon at kung saan nabibilang ang Ganjing." Intense niyang sabi habang kay higpit ng hawak sa balikat ng matanda.
"N-nasa ika-isang libo, limang daan at apat na po at siyam na taon ngayon at ang lugar na ito ay nasa kanlurang bahagi ng Kaharian ng Yu."
Nanlalaki ang mga mata na napalayo siya sa matanda. Nasa 1549 siya. Shit, tama nga ang hinala niya. Nasa ancient china siya, dahil sa aksidenteng kinasangkutan niya ay nag-time travel siya at ngayon ay kailangan niyang malaman kung paano siya makakabalik sa panahon niya!
![](https://img.wattpad.com/cover/296568562-288-k880521.jpg)
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Ficción históricaBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...