Chapter 125

32 4 1
                                        

Chapter 125

NASA loob ng silid si Sui Hao kasama si Qingxing na nagbabasa ng libro. Si Li Yong ay biglang pumasok sa silid na kinaroroonan nito, hindi na nag-abala para kumatok at payagan siyang pumasok.

"Ano at naparito ka nang kusa sa akin, Yong'er?" tanong ni Sui Hao habang titig na titig sa kanya, may nakita siyang amusement dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Nakita niyang napangiti ito, alam nito na kusa siyang magpupunta sa kinaroroonan nito dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Kung balakin man niyang kausapin ito o i-ambush ay kusa itong lalayo. Ngayon ay ito na ang pagkakataon niya, wala na itong kawala at sa tingin naman niya ay wala itong balak na muli na naman siyang layuan.

"Alam kong inaasahan mo ang pagparito ko," simpleng sagot ni Li Yong. Napatingin siya kay Qing wangye na kahit abala sa pagbabasa ng libro ay intersado pa rin sa pakikinig sa pag-uusapan nila. Mananatili ba ito sa loob kung hindi? Pero wala na siyang pakialam pa doon, may nais siyang malaman na tanging ang nagpalaki sa kanya ang nakakaalam.

"Gusto mo bang sumama sa akin?" Mayamaya ay sabi ni Sui Hao. "Alam mo naman ang balak kong pag-alis sa imperyong ito kaya ako nakipagtulungan sa inyo, 'di ba?
Umiling si Li Yong. "Nais kong malaman, totoo ba ang sinabi mo noon. Totoo bang namatay ang aking ina sa panganganak sa akin?"

Tumingin si Sui Hao sa kanya. Uminom muna ito ng tsaa bago sumagot. "Ang mga sinabi ko noong nasa Shan tayo ay pawang katotohanan. Buntis na ang iyong ina nang makilala ko, nagpanggap akong isang lalaki at inako ang responsibilidad. Ginamit ko kayo ng iyong ina para sa mga plano ko noon kay Ji Jiangjun. Ano pa ang gusto mong malaman?"

"Sino ang aking totoong ama?"

"Hindi ko alam."

"Sinungaling!" Sigaw ni Li Yong. "Katulad ng sinabi mo ay ginamit mo ang kalagayan ng aking ina para sa mga plano mo. Nasisiguro ko na lihim ka nag-imbistiga tungkol sa aking totoong ama dahil ayaw mong masira ang mga plano mo kung sakali na babalik siya para sa amin."

Napangiti si Sui Hao. "Yong'er, Yong'er," napapailing-iling pa ito habang sinasalinan ng tsaa na mula sa marmol na tea pot ang baso nito. "Hindi ko akalain na magagawa mong ma-analisa ang tungkol sa bagay na iyon. Dala ba 'yan ng kakadikit mo kay Yi Jian kaya nahahawa ka na rin sa pagiging matalino niya?"

"Gusto kong malaman ang sagot mula sa 'yo."

Napabuntong-hininga si Sui Hao. "Tama ka, inimbistigahan ko nga ang iyong ama. Gusto kong malaman kung babalikan pa niya kayo o hindi na..." iniangat nito ang baso pagkuway tiningnan ang likidong naroon. "Wala siyang balak na balikan kayo ng iyong ina." Magsasalita si Li Yong nang unanhan nito. "Hindi mo na kailangan pang malaman kung sino siya." Tumayo ito, akmang lalabas ng silid pero hinuli ni Li Yong ang braso nito.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Hindi mo na kailangan pang malaman pa ang tungkol sa iyong totoong ama, Li Yong. Maniwala ka sa akin."

"Nakikiusap ako, sabihin mo lang sa akin ang pangalan niya." Habol na pakiusap niya pero inilingan lang siya nito. Binuksan niya ang pinto at imimuwestra ang kamay, inaaya na siyang lumabas.

Si Li Yong naman ay nakuyom ang kamao, umasa pa naman siya na pagkatapos iligtas ni Sui Hao ang buhay nila ni Ouyang ay magagawa niyang makakuha pa ng impormasyon tungkol sa totoo niyang pinagmulan pero hindi pala. Lumabas na siya ng silid nito na bigo.
Habang sa loob naman ng silid. Matapos isarado ni Sui Hao ang pinto ay binaba naman ni Qingxing ang hawak na libro pagkuway bumaba mula sa kinauupuan.

"Sui-jie," tawag nito kay Sui Hao. "Nais kong magpahangin sa labas."

Tumingin si Sui Hao dito, may kakaibang ngiti sa mga labi. Pinagpag nito ang kamay, palatandaan na pinapayagan niya itong lumabas. Pagkalapat ng pintong nilabasan ni Qingxing ay mabilis siyang tumakbo para mahabol si Li Yong, ilang sandali pa ay natanaw na niya ito. Habol ang hininga na tinawag niya ang pangalan nito. Humapinto naman ito at hinintay siya.

Unwritten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon