Chapter 61
ILANG araw na ang lumipas mula nang makaisip ng plano si Yi Jian. Sa kasalukuyan ay nasa labas siya ng hotel na tinutuluyan niya. Meron kasing nahanap si Ouyang na bugaw para ibenta siya. Sinabi nito sa kanila na mga taga-palasyo daw ang madalas na lumalapit dito para bumili ng babae. Nang malaman niya iyon ay pumayag na siya agad para maibenta. Sa wakas ay malalaman na niya kung sino pa ang kasabwat ni Ministro Jiao Hua sa loob ng palasyo. Sina Li Yong at Ouyang ay pina-stand-by niya sa hindi kalayuan para maging bantay niya.
"Ginoo, madaling-araw na pero bakit hindi pa sila dumadating para kunin ako ngayong araw?" Naiinip niyang sabi sa pambabaeng boses.
"Maghintay ka lang!" Nakangising sabi nito pagkuway pinalo ang puwet niya.
Siraulo! Bastos! Gusto niyang sapakin ito kaya lang ay malalaman nito na nagpapanggap lang siyang babae. Napatingin siya sa kinapupuwestuhan nina Li Yong at Ouyang. Nakita niya na tila pinipigilan ni Ouyang si Li Yong para hindi sumugod, nagalit 'ata ito dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya. Inilingan na lang niya ang mga ito para malaman na ayos lang siya, kailangan matapos na itong kaso ng prostistusyon at maibunyag ang mga kasamaan ni Ministro Jiao Hua.
Ilang sandali pa ay may dumating nang karwahe. Napangiti na lang siya nang huminto iyon sa harapan niya. Iniangat niya ang hawak na pamaypay at itinago ang kalahati ng mukha niya, tanging mga mata lang ang nakikita sa kanya.
Sino kaya ang—teka, hindi siya tagaloob ng palasyo! Ibang tao ang bibili sa akin. Bulong niya nang bahagyang sumilip sa bintanang natatabingan ng pulang kurtina ang nasa loob ng karwahe. Isang lalaking mataba at may kadilawan ang mga ngipin. Sa tingin niya ay isa itong mayamang mangangalakal galing sa ibang bayan.
Bigla tuloy syang napaatras pero hinawakan ng bugaw ang braso niya. "Ginoong Tian, nandito na ang babaeng sinasabi ko sa 'yo. Hindi na siya makapaghintay na makasama ka ngayon."
Alanganin siyang ngumiti dito. "Pasensya na pero nagbago na isip ko. Hindi na ako sasama sa—" natigilan siya nang may makita pang isang babae sa loob ng karwahe. Yanli... Shit! Seryoso ba ito? Sino ang nagbugaw sa kanya para maisama ng lalaking ito?
"Ano? Aatras ka? Binayaran ka na ng taong ito, 'di ba?"
Nakuyom na lang niya ang kamao pagkuway sumampa sa loob ng karwahe. Umupo siya sa tabi ni Yanli kaya naman napansin niya ang luha at takot sa mga mata nito, tumingin ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo—" natigilan ito sa ibang sasabihin nang magsalita ang lalaking bumili sa kanila.
"Magiging maligaya ang araw na ito para sa ating tatlo, mga mahal kong binibini." Nakangising sabi nito pagkuway akmang hahawakan ang hita ni Yanli pero hinuli niya ang kamay nito. Napatingin ito sa kanya pero nakakalokong ngumiti rin. "Ah, ngayon pa lang ba ay nagseselos ka na? Huwag kang mag-alala, mamaya ay—"
"At bakit ko kailangan magselos?"
Nabigla ang mga ito dahil sa panlalaking boses niya. Ititigil na niya ang kanyang pagpapanggap. Palpak ang plano niyang ito pero blessing in disguise pa rin dahil kay Yanli na kailangan niyang iligtas mula sa taong ito.
"Isa kang huwad na babae! Mga—" natigilan ito sa ibang sasabihin dahil ipinasok niya ang kamay nito sa bibig para maging busal nito. Idinagan din niya ang katawan sa malaki nitong sikmura para hindi makagalaw.
"Anong nangyayari? Bakit biglang nag-iba ang boses mo? Hindi ba at kasintahan ka ni Li Yong? Bakit nandito ka at ibinugaw ang sarili mo?" Sunod-sunod na tanong ni Yanli sa kanya.
Ngumiti siya dito. "Hindi niya ako kasintahan, nagpapanggap lang akong babae dahil sa kaso ng prostitusyon na gusto kong lutasin. Hindi mo ba ako naaalala? Nagkita na tayo noon."
BINABASA MO ANG
Unwritten Memories
Fiksi SejarahBL/Historical with 12 volumes. Si Yi Jian, isang modelo mula sa modernong panahon. Nasa photoshoot siya, sakay ng isang yate nang bigla ay bumagyo at inalon ang yateng sinasakyan niya. Nahulog siya sa karagatan at nang magising siya ay nasa isang hi...
